His Anger

1756 Words
Chapter 7 -THIRD PERSON POV- Binitawan siya ni Hunter sa galit matapos niyang magasgasan ang mukha nito. Sa halip na makalaban, nanghina si Zia sa lakas ng sampal na tumama sa kanyang pisngi. Umalingawngaw ang tunog nito sa tahimik na silid. Nahilo siya, at napatagilid ang kanyang mukha dahil sa tindi ng tama. Saglit na umikot ang paningin niya, at parang nawalan ng balanse ang katawan niya habang unti-unting naglalabo ang paligid. Ang pisngi niya ay agad na nag-init at kumirot kung saan tumama ang kamay ni Hunter. "I told you, I don’t want anyone touching my face," he growled, the veins in his neck bulging as he grabbed her cheek. Zia let out a soft cry and no longer resisted, allowing him to do whatever he intended. She thought he would finally take her, but instead, she heard the door to her room slam shut. Only then did she release her sobs, angrily questioning in her mind how she ended up in such a situation. She didn’t even know Hunter, and yet here she was—trapped and without freedom. She would still have to wait a year if she wanted to be freed, in exchange for the child he wanted. Nang marinig ni Zia ang ugong ng sasakyan na papalayo mula sa gate, agad siyang tumayo at sumilip sa bintana. Nang makita niyang tuluyan nang umalis si Hunter, napabuntong-hininga siya. Lumabas siya ng kwarto at dumiretso sa kusina. Kumuha siya ng isang baso at nagsalin ng malamig na tubig. Bahagyang guminhawa ang lalamunan niya sa lamig nito, pero hindi nito naibsan ang bigat na dala niya sa loob.Hindi siya makapaniwala na kaya siya nitong pagbuhatan ng kamay, na lalong ikinasama ng kanyang loob. Lumabas siya ng bahay para kunin ang mga gamit niya, at buti na lang at naiwan itong hindi ini-lock ni Hunter. Isa-isa niyang kinuha ang mga bag at dinala papasok ng bahay hanggang sa maidala niya lahat sa kanyang kwarto. Nang matapos siya, medyo mataas na ang araw. Naglinis muna siya ng kwarto bago maingat na inayos ang mga gamit niya sa cabinet. Biglang natigil ang mga daliri niya nang makita ang kahon ng kanyang painting supplies. Isang maliit na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. “At least nadala ko ‘to,” bulong niya sa sarili. Maliit na bagay lang iyon, pero kahit papaano ay nagbibigay ng konting ginhawa sa isang bahay kung saan pakiramdam niya ay wala siyang kalayaan. Wala rin siyang balak bumalik sa school, hindi habang nakakulong siya sa buhay na hindi naman niya pinili. Pumasok siya sa banyo at naligo nang matagal, pilit hinuhugasan ang bigat ng umagang iyon. Pagkatapos, nagsuot siya ng peach-colored na dress na hanggang tuhod ang haba. Mahahaba at magaan ang manggas nito, at tinerno niya iyon sa simpleng flat sandals.Matapos suklayin ang bahagyang mamasa-masa niyang buhok, kinuha niya ang phone niya at tinawagan si Stephie—ang best friend niya sa school. Halos hindi pa nga nagtagal ang ring at agad na nitong sinagot ang tawag niya. “Zelena! Where the hell have you been? I’ve been texting you nonstop. You haven’t replied to a single one!” Stephie in the other line talks like she's been vanished for so long. Zia didn’t answer. Instead, she let out a deep, tired sigh. “Can you come pick me up?” sa halip na sabi niya sa mababang boses. “Huh? What?” “Please,” she whispered. “Okay, okay—fine. Diyan na lang ako dederetso sa bahay nyo, paalis palang ako ng apartment." “No, Steph... I don’t live there anymore,” she said quietly, cutting her off. “What? Where are you?” Kahit hindi niya nakikita, alam ni Zia na siguradong nakakunot ang noo ni Stephie ngayon. Ibinigay niya sa kaibigan ang address at naghintay na dumating ito. Hindi naman nagtagal bago siya nakarinig ng busina ng kotse sa labas. Mabilis niyang isinara ang main door at lumabas ng gate. Sinalubong siya ng kaibigan ng isang mahigpit na yakap, at dali-dali siyang sumakay sa kotse. Maaga pa lang ay umalis na siya, tutal, gusto lang naman niyang makatakas kahit sandali sa nakakasakal na atmosphere ng bahay ni Hunter.Sigurado, mamaya pa naman ang uwi nito o di kaya baka nga bukas pa. "What happened, Zi?" her friend asked while driving at nasa kahabaan na sila ng highway. Zia let out a deep sigh before turning to face her. "I’m married now, Step. Three days ago. Mom went through with her plan to marry me off to the son of one of their family friends," she said sadly. "What?!" her friend exclaimed, shocked. She even hit the brakes. If no one had honked at them, she might’ve forgotten they were on the expressway. "How? I mean, why?" she asked, frowning in confusion. “Ginawa rin nila sa’kin kung ano ang ginawa nila sa ate Zyra,” malungkot na sagot ni Zia. Napatawa nang awkward si Stephie bago muling tumutok sa pagmamaneho. “Oh my God,” mahina niyang sabi. “So… how’s your husband? Sinasaktan ka ba niya? I guess hindi ka niya pinapayagang bumalik sa school, kaya ka ba absent?” “I don’t know, Step. Hindi pa nga kami nag-uusap nang maayos. And I don’t think papayagan niya ako.” Tumaas ang kilay ni Stephie. “Hindi mo pa nga sinusubukan pero sure ka na agad na hindi siya papayag? Just try, Zi. Sayang naman kung susuko ka ngayon.” “I’ll try, Step. Pero for now, kailangan ko munang magpalamig.” “Why? Ano bang nangyari? Curious talaga ako sa lalaking ‘yan na pinakasal sa’yo ng parents mo. That kind of thing shouldn’t even be happening anymore. Hindi na tayo nabubuhay sa panahon ng contract marriages.” Napabuntong-hininga si Zia, naisip na rin niya yun at hindi niya alam kung bakit may ganon pa ring kasunduan sa pamilya nila. “Step, wala nang point tanungin ‘yan ngayon. They already succeeded. Kasal na ako. And honestly, he doesn’t matter to me. I’m sure maghihiwalay din kami eventually. Just like me, ayaw din niyang tumagal ang kasal na ‘to. It’s not something either of us wanted,” paliwanag niya. Nagkibit-balikat si Stephie. “Your choice. At least ngayon alam ko na kung bakit ka absent. If our prof asks again, sasabihin ko na lang may emergency ka. Who knows? Maybe your fake husband will let you go back to school eventually. That would be great.” Tumango si Zia at nagpasalamat sa kaibigan. " So, kumusta ang firts night?" nakangising tanong nito sa kanya, kaya agad na pinamulahan ng mukha niya si Zia, dahil bigla siyang nahiya at nagets niya agad ang tanong na iyon ni Stephie. "Stephie-" "What? nagtatanong lang ako, Curious lang ako!" natatawang sabi nito. Inirapan niya si Stephie, saka siya sumandal sa headrest ng upuan at umiling. "Walang ganon steph, were sleeping in different rooms." "What? OMG, ha! sino ba yang asawa mo at lalo akong naintriga," nanlalaki ang mga matang lumingon sa kanya ang kaibigan kaya sa halip na sagutin, iniba na lang niya ang topic. Dumiretso sila sa mall. Hindi naman talaga gustong sumama ni Zia, pero ayaw din niyang bumalik agad sa bahay kaya pumayag na rin siyang mag-shopping, wala din naman siyang halos binili at naka freez na din ang card niya na galing sa daddy niya. Gabi na nang matapos sila, at hinatid siya ni Stephie sa bahay na tinitirhan niya kasama si Hunter. Bumaba si Zia sa kotse, nagpasalamat, at kumaway bago ito umalis. Tahimik ang buong neighborhood at patay ang mga ilaw sa bahay, kaya sigurado siyang wala pa si Hunter. Sa tatlong araw niyang pananatili roon, hindi pa ito umuuwi nang maaga. Bitbit ang mga shopping bags na nilibre na lang ni Steph sa kanya, kinuha niya ang duplicate key at binuksan ang front door, pero agad na napansin niyang naka-unlock ito. Kumabog bigla ang dibdib niya. Mabilis niyang itinulak ang pinto. Madilim ang buong bahay at halos mapatalon siya nang biglang bumukas ang ilaw sa living room.Bago pa siya makareact, nakita niya si Hunter, nakatayo.Madilim ang mga mata nitong nakatutok lang sa kanya, kaya instinctively ibinaba ni Zia ang tingin niya, hindi kayang salubungin ang matalim nitong titig lalo pa at bigla niyang naalala ang nangyari kaninang umaga. “Wala ka pang isang linggo sa bahay ko, may lakas ka nang lumabas at umuwi nang ganitong oras?” malamig at mabigat ang boses nito na umalingawngaw sa buong sala. “H-Hunter, kasama ko lang si Stephie. Kumain kami, akala ko late ka pa uuwi., I’m sorry—” “You really think I’ll buy that?” putol niya agad. “Wala ka namang pera, yet you’re out shopping like your parents didn’t sell you to me.” Napatigil si Zia. Wala siyang masabi habang papalapit si Hunter. Kitang-kita niya ang matangkad at commanding nitong tindig. Kahit may madilim na aura sa paligid nito, hindi niya maikakaila kung gaano ito kaguwapo sa suot nitong business suit. Huminto si Hunter ilang hakbang lang ang layo mula sa kanya, malamig ang presensya. Nakatayo si Zia na parang nanigas, mas humigpit ang hawak sa mga shopping bag. “Did you forget what I told you, Zia?” mababa ngunit matalim nitong tanong. “You’re not to leave this house without my permission.” Dahan-dahan niyang itinaas ang tingin niya. Sa unang pagkakataon, tinawag siya ni Hunter sa pangalan. “I didn’t mean to disobey you. I just… needed to breathe,” mahina niyang sagot, dahil iyun naman talaga ang totoo. Humigpit ang panga ni Hunter nang marinig ang paliwanag niya. “You live here now. Whatever you do, you ask me first.” Nilunok ni Zia ang frustration niya. Walang silbi ang makipagtalo dito. “I’m sorry, It won’t happen again.” sa huli yun ang sinabi niya. “Don’t make me regret this deal, Zia. I saved your family, and this is the only thing I asked in return.” Parang nabarahan ang lalamunan niya. You didn’t ask. You demanded, sabi niya sa isip habang nilalaro ang daliri niya sa hawakan ng paper bag.Lalong dumilim ang mga mata ni Hunter at saglit niyang naisip na baka sumobra na siya. Pero imbes na magalit, yumuko ito nang kaunti para marinig niya nang malinaw ang susunod nitong sinabi. “You have no idea what I’m capable of when I’m pushed.” Pagkatapos noon, dumaan ito sa tabi niya at umakyat sa hagdan kaya dahan-dahang huminga si Zia.Malakas pa rin ang kabog ng dibdib niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD