Chapter 5

2192 Words
Chapter 05 | ST I heard that my phone was ringing in the morning. Nagtatampo ako ngayon kay Bj kasi napuyat talaga ako sa kakahintay ng message niya or kahit tumawag siya sa Facetime. Humihikab pa ako habang naghahanda ng iced coffee ko. Mukhang kailangan ko ata ngayon ng black coffee at haluin ko ng gatas. From: Babe I'm sorry, babe. Are you mad? From: Babe I was drunk last night. Kasama ko mga colleagues ko sa bar. I'm sorry, babe. From: Babe I'll call you. Hintayin kita magising. I love you, babe. Napanguso ako at nilapag ko muna 'yung phone ko sa island counter. Nakakatampo talaga si Bj kasi hindi man lang nagpaalam na iinom sila magkaibigan. Tsaka hindi naman gawain ni Bj nung panahon na umuuwi siya sa Pilipinas. Kaya hindi ko muna pinansin 'yung flooded messages ko mula kay Bj. Nakakainis naman kasi si Bj! Mukhang maglalagay ata ako ng concealer sa under eye ko. Nagkaroon tuloy ako ng eyebags which is iniiwasan ko lagi. Hindi ko kasi talaga ugali magpuyat e. I wore my coat because it is already cold here in Florida. Pero mas malamig ang lugar dito tuwing gabi at humahangin pa. Tsaka medyo may umuulan na snow kasi ang Florida naman ay sunny and warm. Parang Pilipinas lang pero mas malala 'yung init doon. Lumabas na ako sa unit ko habang may hawak ako na iced coffee. Namilog mata ko na makita ko si Tito Cadence na nakasandal sa pader sa tapat ko. Mukhang hinihintay niya ako. Kumukurap pa ako kasi nakasuot siya ng longsleeve ngayon na kulay itim. "Good morning, Kyla," he greeted. I smiled sheepishly. "Morning, too." "Let's go?" Tumango na ako. Bigla niya hinawakan 'yung kamay ko habang naglalakad kami papunta sa elevator. He was whistling while waiting for us to reach the ground floor. I took a glance at our hands that locked together. Ganito na talaga si Tito Cadence nung bata palang ako. Until he opened the door for me with his other hand. Tinanguan ko siya at sumakay na ako sa loob ng 812 GTS niya. He jogged to the other side and hopped inside. Humigop ako ng iced black coffee ko habang binubuhay ni Tito Cadence 'yung makina ng sasakyan niya. "Safety first, brat," he beamed. Bigla siya lumapit sa akin. Ilang dangkal nalang 'yung lapit namin dalawa. Amoy na amoy ko 'yung mamahalin niyang pabango na Tom Ford ng Neroli Portofino. Kabisado ko na talaga si Tito Cadence. Ningisihan niya ako nang marinig ko na nagclick na 'yung seatbelt hudyat na nakasuot na ako ng seatbelt. My lips curved. "Thanks..." Mga 30 minuto bago kami makarating sa kumpanya na pinagt-trabahuan ko. Bumaba na ako ng sasakyan at kinawayan ko siya. Kinindatan niya lang ako bago niya pahururutin 'yung sasakyan niya. Napailing nalang ako at nakita ko si Zora na papunta sa akin. "Kyla!" she called. Namilog ang mata ko dahil sinigaw niya 'yung pangalan ko at lahat ng tao ay napatingin sa gawi namin. "Tito mo ba 'yun? Hindi ko man lang naabutan!" I shrugged my shoulders. "Sayang nga hindi mo naabutan e. Tsaka siya na ang naghahatid sa akin at nagsusundo. Makikita mo pa rin naman siya mamaya." "Bigay mo na kasi sa akin 'yung number niya!" "He gave me his personal number, Zora. Magpapaalam muna ako, okay?" Napalabi siya. "Sige... basta ikaw na bahala sa akin, ah." I gave a nod. Medyo wala kasi ako sa mood ngayon dahil inaantok talaga ako. Siguro alas dos na ako nakatulog kagabi? Hindi ko muna talaga papansin 'yang si Bj hanggang mamaya para alam niya feeling. Mayamaya'y ay medyo naging busy ako sa trabaho ko. Dahil si Miss La Farell ay may inaasahan na bisita galing sa Pilipinas. Nakakatuwa lang kasi lapitin ng mga Filipino. Iniwan ko na muna 'yung iMac ko nang dumating na ang lunch. "Miss Salvador!" someone called. Nilingon ko kung sino tumawag sa akin at dumating si Mac na parte sa department ko. Dumapo 'yung mata ko sa isang boquet ng rosas sa mata niya. Medyo tumibok 'yung puso ko sa kaba nang makita ko siya. "Hi, Mr. Fernand. Do you need something?" "I got a package from the lobby from the Philippines. It is for you." I smiled. "Thank you!" "No problem. Enjoy your lunch, Miss Salvador." "Likewise, Mr. Fernand." Kagat-kagat ko 'yung labi ko habang pinagmamasdan 'yung mga rosas. Inamoy ko siya at bango niya sobra. Tiningnan ko 'yung card at napangiti ako na malaman na galing 'yun kay Bj. Nakakakilig naman! I'm sorry, babe. Can you forgive me? Bj "Wow naman! Kanino galing 'yan? Kay Bj?" Zora exclaimed. Bigla siya dumating sa gilid ko. Bumungisngis ako habang dinadala 'yung bulaklak sa office ko kasi kakain pa ako e. Nilapag ko muna siya sa ibabaw ng office desk ko. Hanggang sa lumabas na kaming dalawa ni Zora at makarating sa canteen. "Nakakainggit naman! Sana mabigyan din ako ni Cadence!" I chuckled. "Sabihin ko bigyan ka niya?" "Nakakahiya naman, Kyla! Baka sabihin masyado akong patay na patay sa kaniya. Magdate muna kami." "I'll support you with him," I said while smiling. Hanggang sa naalala ko na may sinabi si Tito Cadence kagabi. "Tsaka may nalaman ako sa kaniya." "Gusto niya ako 'no? Takot siya aminin na nagagandahan siya sa akin? Ano? Tagal mo Kyla!" she whined. Napapikit ako na paulit-ulit niya ako niyugyog 'yung braso ko. Halos maalog 'yung utak ko dahil sa ginawa niya. Grabe! Ibang-iba si Zora ngayon. "Calm down! Neither, okay?" She protruded her lips. "Eh, ano? Hindi niya ako gusto?" "Wala naman siya nabanggit. Ang sabi niya lang may babae na matagal sa puso niya at hindi raw mapasakaniya." Umupo na kami sa bench at nilagay 'yung tray na naglalaman ng inorder namin. Magkasalubong lang 'yung kilay niya parang hindi pa nag-aabsorb 'yung mga words na sinasabi ko. "Sino raw? May nabanggit siya?" she probed. Sumubo siya sa kaniyang salad. "Tsaka hindi niya ba alam pwede ako mapasakaniya? Kaya ireto mo na ako, Kyla." "Kailangan mo landiin mamaya si Tito Cadence. Wala talaga akong ideya kung sino 'yung babae e." "Baka isa sa mga ex-flings niya? Sino ba mga naalala mo?" I crooned. "Isang modelo, tatlong sexy actress at dalawang businesswoman. I forgot their names, I'm sorry." "Edi katulad ko lang naman pala mga hilig niya!" Nagkibit balikat lamang ako. Hindi rin naman nagtagal ay bumalik na kami sa mga opisina namin at nagtrabaho ulit. Parang ang bilis ng oras kasi uwian na ka agad namin kaya nagligpit na ako. Nag-update na ako kay Bj sa kung ano ang ginagawa ko. Bumabawi naman siya kasi nagpapadala pa siya ng food dito sa office ko. Naglalakad na kami sa hallway at nasa tabi ko si Zora. Maayos ang suot niya at mukhang decent niya. She's wearing her nude lipstick that matches her fitted dress that shows her perfect curve. Siguro naman magugustuhan na siya niyan ni Tito Cadence. Namataan ko 'yung 812 GTS ni Tito Cadence sa tapat ng building. Biglang hinawakan ni Zora 'yung braso ko at nilingon ko siya. Huminga siya ng malalim marahil kinakabahan siya sa dinner date nila ni Tito Cadence. "Don't be nervous, he won't bite unless you want to," I said. Buntikan na ako matawa sa sinabi ko. Para lang mawala 'yung kaba sa dibdib niya kasi masyadong halata na kinakabahan siya. "Kyla naman e! Syempre papayag na agad ako!" she responded. Lumabas si Tito Cadence mula sa kaniyang sasakyan. Ngumisi siya sa amin at kumaway na ako. Hinatak ko na si Zora sa tabi ko. Kaya hindi ko na hinintay ang dalawa ay pumasok na kaagad ako sa backseat. Para si Zora 'yung nasa shotgun seat. Nilabas ko 'yung phone ko at nagsimula na ako magtipa para makipagtext ako kay Bj. Kinakagat ko lang 'yung labi ko at nakita ko na nagtitinginan sila Zora at Tito Cadence. From: Babe Pauwi ka na ba? Call mo agad ako pagdating mo sa pad mo. I miss you. To: Babe Yes, pauwi na kami ni Zora. I miss you more. What are you doing? From: Babe Reading some papers while waiting for my girlfriend. To: Babe Ganiyan talaga kapag may kasalanan 'no? From: Babe Huwag na magtampo, babe. I love you so much! "Kyla," Tito Cadence called. Umangat 'yung tingin ko. "Yes? Bakit?" "Are you going to join us tonight?" "No, date niyo 'yan. May plans kami ng boyfriend ko pag-uwi ko." Hindi muna siya nagsalita ng ilang segundo pero tinaguan niya ako. Hinatid niya muna ako sa building ng condominium namin dalawa. Sana mag-enjoy si Zora kasama si Tito Cadence. At hihintayin ko kung ano 'yung ku-kwento niya kinabukasan. Bago ako bumaba at pumasok sa building ng condominum namin ay kumaway ako sa kanila. Bumulong ako ng goodluck kay Zora. Na kay Zora na talaga