bc

His Last name, My Secret

book_age18+
20
FOLLOW
1K
READ
family
HE
opposites attract
badboy
powerful
heir/heiress
drama
bxg
virgin
like
intro-logo
Blurb

Zia always believed family was worth any sacrifice, until her parents traded her hand in marriage to settle a debt. Her new husband? Hunter Del Tiero: a billionaire whose name commands fear in boardrooms and shadows alike, a man who treats power like currency and people like pawns.

In his glass-and-steel penthouse, where silk sheets mask cold floors and every smile hides a scheme, obedience is non-negotiable. But Hunter has no idea the woman he bought is far from fragile: Zia carries a secret she’d die to protect.

With every stolen touch, desire ignites against a backdrop of danger. Every heated glance threatens to shatter the walls she’s built. The closer she gets to the truth of who Hunter really is, the more she realizes his name isn’t just her burden it’s a weapon forged in betrayal, and it could destroy them both.

In a world where wealth buys everything but trust, can love survive the price of revenge?

chap-preview
Free preview
Married Her Worst Nightmare.
Chapter 1 -THIRD PERSON POV- "You may now kiss the bride." Malinaw na umalingawngaw ang boses ng pari sa tainga ni Zia, na parang biglang gumising sa kanya mula sa isang bangungot na gusto niyang takasan.Bago pa siya makapag-react, mabilis na itinaas ni Hunter ang kanyang belo gamit ang matigas at halos walang pasensyang galaw. Pagkatapos ay idinikit nito ang mga labi sa kanya. Napasinghap si Zia nang maramdaman niyang bahagyang kinagat ni Hunter ang kanyang labi. Kumirot iyon, dahilan para mapadilat siya at mapatingin sa mga mata ng lalaki. Pero hindi man lang siya tinitingnan ni Hunter. Ang galit nitong titig ay nakatuon sa mga bisita sa harapan nila, mariing nakapikit ang mga mata na para bang pinipigilan lamang ang nag-aalab nitong galit. Right. She almost forgot. Ngayong araw… naging legal na asawa na siya ni Hunter Del Tiero. In the name of power and business, and not by their choice. May mabigat at hungkag na pakiramdam sa dibdib ni Zia. Paano ba siya magiging masaya kung ang araw na ito ay binuo lamang ng kasinungalingan at sapilitang pangako? Simula pa lang nang pagdesisyunan ng kanilang mga magulang ang kapalaran nila, alam na ni Zia na hindi ito isang love story na dapat niyang ikakilig. This is a transaction— a dangerous decision ng dalawang makapangyarihang pamilya. She’s just twenty-two, young and innocent. May mga pangarap pa siya tungkol sa buhay na siya mismo ang pipili, hindi yung iba ang pipili para sa kanyang kapalaran. Pero wala ng halaga ang mga iyon nang kausapin siya ng kanyang mga magulang isang hapon at malamig na inanunsyo na ikakasal siya kay Hunter. Hindi man lang siya binigyan ng pagkakataong paghandaan iyon. And Hunter? Hindi rin nito tinanggap nang maayos ang balita. Hunter is twenty-nine now—powerful, intimidating, and dangerous. Baka nga may gusto na itong iba. Not her. And can never be her. Namana ni Hunter ang napakalaking Del Tiero Real Estate empire matapos magretiro ang ama nitong si Emilio Del Tiero. Siya ang golden boy ng industriya, very successful, powerful, and untouchable. And Zia? Isa lang siyang anak ng pamilyang desperadong ikabit ang kanilang pangalan sa mga Del Tiero. Ang matagal na pagkakaibigan ng kanilang mga magulang ang naging lubid sa leeg nilang dalawa. Naputol ang pag-iisip ni Zia nang bigla niyang maramdaman ang bigat sa kanyang paa. Pasimpleng tinapakan ni Hunter ang kanyang paa at pakiramdam niya bumaon ang kuko niya sa loob ng suot niyang flat sandals. Mahina lang ang pag-apak nito, but enough to make Zia shiver. Pasimpleng tiningnan siya ni Hunter. Tingin na may banta. Agad siyang ngumiti ng pilit habang nanginginig ang kanyang labi. Ipinulupot niya ang braso sa braso ni Hunter at sabay silang naglakad patungo sa mesa kung saan naghihintay ang kanilang mga pamilya ng nakangiti, nagdiriwang sa pagsasama ng dalawang taong sa loob-loob nila ay unti-unting nadudurog. “Congratulations, lovebirds,” masayang bati ng kanyang Aunt Raquel habang mahigpit siyang niyayakap. Ngumiti si Zia kahit halos sumakit na ang kanyang panga sa pekeng ngiti niya. Nagpasalamat siya sa mga bisita, habang si Hunter naman ay nanatiling malamig at walang emosyon, nagbibigay lamang ng konting ngiti at malamig na tingin sa mga bisita. Pero kahit nakangiti si Zia, ramdam niya ang bigat ng titig ng kanyang ama.Ang matalim at mapanuring mga mata ni Raul Aldama. Tahimik na paalala kung sino ang may kontrol sa kanyang kapalaran. Si Raul Aldama ay isang lalaking hindi marunong tumanggap ng salitang “hindi.” Kapag may gusto siya, kukunin niya iyon, kahit ano pa ang kapalit. Kahit ang sariling mga anak. Kahit si Zyra, ang pinakamamahal niyang ate, ay napilitang magpakasal sa isang Pakistani CEO dahil sa madidilim na business deal ng kanilang ama. Pero kahit papaano, sinuwerte si Zyra. Sa simula, nakita ni Zia ang hirap ng kanyang ate at ang awkward na katahimikan at mga pilit na ngiti. Pero kalaunan, unti-unting namukadkad ang pagmamahal sa pagitan nila ni Sameer. Mabait ito. Mapagpasensya. At mahal na mahal si Zyra. Kabaligtaran naman ng lalaking pinakasalan ni Zia. Ang nag-iisang Hunter Del Tiero. Si Hunter ay parang isang leon na handang manakmal, malamig, hindi matitinag, at hindi tumatanggap ng kahit sino. Aloof. Meticulous. Temperamental. Lalo na pagdating sa kanya. Kahit noong bata pa sila, kahit malapit ang kanilang mga pamilya, hindi man lang siya binigyan ni Hunter ng kahit anong tingin na para bang hindi siya nag-eexist sa mundong ginagalawan nito. Para sa kanya, para lang siyang hanging hindi nakikita kahit na nasa paligid naman. Kalaunan, narinig niya na nag-aral si Hunter noon sa isa sa mga pinaka-prestihiyosong unibersidad sa mundo—The Harvard University. Ano ba naman siya kumpara doon? Isa lang siyang sheltered daughter na nabubuhay sa pera ng kanyang ama, nag-aaral ng kursong Architecture na hindi naman niya pinili. Ang totoo, pangarap niyang maging doktor. Pero walang pakialam si Raul Aldama sa pangarap niya dahil ang mahalaga lang sa kanya ay imahe. Kapangyarihan. Kontrol. Kaya iniwan niya ang pangarap na iyon at natuto na lang siyang magpinta. Hindi man iyon kapalit ng medisina, naging kanlungan niya iyon sa mahabang panahon na kinokontrol ang buhay niya. Kapag masyadong mabigat ang mundo, kinukulong niya ang sarili sa art room at nagpinta hanggang mamanhid ang kanyang mga kamay at kahit papaano ay gumaan ang kanyang dibdib. “Hey, Zi.” Naputol ang kanyang pag-iisip nang marinig ang pamilyar na boses. Paglingon niya, nakita niya si Zyra, beautiful and glowing as ever, pero halata sa mukha nito ang pag-aalala para sa kanya. Agad siyang niyakap ni Zia nang mahigpit, parang ayaw niyang bumitaw. Pinipigilan niya ang luha. Hindi siya pwedeng umiyak ngayon. “Hi,” mahina niyang sabi. “You look sad. Are you alright?” nag-aalalang tanong ni Zyra. Mabilis na tumango si Zia at ngumiti. “Yeah, I’m good. Kumain ka na ba? Ang daming food sa table,” sabi niya, pilit na binabaling ang usapan. “I’m full. Don’t worry about me. Actually…” nag-atubili si Zyra. “Sameer and I are leaving for Paris tonight. Umuwi lang talaga kami for your wedding, Zi.” Parang may matalim na bagay na tumusok sa puso ni Zia. Ayaw niyang umalis si Zyra. Hindi ngayon, kung kailan kailangan niya ang kapatid niya. Pero walang lumabas na boses sa kanyang lalamunan. Sa halip, ngumiti lang siya para ipakita sa kapatid na okay siya. “I see… Take care,” sa halip mahina niyang sabi. “Zi, I’m sorry,” sabi ni Zyra, puno ng guilt ang boss nito.“I wish I could stay. But promise me, call me if anything happens. Especially if he doesn’t treat you right.” Pinisil ni Zia ang kamay ng ate niya at ngumiti. “Don’t worry about me. I can handle myself. Besides… Hunter won’t hurt me. I’m sure of it.” Pero pakiramdam niya ay bato ang kasinungalingang iyon sa kanyang bibig. Dahil ang totoo… Hindi niya kilala si Hunter at Hindi niya alam ang kapasidad na pwede nitong gawin, pagdating sa kanya. “You’ll be fine,” sabi ni Zyra. “Sometimes love comes when you least expect it. Look at me. I thought I’d never love Sameer, pero ngayon we’re planning a baby.” Mahinang natawa si Zia, tunay na masaya para sa ate niya kahit unti-unting nadudurog ang sariling puso. “I’ll miss you,” bulong niya habang niyayakap ito. “I’ll miss you too. Be strong, Zi. And remember, you’re never alone.” “I promise.” Kakahiwalay pa lang nila nang may biglang humawak sa braso ni Zia, mahigpit at masakit. Pagtingala niya, naroon si Hunter. Madilim ang aura nito. Blangko ang mukha, pero ang mga mata niya ay parang nagyeyelong, malamig at hindi mabasa. “Let’s go,” maikli nitong utos. Napatingin si Zia kay Zyra na agad naman siyang binigyan ng encouraging nod. Pero hindi pa rin nawala ang kaba sa kanyang dibdib. Habang nanginginig ang kamay, inayos niya ang mabigat na wedding gown at sumunod kay Hunter palabas sa mansyon nila.Binuksan ni Hunter ang pinto ng kotse at pumasok agad, at iniwan siyang nahihirapang sumunod. Naglambitin ang damit niya sa pagpasok sa sasakyan kaya hinila niya ito. “What are you doing?” matalim nitong sabi naa kunot ang noong nakatingin sa kanya. Nagulat siya at mabilis na hinila ang mahabang gown. Hindi niya maiwasang isipin kung bakit pa siya nagsuot ng napakagarbong damit gayong simple lang naman ang kasal nila. Walang grand reception. Walang malaking selebrasyon. Just a pure business deal. “We’re going to my house.Once you're there, you don’t leave. You don’t visit your family. You stay there unless I say otherwise. Understand?” Parang sampal ang bawat salitang binitiwan nito sa mukha ni Zia. Nanginig ang kamay niya at agad niyang pinagsalikop ang mga daliri. para itago ang kabang nararamdaman niya. “Hunter… what about my things?” mahina niyang tanong. Tumalim ang tingin into at pumiksi ng lingunin into si Zia. “I don’t care. Figure it out.” Halos hindi na siya makahinga sa bagsik ng boses nito. Tahimik siyang naglabas ng phone at nagtext sa yaya niya na ipapack ang mga gamit niya at ipadala sa bahay ni Hunter. “There’s still a lot we need to discuss,” malamig na sabi ni Hunter. “So prepare yourself. Because living under my roof… will be hell.” Napatingin si Zia sa kanya at lihim na napalunok. Hindi na niya muling tiningnan ang lalaki at pinilit na tumingin na lang sa labas ng bintana kaysa sa lalaking katabi niya na para bang ang laki-laki ng kasalanan niya dito, samantala pareho lang naman sila naipit sa sitwasyon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Real About My Husband

read
36.3K
bc

My Dangerous Ninong Mafia Boss

read
15.1K
bc

FALLEN VOWS ( SPG)

read
9.8K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
119.2K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
320.4K
bc

After Divorce: The Secret Wife Became The Zillionaires’ Princess

read
40.7K
bc

Hidden Heiress of Daemon Delavega Jr.

read
97.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook