Starting Forever Now (Book 3 of Zaina Jhin Trilogy)Updated at Dec 17, 2022, 06:27
Ever since pagkabata ay sinubok na nang panahon si Ina. Lahat nang paghihirap sa buhay ay kanyang pinagdaanan. Mahirap ngunit lahat iyon ay pinilit niyang lagpasan para lamang magpatuloy sa buhay.
It all starts with her sweet memories of first. Ang bawat magaganda at malulungkot na alaala na dala nang kanyang kabataan. Mga alaala na siyang tumulong sa kanya upang patuloy na mangarap.
Until she made a lot of mistakes, she used every lesson she gained from it until she became a better person. Zaina Jhin tried to pursue all her dreams, to help her family have a better life. She even sacrifices her happiness for the sake of her family.
Pero sabi nga nila, kapag may tyaga ay may nilaga. Lahat nang pagsisikap at pagsasakripisyo ni Ina ay matatapos na. Maaari na rin niyang piliin ang tunay at karapat dapat para sa kanya.
“Mula pagkabata, alam ko na sa sarili ko na ikaw na talaga. I tried to stay by your side. I wish I was there all the times to help and to show how much I really love you. Pero sadyang kalaban natin si pareng tadhana, pilit siyang namamagitan sa atin. All I want is to see you reach all your dreams because I know that makes you happy. Mahal ko remember this, ilang taon man ang lumipas, pilit man tayong paghiwalayin nang pagkakataon, you will always be in my heart. Ina, mahal na mahal kita, my first love,” JM
“I don’t know but I found myself inlove with you the moment I saw you. Para bang noon pa man ay nandito kana sa puso ko. Sinubukan kong ipaglaban ka kahit alam kong mali na. Ina, I’m really sorry if I made a mistake, but I want you to know that I really love you,” Jai
“Noon pa man ay gusto na kita. Pero pinigilan ko ang sarili ko dahil batid kong mas mahal mo siya, na mas liligaya ka sa kanya. Handa akong manatili sa tabi mo hanggat kailangan mo ako. Ina, remember that it’s not my feelings that matters, it’s about yours. All I want is you to be happy, because I love you,” Jovann
Tatlong lalaki, tatlong pag ibig. Iba’t iba nang pagkatao, iba iba nang paraan nang pagmamahal. Kapwa naglaan nang pag ibig para kay Ina ngunit tanging isa lamang ang karapat dapat at siyang dapat manatili.
Ngunit sino nga ba ang siyang mangingibabaw sa puso ni Ina? Sino sa kanilang tatlo ang siyang karapat dapat at tunay na nagmamahal kay Ina?
Who will be the man that stays on Zaina Jhin’s side and be with her to start their forever?