kung paano niya malalandi si Tito Cadence. Umigting 'yung panga ni Tito Cadence nang pagmasdan ako hanggang sa paandarin niya ang 812 GTS niya. Nang makarating ako sa pad ko ay mabilis ako naligo at hinanda ko na 'yung dinner ko habang nagf-facetime kami ni Bj. He was wearing his rimmed eyeglasses while reading some papers. Makikita ko sa mukha ni Bj na pagod na siya sa kaniyang trabaho. "Kamusta ka naman?" he asked. "I'm fine. Ngayon alam ko na okay ka lang. Pinag-aalala mo ako masyado, babe," I replied. I threw him a glare before I began stirring the carbonara sauce. "Can you see my eyebags? I look so ugly!" "You're being ridiculous..." he laughed. "Why? Totoo naman, ah? Ang pangit ko ngayong araw." "Sorry, babe. Niyaya na kasi ako ng mga kaibigan ko e. Biglaan lang at nakalimutan ko magpaalam sa'yo." I rolled my eyes. "Nakakatampo ka kasi e. Hindi mo naman ako nakakalimutan e." "I'm really sorry, babe. Bumabawi ako sa'yo mula kanina. I love you, babe." "I love you, too." Natapos ko na lutuin 'yung homemade carbonara ko at patuloy lang kami nagk-kwentuhan ni Bj hanggang sa dalawan kami ng antok. Hindi ko na namalayan na umaga ulit. Parang kagabi lang ay nagtatawanan kami ni Bj through Facetime. "Time to work again," I mumbled. I did my morning routine as usual. At ngayon ang fresh ko na sa umaga with my lipgloss only. Tsaka mukhang healthy ulit 'yung skin ko at ang mukha ko. I was humming when I left my pad. And I saw Tito Cadence leaning on the wall while his arm was folding across his chest. I giggled. "Good morning, Tito Cadence!" "Look who's in a good mood in the morning. Good morning, too." Lumapit ako sa kaniya at tumingkayad. Inangat ko 'yung gilid ng labi niya para ngumiti siya. Masyado naman maaga para magmukhang suplado siya. Magkasalubong ang kilay niya. Kinagat ko 'yung labi ko habang pinipigilan ko hindi ngumiti sa harapan niya. "Smile for me, Tito Cadence," I said in a childish tone. "Let's go?" "Okay," he shortly replied. In a span of minutes, we arrived in the basement parking lot. He clicked his car key and we saw his 812 GTS. Pinagbuksan niya ako ng pintuan at tiningnan ko siya. Parang deja vu lang kasi nangyari 'yung ganito. Pumasok na ako sa sasakyan niya at siya rin ay lumipad sa driver side at sumakay na. Ako na naginitiate na buksan 'yung stereo. Parehas kami nagulat na pinatugtog sa radio 'yung Enchanted by Taylor Swift. Napahagikhik ako na maalala na kumanta siya no'n sa harapan ko. Kahit sinong babae ay maiinlove sa tulad niya e. Kaya niya kasi mangharana sa isang babae. Your eyes whispered, "Have we met?" 'Cross the room your silhouette Starts to make its way to me Ang tahimik namin dalawa sa kaniyang sasakyan. Pinapakinggan namin 'yung kanta habang nagmamaneho siya. Sumusulyap ako sa kaniya at nakita ko kung paano magdrum ang daliri niya sa steering wheels. He is vibing the song! I was enchanted to meet you Please don't be in love with someone else Please don't have somebody waiting on you Please don't be in love with someone else Please don't have somebody waiting on you Sakto sa pagtapos ng kanta nang makarating kami sa tapat ng kumpanya na pinapasukan ko. Nanatili siya tahimik at pinatay niya na 'yung stereo at nilingon ako. "I don't like her, Kyla," he stated. I blinked repeatedly. "R-Really? Are you sure?" "I love someone. And my heart only belongs to her." "Mga tipo mo naman ang tulad ni Zora, ah?" He sighed. "But they didn't replace that woman in my heart. No one will replace her." The silence stretched. Syempre malungkot ako para sa kaibigan ko. Bakit hindi niya magawa bigyan ng chance 'yung kaibigan ko? I mean, she's kind and her beauty is just a bonus. Maraming mga bachelors and actors likes her! Pero bakit si Tito Cadence ay hindi? "Can you still try? I don't want to upset her. Para sa akin, please? Gustong-gusto ka niya," I pleaded. He tightened his jaw. "Why do you keep pushing her to me?" "Because she likes you, okay?" "I'll try again. But in one condition." My face lightened on his remark. "Anything you want! Para sa kaibigan ko." "That seat is only for you. I want you always beside me, Kyla."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD