Chapter 1
Cheska
“Oh dahan dahan senyorita,baka masugatan ka.” Paalala ni Yaya Celia
“Yaya I’m ok,hindi na po ako bata.” Nakangiti kong sagot.
Hay ang yaya Celia talaga, sobrang maaalalahanin.Bata pa lamang kase ako ay siya na ang nag alaga sa akin.Kaya naman kahit ngayong 16 years old na ako ay binababy parin niya ako.Masaya ako at nariyan si Yaya Celia ,ang tumatayo kong pangalawa kong ina.
Ako si Cheska Javier.Nag iisang anak ng mag asawang Laila at Ronie Javier.Ako ang nag iisang senyorita sa pamilya, mayaman ang pamilya naming kaya namumuhay ako ng marangya.Nakukuha ko lahat ng gustuhin ko,magandang damit, sapatos bag,magarang sasakyan , lahat ng materyal na bagay na mabibili ng pera.Oo ng pera, lahat ng iyan ay meron ako.Pero isang bagay ang wala ako, my family.
Hindi naman literal na wala akong pamilya pero pakiramdam ko ay nag iisa lang ako, syempre except yaya Celia.Nasa akin man ang lahat hindi ko naman maramdaman ang pag mamahal ng mga magulang ko. Wala na silang ginawa kundi ang magtrabaho ng magtrabaho. Kaya baby pa lamang ako ay si Yaya Celia na ang lagi kong kasama.
Oo alam ko lahat naman ng ginagawa nilang ito ay para sa akin pero naisip ba nila na hindi ko naman gusto ang marangyang buhay na ito kung ang kapalit naman ay ang oras at atensyon ng mga magulang ko.Pag mamahala at pagkalinga ang higit kong kailangan.
“Hay naku,ewan ko ba naman sayo kung bakit sa dinami dami ng pwede mong pagbakasyunan ay dito pa sa probinsya.Nariyan ang Korea,Thailand,U.S o kaya sumama ka nalang kay Louisa sa Europe.” Mahabang sermon ni Yaya pagka baba sa van.
“Ya, alam niyo naman po why I love this place.”
“Oo nga iha,pero wala naman na ang lola mo kaya bakit hanggang ngayon gusto mo parin dto?”
“Grandma and I had a lots of good and happy memories here yaya.”
Napabuntong hininga na lamang si Yaya Celia sa sinagot ko na siyang nagpangiti sa akin.Alam kong ayaw na niyang makipagtalo pa sa akin.
“O sige na ipasok nyo na ang mga iyan sa loob.Dahan dahan ha,ingatan nyo ang mga iyan.Gina yung gamit ni Senyorita Cheska ayusin mo na sa kwarto niya” utos nito sa mga tauhan at kasambahay
“Iha halika na pumasok na tayo sa loob.”baling niyang muli sa akin.
Pinagmasdan kong mabuti ang mansion na nasa harapan ko.Ito ang mansion na pag mamay ari ng yumao kong lola na ngayon ay nailipat na sa pangalan ko .Tuwing bakasyon ay mas gusto ko na mamalagi dito sa halip na sa ibat ibang bansa.
Matapos kong pagmasdan ang mansion ay sumunod na ako kay yaya papasok sa loob.Subalit paghakbang ko ay tila may kakaiba akong naramdaman na siyang nag patigil sa akin. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at tila may kusa ang katawan ko na bigla na lamang lumingon sa aking likuran.Hindi ko maipaliwanag ngunit parang may hinahanap ako .Pakiramdam ko ay may tao doon.
“Iha bakit may problema ba?” takang tanong ni Yaya Celia
“Ah wala po yaya,tara pumasok na po tayo.” Sagot ko na lamang pero sa totoo ay pakiramdam ko may nag mamasid sa akin.
Bago kami tuluyang pumasok ay lumingon pa akong muli sa bandang gawi ng mga halamang naroon.Sinusubukan kong hanapin ang sinomang taong nagkukubli roon.Nakakapagtaka naman sapagkat ramdam ko na may tao doon subalit nasaan,kahit anino ay hindi ko Makita.
“Hindi ko na lamang sasabihin kay yaya ang kakaibang naramdaman ko kanina.” Wika ko sa isipan ko
Pagpasok sa loob ay saglit na nawala sa aking isipan ang kakaibang naramdaman.Napangiti na lamang ako ng makitang muli ang kabuuan ng mansion,wala itong pinagbago.Ang ayos nito ay tulad parin ng dati noong nabubuhay pa ang lola.
“Tulad ng kagustuhan mo hindi koi to pinabago.” Wika ni yaya
“Salamat po yaya.Gusto kong manatili ang ayos nito tulad noong nabubuhay pa si lola.” Nakangiti kong tugon
“Missed na missed mo na siya?”
“Opo,sobra, pero wag ka mag alala ya, nandito na tayo kaya ok na ako.”
“Natutuwa akong marinig yan.”
…………………………
Alam ni yaya Celia na nalulungkot ang kanyang alaga sapagkay wala na ang pinakamamahal nitong lola.Dalawang taon na ang lumipas ng pumanaw nito suablit hanggang ngayon ay hindi parin lubos na matanggap ni Cheska ang pagkawala nito.Tanging ang mansion na iyon at masasayang pangyayari sa loob ang natitirang alaala ng yumaong matanda kay Cheska.
Matapos magmeryenda ay nagsimula ng libutin isa isa ni Cheska ang lahat ng parte ng mansion.Nakaugalian na niya na gawin ito tuwing dumadating siya ditto.Doon ay isa isa niyang inalala ang mga masasayang alaala nila ng kanyang lola.Pinakahuli niyang pinuntahan ay ang kwartong pag aari ng lola niya.
Naupo siya sa kama nito at nakangiting hinaplos haplos ito.Unti unti siyang nahiga at saglit na ipinikit ang mga mata.Napangiti siyang muli ng maalala ang isang pangyayari na nakayakap siya sa lola niya.Tila naramdamang muli ni Cheska ang yakap ng kanyang lola.Isang luha ang mabilis na dumaloy sa kanyang mga mata.
~Cheska~
Sikat ng araw mula sa bintana ang nagpamulat sa aking mga mata.Umaga na pala, hindi ko namalayan na nakatulog na ako dito sa kwarto ng akin lola kagabi. Kagabi ay isa isang bumalik sa aking alaala ang mga masasayang pangyayari sa buhay naming ng lola ko, namaga ata ang mga mata ko sa kakaiyak.Aaminin kong hanggang ngayon ay nasasaktan parin ako sa pagkawala niya.Bukod kay yaya ay sa kanya ko lamang naramdaman ang pagmamahal na hindin ko Makita sa mga magulang ko.
Tumayo na ko at baka maiyak na naman akong muli.Masakit man ay kailangan kong tanggapin,kahit unti unti.
“Magandang umaga po senyorita.” Masayang bati ng isang kasambahay na nakasalubong ko pagkatapos kong lumabas ng silid.
“Magandang umaga rin.”ganting bati ko dito at pag katapos ay nagtungo na ako sa kusina kung saan ay naabutan ko si yaya Celia na naghahanda ng almusal sa lamesa.
“Yaya ano pong almusal natin?” magalang kong tanong
“Ano pa,edi ang paborito mong almusal dito sa villa.Nilagang itlog ng manok,piniritong saging, ginisang kamatis ,pritong talong at sinangang na may itlog.” Sagot naman ni yaya pag kaupo ko
“ Ya bakit parang may kulang?” nakalabi kong tanong
“Oo alam ko na yang sinasabi mo, oh heto na.”sagot nito at binaba ang isang tasa malapit sa kanya.
“Chokolate na may gatas ng kalabaw.”
Napangiti ako matapos habang pinagmamasdan ang paborito kong inumin. “Thanks yaya.” Wika ko bago kumain.
Nahagip pa ng aking mga mata ang mga ngiti ni yaya at ng mga kasambahay namin.Sanay na sila sa akin na ito ang mga paborito kong kainin, hindi dahil marangya ang buhay ko ay hindi na ako sanay sa mga ito.Isa sa mga naituro ng lola ko ang mamuhay ng simple, simple ngunit masaya.
Pagkatapos kong kumain ay naligo na agad ako at nagsuot ng paborito kong outfit dito sa villa.Black spaghetti straps and black pants and boots.Ngayong araw ay lilibutin ko ang buong villa at papasyalan narin ang mga taniman at sagingan pati narin ang ilan pang mga prutas.
“Mang Karding handa na po ba si Kiko?” magalang kong tanong pagkalapit sa namamahala dito sa mansion.Narito kami ngayon sa likod ng mansion sa kwadra ng mga kabayo.
“Opo senyorita, sandal lamang po at ilalabas ko si Kiko.” Sagot naman nito
Ang kiko na tinutukoy ko ay ang paborito kong kabayo na regalo pa ng lola ko.Agad agad akong lumapit kay Kiko pagkalabas nito at tuwang tuwang niyakap ito.
“Namissed kita Kiko,napakalusog mo ngayon ah.”
“ Inalagaan ko po talagang mabuti iyang si Kiko senyorita.” Wika ni Mang Karding
“Salamat po, maaasahan talaga kayo.”
“Wala po iyon,simpleng ganti lamang poi yon sa kabutihan niyo senyorita.”
“Hay nako nagdrama ka na naman Mang Karding.” Biro ko sa mukang iiyak na naming si Mang karding “Mabuti pa po tayo na sa sagingan.”
“Sige po.”
Inalalayan na ako ni mang Karding upang makasakay kay Kiko.Nagsimula na kming magpunta sa ibat ibang bahagi ng villa.Si Mang Karding ay nakasakay din sa kanyang kabayo at magkasama naming nilibot ang villa.Isa isa kong minasdan at sinuri ang mga punong aming nadadaanan.Nalalapit na ang anihan kung kayat punong puno ng bunga ang mga punong naroon.Nadaanan naming ang mga puno ng Santol, Papaya, Mangga ,duhat at langka.Ilan lamang ito sa mga prutas na magkakasama sa isang parte ng villa.Sumunod naming pinuntahan ang taniman ng pakwan at inabutan pa ang ilan sa tauhan ng villa habang nag aani nito.Napagpasyahan kong tumigil muna dito saglit at makihalubilo s amga tao na nagsasaya.
Masaya kaming sinalubong ng mga tauhan ng villa at nagtuloy sa isang bahay na hindi kalakihan.Ito ang ginagamit nila para sa pag aani ng mga saging at tirahan na rin ng nagbabantay dito.Doon na kami nagtanghalian ni Mang Karding kasama ang mga nagsasayang mga tauhan ng villa.
“Mabuti naman po senyorita at dito kayo ulit nagbakasyon sa villa.” Wika ni aling Rosa, isa sa mga masipag at mabait na tauhan namin.
“Syempre naman po, alam niyo naman po na malapit talaga sa akin itong villa.”sagot ko naman
“Hindi po nagkamali si Donya Clara sa pagpili sa inyo bilang tagapagmana.” Wika naman ng isa pang ginang
“Salamat po, natutuwa po ako at tinutulungan niyo ako sa pamamahala ng buong villa.”
“Maaasahan niyo po kame senyorita.” Magalang na tugon ng isang ginoo.
“Siya nga po pala senyorita, bakit hindi niyo nap o kasama si senyorita Louisa?” tanong ni aling Ross
“Sana Europe po eh, doon niya piniling magbakasyon.Alam niyo naman poi yon hindi sanay sa probinsya.”
“Kung sa bagay mukang hilig po non ang mga sosyal na lugar.” Aling Rosa
“Pero alam mo senyorita nakakamis din po si senyorita Louisa.Kahit medyo masungit eh masayahin at may kabaitan din po tulad niyo.”Mang karding
“Sadya lang talagang hinid siya sanay sa buhay dito sa probinsya.”Aling Rosa
“Naku mabait po talaga yon,medyo masungit lang talaga.Saka sanay po talaga sa pagiging marangya at sosyal dahil narin po sa estado ng buhay na kinalakihan niya.”
“Naiintindihan naman po naming at nakita naming na sinubukan talaga niya ang buhay dito kahit hirap siya.” Mang Karding
Patuloy kami sa pagkokwentuhan at talaga namang naaliw ako sa mga tauhan ng aking lola,mababait na ay masisipag pa.Ramdam ko ang pagmamahal nila dito sa villa at kung paano nila ako pakitunguhan ng maganda gaya ng kung pano nila mahalin ang namayapa kong lola.