Chapter 12

934 Words
Kinabukasan maaga pa lamang ay kumuha na ng mga bulaklak si Migs sa hardin upang ibigay pagkagising ni Cheska.Natutuwa pa nga siya ng mahawakan niya ito agad at nagawang pitasin. Samantala ng magising naman si Cheska ay napangiti siya ng makita ang mga petals ng red rose sa kama at buong kwarto niya.Pagkatapos ay nakita niya si Migs na may hawak na isang red rose at nakangiting papalapit sa kanya.Hindi na napigilan ni cheska ang mapangiti habang papalapit ito sa kanya. Subalit bago pa man makalapit si Migs sa kanya ay huminto ito at tiningnan ang kanyang mga kamay.Napatingin din si Cheska at gayon na lamang ang gulat niya ng makita ang unti unting pagkawala ng kamay nito. “Migs anong nangyayare sayo?” kinakabahan at natatakot na tanong ni Cheska “Hindi ko alam.” Natatakot naring sagot nito Dahil sa takot ay nagmamadaling tumayo si Cheska upang lumapit kay Migs subalit bago pa man siya makalapit ay naglaho na ito. “Oh my god!Migs!! …..Hindi ito maaari!” nanginginig na wika ni cheska Napasalampak na lamang siya sa sahig dahil sa gulat sa mga pangyayari.Samut sari ang mga naiisip niya ng mga oras na iyon. “Nawala na naman siya.Migs saan ka nanaman nagpunta?” nanlulumong tanong niya Namalayan na lamang ni Cheska na nabasa na pala ang magkabilang pisngi niya dahil sa pagluha.Nasa ganong ayos lamang siya sa loob ng ilang minute at nang makapag isip isip ay nagmamadali na siyang lumabas ng kwarto. “Good morning senyorita.” Bati sa kanya ng mga kasambahay nila pagpunta niya sa kusina Subalit nagpalinga linga lang siya at hinahanap si Migs, hindi na niya nagawang pansinin ang mga kasambahay nila na labis namang pinagtaka ng mga ito. “Wala siya dito baka nasa sala.” Wika ni Cheska sa isip niya Nagmamadali ng lumabas ng kusina si Cheska ng makasalubong niya si Yaya Celia “Oh iha nandyan ka na pala, tamang tamang magbreak----“ yaya Celia Hindi na naituloy ni Yaya Celia ang sinasabi dahil gaya don sa mga kasambahay ay hindi siya pinansin ni Cheska “Anong nangyayare sa batang iyon?” takang tanong nito “Hindi nga po naming alam.” Tinanaw na lamang ni yaya Celia ang dalaga at napaisip.Samantala nagtungo si Cheska sa ibat ibang parte ng mansion maging sa buong villa upang hanapin si Migs subalit wala talaga. “Nasaan kana ba?” nanlulumong wika niya Naroon na siya sa silid niya at nanghihina na.Mula kase kaning umaga ay ngayon lang siya tumigil sa paghahanap at hapon na subalit hindi parin nakikita si Migs.Naupo siya sa kama at kinuha ang isang unan,niyakap niya ito at nahiga.Isang luha na naman ang umagos mula sa kanyang mga mata.Dahil sa pagod ay hindi na namalayan ni Cheska na nakatulog pala siya.Dumidilim na nang muling maalimpungatan sa pagtulog si cheska dahil sa kamay na humahaplos sa kanyang mukha.Nang idilat niya ang mga mata ay isang nakangiting Migs ang kanyang nakita. “Migs!” gulat na sambit niya Nagmamadali siyang bumangon at agad na niyakap si Migs.Hindi na rin niya napigil ang maluhanng muli dahil sa tuwa. “Thanks god at nandito kana ulit.” Wika niya matapos nilang magyakap “Wag ka ng umiyak nandito nako.”ngiting wika naman ni Migs habng pinupunasan ang luha niya “Saan ka ba nagpunta?” “Kung saan saan, maraming lugar, may tahimik at malawak na lugar,meron namang madilim at yung pinakahuli, isang lugar na puro puti at nagkakagulo ang mga tao,may mga umiiyak,hindi ko maintindihan.” “Wag mo ng isipin yon, hindi na iyon importante.” Sabi na lamang ni cheska at muli silang nagyakap Labis ang tuwa ni Cheska sa muling pagbabalik ni Migs at naidasal niya na sana ay hindi na ito mawala ulit.Ngayon ay inaamin na niyang espesyal sa buhay niya si Migs, ang multong si Migs at ikalulungkot niya pag nawala ito. “Bakit ayaw mo pang matulog?Gabi na oh.” Tanong ni Migs kay Cheska ngn dumating na ang gabi at hinid parin ito natutulog “Baka kase umalis ka na naman.”sagot nito Bahagyang ngumiti si Migs at hinawakan ang kamay nito. “Wag ka ng mag alala,hindi ako aalis,dito lang ako sa tabi mo.” “Talaga?” paninigurado pa nito “Oo naman,sige na magpahinga kana.” Sinunod naman siya ni Cheska at nahiga na ito ngunit hindi pa rin nito binibitawan ang kamay niya. “Sana nga, sana nga hindi na ko mawala ulit.” Bulong ni Migs nang nakatulog na si Cheska Magdamag na binantayan ni Migs ang natutulog na si cheska.Minsan ay nakaupo siya at hawak ang kamay nito, minsan naman ay nakahiga siya habang nakayakap sa kanya si Cheska.Sinusulit niya ang bawat oras upang pagmasdan ang muka ng dalaga na tila kinakabisado ang bawat detalye sa muka nito. “Hindi talaga nakakasawang pagmasdan ang muka mo.”Wika ni Migs ng bandang madaling araw na Hinaplos ulit ito ni Migs ngunit bigla na lamang naglaho ng unti unti ang kamay niya “Nangyayare na naman.” Natatakot niyang sambit Unti unti na rin nawawala ang mga braso at paa niya “Hindi ito pwede,Cheska gumising ka.” Pilit niyang ginigising si Cheska subalit hindi niya ito nagawang hawakan.labis na takot ang nararamdamn niya ng mga oras na iyon.May pakiramdam siya na iba ang mangyayri sa pagkakataong ito.Gustong gusto niyang yakapin si Cheska subalit nawawala na ang kalahati ng katawan niya.Sa huling sandal ay inilapit niya ang muka kay Cheska at idinampi ang kanyang labi sa labi nito.Kasabay ng pagpatak ng kanyang luha ay ang kanyang tuluyang paglaho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD