Chapter 10
ZELENA's POV
I glanced at the clock hanging on the living room wall. Alas-singko na ng hapon, but wala pa ring sign na umuwi si Hunter. With a tired sigh, I dragged my feet toward my bedroom. My body was begging for rest, my eyelids heavy from the day’s endless chores.
Pagbagsak ko sa kama, napahikab ako nang malalim until my jaw almost ached. My hands throbbed painfully, raw, almost bleeding—from scrubbing curtains and carpets that felt heavier than my own exhaustion.
At alam kong sinasadya iyon ni Hunter. Pinapahirapan niya ako sa bahay. Hunter wanted to wear me down. May laundry area naman sa bahay, pero hindi niya ako pinapayagang gamitin. Gusto niya akong pahirapan. At mas masakit doon… hindi niya alam kung gaano kasakit maging asawa niya.
The refrigerator was empty as always. Bread and coffee had become my only comfort. Hindi rin naman niya kinakain ang mga niluluto ko, kaya natuto na lang akong tumigil. Yakap ang sarili, I whispered a short prayer. Before I knew it, sleep pulled me under.
The next morning, maaga akong nagising ulit para maglinis. But when I stepped into the garage, my heart sank. Wala pa rin ang kotse niya. Hindi siya umuwi kagabi, at hindi ko alam kung nasaan siya. A familiar ache twisted inside my chest. Alam ko kung nasaan siya kahit hindi ko na itanong.
He was with someone else, again.
Napangiti ako nang mapait, pero agad kong iwinaksi sa isip ang ideyang iyon at bumalik sa loob ng bahay. Well… I know what he’s capable of. After a simple breakfast, naligo ako at nagsuot ng blue mini dress na lampas lang ng kaunti sa tuhod ko. My damp hair fell loosely over my shoulders. Gusto ko sanang pumasok sa school… pero nagdadalawang-isip ako. Wala na rin akong pera. Naputol na ang sustento ni Daddy, at hindi rin naman ako binibigyan ni Hunter. Kahit nga basic na pangangailangan, nahihirapan na ako. Hindi ko alam kung paano ako bibili ng mga kailangan ko, lalo na’t hindi naman ako ang naggogrocery.
Napatigil ako sa ginagawa kong pagpunas ng baso nang makarinig ako ng tunog ng kotse sa labas. Bigla akong kinabahan at napahawak sa dibdib ko. It was Hunter, at ngayon lang siya umuwi. Napalunok ako at pilit pinakalma ang sarili ko. Narinig ko ang pagbukas ng pinto. Nag-echo ito sa aking pandinig, mabagal, mabigat, na para bang isa siyang salarin na handang salakayin ako. Parang bawat tunog ay dumadagundong sa dibdib ko. Hindi ako agad lumingon. Hindi pa ako handa na makita siya, pero naramdaman ko ang presensya niya sa harapan ko.
“Hindi ka pa ba tapos diyan sa ginagawa mo?” malamig niyang tanong.
Napapikit ako sandali bago humarap sa kanya.
“P-pa… patapos na,” sagot ko, pilit pinapakalma ang boses ko.
Sandali niya akong tinitigan mula ulo hanggang paa, na para bang sinusuri ako nang maigi. Parang may hinahanap sa katawan ko na hindi ko alam kung ano. Nanigas ang katawan ko, pero hindi ko pinahalata sa kanya na sobrang kabado ako.
“You went out?” he asked, his voice low.
Napalunok ako.
“O-oo… sandali lang. Bumili ako ng—”
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla siyang lumapit, too fast na hindi ko napaghandaan. Napaatras ako hanggang sa tumama ang likod ko sa mesa. Lumabas lang naman ako sandali dahil kinuha ko ang inorder kong personal hygiene products na hiniram ko pa sa kaibigan ko ang pinambili. May dalaw ako, at kahit sanitary pad ay wala man lang akong masuot dito sa bahay.
“I didn’t ask what you did,” malamig niyang putol. “I asked—did you go out?” madiin at matalim ang boses na tanong nito.
“O-oo…” mahina kong sagot.
His jaw tightened, at kita ang pagdilim agad ng mukha nito.
“Who were you with?” he asked.
“W-wala… ako lang—”
Bigla niyang hinawakan ang baba ko, pinilit akong tumingin sa kanya nang hindi man lang pinakikinggan ang sasabihin ko.
“Don’t lie to me!” sigaw nito.
Nanginginig ang katawan ko.
“H-Hunter… nagsasabi ako ng totoo…”
Tinitigan niya ako nang matagal, parang hinahanap kung nagsisinungaling ako. Hanggang sa dahan-dahan niyang binitawan ang mukha ko, pero hindi siya lumayo. Bagkus ay mas lalo pa siyang lumapit. Ramdam ko ang init ng katawan niya dahil sa sobrang lapit niya. Ang bigat ng presensya niya.
“You’ve been acting differently,” bulong niya. Halos magkadikit na ang mukha namin kaya napalunok ako.
“Ano… bang pinagsasabi mo?"
His lips curved slightly. Not a smile—a warning!
“You’re not as scared anymore.”
Nanlaki ang mata ko sa sinabi nito. Bakit, kailangan ba na takot ako, at kailangan ba niyang makita kung paano ako matakot?
“H-Hindi—”
“Stop.” Again, putol na naman niya sa sasabihin ko.
Isang salita lang pero kaya akong patigilin. Bigla niyang hinawakan ang bewang ko, mahigpit, na para bang doon niya pinaramdam ang inis niya sa akin kaya napasinghap ako.
“H-Hunter…”
“Maybe I’ve been too lenient,” bulong niya, malamig pero mabigat. My heart pounded wildly.
“Ano—”
Hindi ko na natapos dahil bigla niya akong hinila palapit sa kanya. Halos dumikit ang katawan ko sa kanya.
“Let me remind you…” he whispered near my ear. Nanginginig ako sa takot at sa kung ano pang emosyon na hindi ko maintindihan. “You are my wife.”
Napapikit ako nang mariin, at lalong humigpit ang hawak niya sa akin. Parang ayaw niya akong pakawalan sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya pati sa braso ko, kaya napabitaw ako sa hawak kong basahan sa kamay.
“And I haven’t claimed what’s mine yet,” paos nitong sabi.
Napatingin ako sa kanya—tingin na puno ng kaba.Dahil alam ko kung ano ang ibig nitong sabihin.
“H-Hunter…” Mahina at basag ang boses ko nang magsalita.
Pero hindi niya ako pinakinggan at bigla niya akong binuhat, kaya napasinghap ako sa gulat.
“H-Hunter! I—”
“Quiet.”
Diretso niya akong dinala paakyat ng hagdan. Bawat hakbang niya, parang lalong bumibigat ang kaba sa dibdib ko.
“P-please…” bulong ko. “Hindi pa ako handa…”
Hindi siya sumagot. Mas lalo lang tumigas ang ekspresyon niya. Pagdating sa kwarto niya, sinipa niya ang pinto para bumukas at sinipa din para sumara. Malakas ang tunog kaya napapitlag ako. Dahan-dahan niya akong ibinaba sa kama. Pero hindi siya lumayo; nanatili siyang nakatayo sa harapan ko at hindi inalis ang pagkakatingin sa akin na ikinapula ng mukha ko.
“You don’t get to decide that,” malamig niyang sabi. Ang ibig niyang sabihin, hindi ako ang magdedesisyon kung kailan ko ibibigay ang sarili ko sa kanya. “This marriage,” he said slowly, “was never meant to be gentle.”
Napahawak ako sa bedsheet. Takot, kabado, at wala akong matakbuhan kahit gusto kong tumakbo.
“You’re mine,” he added, his voice low and final. “And today… I’ll make sure you remember that.”
Hindi ako nakasagot, pero agad na tumigil si Hunter. “Make sure you get pregnant if I claim you,” he said coldly. “You can leave this room, but don’t ever hesitate to come back when I call you again.”
Hindi ako nakasagot sa sinabi ni Hunter. Alam kong hindi nagbibiro ang lalaki. Kaya nang bigyan ako nito ng pagkakataong umalis, agad kong binuksan ang pinto at lumabas ng kwarto nito.