bc

Memories of First (Book 1 of Zaina Jhin Trilogy)

book_age12+
1.3K
FOLLOW
3.7K
READ
possessive
goodgirl
inspirational
drama
sweet
bxg
enimies to lovers
first love
school
sacrifice
like
intro-logo
Blurb

Minsan hindi naman talaga ang masakit na karanasan ang nagpapaluha sa atin, kundi ang katotohanang kailanman ay hindi na maaaring balikan ang nakaraan.Hindi na kailanman mababawi ang mga oras na nasayang at hindi na rin maibabalik ang masasayang alaala na siyang minsang nagpangiti sa atin.

Zaina Jhin Cruz, isang matapang at responsableng dalaga, mapagmahal na anak at kapatid.Mabuting kaibigan at may mataas na pangarap sa buhay.Ang babaeng matigas ang kalooban subalit madaling palambutin ng mga taong kanyang minamahal.

Sa murang edad pa lamang ay nakita na niya ang totoong hirap ng buhay lalo pa at pinanganak siya sa mahirap.Kayat kahit bata pa lamang ay inatang na niya sa kanyang sarili ang isang responsibilidad na iahon sa kahirapan ang kanyang pamilya.Subalit hindi ito naging madali sapagkat sinubok ng panahon ang kanyang katatagan at doon ay naranasan ang lahat ng paghihirap sa buhay.Buti na lamang ay nariyan si Jude Maikko, ang kanyang kaibigan at kaagapay sa lahat ng hirap mula pa noong bata sila.

Kay JM naranasan ni Ina ang lahat ng una sa buhay niya.Ito ang kanyang unang crush,kaholding hands, unang nagpakilig,nagprotekta ,nag alaga at higit sa lahat ang unang minahal. Nanatili is JM sa tabi niya sa kahit anong pagkakataon, at sabay silang nangarap ng magandang buhay balang araw.Nangako rin sila sa isat isa na hindi maghihiwalay at magtutulungan upang makamit ang kanilang mga pangarap.

Subalit ang tadhana ay sadyang mapaglaro.Kapwa sila pinaglaruan at sinubok na paghiwalayin.Ang isa ay pilit lumalaban habang ang isa naman ay mas inuna ang kaniyang priority sa buhay.Kapwa nagkamali sa mga desisyon at sa huling laro ni tadhana sa kanilang buhay ay masusubok ang tunay na tatag ng kanilang samahan at pagmamahalan.

Paano kung ang lahat ng binuo niyong pangarap at pangako ay tila bigla na lamang naglaho at kung kailan handa kanang harapin ang pagkakamali mo ay huli na ang lahat? Mananatili na lamang ba itong alaala ?

chap-preview
Free preview
KABANATA I
“Mga anak dahandahan baka madulas kayo.” Napatingin si Ina sa kaniyang nanay nang magsalita ito.Nauna itong bumaba ng bangka at nakatayo habang karga ang bunso nilang kapatid na si Vina.Habang siya naman at ang pangalawa niyang kapatid na si Faye ay buhat ng kaniyang ama at binaba sa tabi ng kanilang nanay. Matapos silang ibaba ng kanilang ama ay hinawakan niya sa kamay si Faye at hindi na umalis sa tabi ng kanilang ina saka pinagmasdan ang ginagawang pagbababa ng kanilang tatay sa kanilang mga gamit.Wala naman silang halos dala bukod sa mga damit at mahahalagang gamit lamang. Nilibot niya ang mga mata sa malaking ilog na nasa harapan niya na kanina lamang ay dinaanan ng bangkang sinakyan nila upang makatawid sa kabilang pangpang.Isang taon na mahigit noong huli siyang nakasakay sa bangka at talagang nanibago siya dahil pakiramdam niya ay tila lalong lumaki ang ilog kumpara dati. “Ina tulungan mo anak na magtanggal ng sapatos ang kapatid mo.” Nabalik sa sarili si Ina matapos marinig ang utos ng kaniyang nanay.Tinulungan niyang magtanggal ng sapatos ang kapatid saka niya sinunod ang sandals niya. “Kailangan nating maglakad ng nakaapak mga anak dahil madulas ang daan gawa ng umulan dito.Ina hawakan mong mabuti ang kapatid mo saka kayo sumunod sa nanay nyo.Hindi ko kayo mabubuhat at madami tayong bag na dala,” wika naman ng kanilang tatay na agad nilang sinunod.Hinawakan niyang mabuti si Faye sa kamay saka sila nagsimulang humakbang sa putikang daan habang nakasunod sa kanilang nanay. Dahil sa putikang daan ay hirap na hirap ang mag anak sa paglalakad lalo pa at paakyat pa ang daang tinatahak nila.Samantala habang naglalakad ay palinga linga ang magkapatid na sina Ina at Faye habang magkawak kamay na naglalakad.Hindi nila maiwasang matakot sa bawat punong dinadaanan sapagkat ito ay malalaki, idagdag pa ang mga matataas na damong nakapaligid dito.Wala silang madaanan na bahay bukod sa isang kubo na naroon at may aso pang malaki.Tila naman pamilyar iyon kay Ina hindi lamang siya sigurado kung tama ba ang nasa isip. Nagpatuloy sila sa paglalakad hanggang sa huminto sila sa isang bakuran at mayroong isang malaking bahay na naroon.Napangiti si Ina nang makarating sila saka nagmamadaling tumakbo papasok ng bakuran.Napahinto lamang siya nang may tumahol na aso at sumulubong sa kaniya. “Pandak!!” Narinig niyang tawag ng isang tinig sa aso.Napangiti siya nang biglang lumapit sa kanya ang asong si pandak habang kumakawag pa ang buntot. “Kilala ka parin niya apo.” Napangiting muli si Ina nang magtaas siya ng tingin ay nakita niya ang nakangiti niyang Tatang.Agad siyang yumakap dito at niyakap din siya nito. “Akala ko mamaya pang gabi ang dating ninyo,” wika ng isang matanda na batid ni Ina na ang Inang niya iyon. “Inang!” Tawag niya dito saka mabilis na tumakbo palapit.Nagyakap sila nang kanyang Inang at masayang masaya ito. “Mano po inang, tatang,” wika nang kanyang mga magulang saka nagmano sa dalawang matanda.Ganon din ang ginawa nang dalawa niyang nakakabatang kapatid. Matapos ang kamustahan at yakapan ay mabilis na naghain nang pagkain ang kanilang Inang upang kanilang pagsaluhan.Doon sila kumain sa papag na nasa labas at nasa ilalim nang puno ng dalawang langka sa harapan ng bahay ng mga ito. “Dito na ba kayo mamalagi anak?” Napalingon si Ina sa tanong na iyon ng kanyang Inang sa kaniyang ama.Naghihintay siya kung ano ang isasagot nito. Ang totoo ay hindi niya alam kung ano nga ba ang desisyon ng mga magulang niya.Dati silang nakatira dito sa bayan ng Jaen, sa probinsya ng Nueva Ecija.Isang taon na ang nakakalipas nang magpasya ang mga magulang niyang makipagsapalaraan sa Maynila.Naging maayos naman ang pamumuahay nila doon subalit hindi niya maintindihan kung bakit nagpasya ang mga magulang niyang umuwe ngayon dito sa kanilang bayan. Si Ina ay 7taong gulang pa lamang subalit ang isip niya ay tila maagang nagmatured.Batid na niyang may mga bagay na dapat na niyang aralin at intindihin.Ngayon nga ay nalalaman niya na may desisyon na naman ang mga magulang niya na alam niyang magpapabago na naman sa kanilang buhay.Nais niyang ihanda ang sarili subalit kailangan din niyang malaman kung ano nga ba ang desisyon nang mga ito. “Oho Inang, dito na ulit kami titira,” sagot nang kaniyang nanay.Napakunot noo naman ang dalawang matanda. “Bakit mahirap ba ang naging buhay ninyo doon sa Maynila?” takang tanong naman nang kanilang tatang. “Galit po sila Tita kay tatay,” walang reaksyong sagot ni Ina.Nanlaki naman ang mata ng kaniyang nanay habang masama naman ang naging tingin ng kaniya ng ama.Walang reaksyon niya itong tiningnan. “Ano na naman ang ginawa mo Ronie?” galit na sambit nang kanilang Inang. “Mga apo tara don muna kayo sa loob dalin natin ang mga gamit ninyo sa kwarto.” Paanyaya ng kanilang tatang na batid ni Ina na ilalayo lamang sila nito dahil magsesermon ang kanilang Inang sa anak nito na kanilang ama. Magalang na sumunod si Ina at inakay na ang kapatid na si Faye habang si Vina naman na bunso ay naiwang kalong ng kanilang nanay.Si Faye ang sumunod sa kaniya ay 5 taong gulang pa lamang habang si Vina naman ay 2 taong gulang. Inabot din ng ilang oras ang pag-uusap ng mga magulang niya at ng kanilang Inang bago ito natapos.Agad namang pumasok ang kaniyang nanay at inayos ang kanilang mga gamit.Nagpaalam siyang maglalaro sa labas at pinayagan naman siya nito.Nakita niyang abala parin sa pag uusap ang kanyang ama at Inang kasama ang Tatang nila habang nakatingin sa luma nilang bahay. Pinagmasdan ito ni Ina, tanda pa niya na iyon ang dati nilang bahay at dati ay maganda pa ito pero ngayon ay luma na dahil gawa lamang iyon sa kawayan. “Ang sabi ng Dikong mo ay tutulungan ka naman daw sa pag aayos ng bahay nyo.Makakahingi din tayo ng kawayan sa pinsan ng Tatang mo.” Narinig niyang sambit ng kanilang Inang.Tumango lamang ang kanilang ama at inikot ang bahay. Samantala itinoon na lamang ni Ina ang paglalaro niya subalit ang isip niya ay malalim na ang nararating.Gusto sana niyang itanong kung makakapag aral ba siya ulit o hihinto na naman siya gaya nung umalis sila noon.Nasa grade 1 na naman siya ngayon na dapat ay grade 2 na dahil nakaraang taon ay nahinto siya dahil sa pag alis nila.Isang buwan na nagsisimula ang klase kayat nalulungkot siya kung hindi na naman siya makakapagpatuloy sa pag aaral. Hanggang sa gabi ay hindi iyon nawala sa kanyang isip,nais man niyang alamin sa kanyang nanay ay hindi na niya ito inabala pa dahil batid din niyang pagod ito sa byahe at sa pag aasikaso sa kanilang magkakapatid. Kinabukasan ay tanghali nang nagising si Ina sapagkat hindi siya agad nakatulog.Paglabas niya ng bahay ay maraming tao at masayang masaya siya nang makita doon ang tito tatay niya.Agad siyang tumakbo palapit dito at binuhat naman siya nito habang masayang masaya din gaya niya. “Ang laki mo na anak,” sabi nito matapos siyang ibaba. “Miss na miss na namin kayo lalo na ang mga ate mo.” Dagdag pa nito na ang tinutukoy ay ang mga pinsan niya.Ang tito tatay niya ay nakakatandang kapatid ng kanyang tatay at mas malapit siya dito kesa sa kanyang ama. Agad na naglapitan ang mga pinsan niya at nahila na siya ng mga ito.Nilingon na lamang niya ang nakangiting tiyuhin niya. Nang sumapit ang tanghalian ay nagsalosalo silang lahat para sa tanghalian na hinanda ng kanilang inang sa papag na naroon.Nagluto ang kaniyang Inang ng sinampalukang native na manok na siyang paborito niya.Habang kumakain ay nabanggit nang kaniyang tita nanay na asawa ng tiyuhin niya na naitransfer na siya nito sa paaralang bago niyang papasukan.Labis naman ang tuwang nadarama niya nang mga oras na iyon.Ang kaniyang kinatatakutang mahinto sa pag aaral ay hindi na mang yayari dahil sa tulong ng paborito niyang tita nanay. “Salamat po,” tanging naisagot niya pero labis ang tuwang kanyang nadarama. Dahil sa binalitang iyon nang kaniyang tita ay naging maganda ang araw ni Ina.Maghapon na naroon ang kaniyang mga pinsan kayat nakapaglaro sila ng matagal.Habang ang Tatay at tito tatay naman niya ay nagsimulang baklasin ang luma nilang bahay upang ayusin ito. Nang sumapit ang gabi ay maagang natulog si Ina sapagkat nasasabik siya sa muling pagpasok sa eskwela.Bago umuwe ang mga tito at tita niya ay nabanggit na bukas din ay maaari na siyang pumasok at sasamahan daw siya ng mga ito.Likas kay Ina ang hilig sa pag aaral kayat ayos lamang sa kanya kahit saan pa sila tumira ang mahalaga ay makakapag aral siyang muli. Kinabukasan ay tahimik at kabado siya habang papunta sila sa bago niyang paaralan.Sakay sila ng tricycle nang kanyang tito tatay na minamaneho ng kanyang ama habang papunta sila doon.Ayon sa tita niya ang paaralan ay nasa dulong bahagi ng kanilang baryo kayat medyo malayo ito.Kapansin-pansin nga ang layo nito sapagkat nakakarami na nang bilang ng bahay si Ina ay hindi parin nila nararating ang paaralan.Nang sa wakas ay huminto na sila sa tapat ng paaralan at napakunot noo pa si Ina nang pagmasdan ito.Maliit lamang ang paaralan at may ilang room lamang, hindi gaya ng kanilang paaralan noon sa Maynila na 4 na palapag at may 5 room kada palapag.Gayun pa man ay napangiti parin siya dahil maliit man ito ay maganda naman at maraming halaman at mga puno. Sumunod lamang sila ng kaniyang nanay sa kanyang tita nang pumasok ito sa room na hindi gaanong kalakihan.Sinalubong sila ng isang magandang babae na may pang lalaking gupit ng buhok.Matamis itong ngumiti sa kanila at magalang silang pinapasok. Nakaupo lamang si Ina sa isang silyang naroon habang nag uusap ang kaniyang nanay at ang gurong si Mam Sheena kasama ang tita niya.Nalaman niyang Mam Sheena ang pangalan nito dahil naroon sa gilid niya ang isang karatola na may pangalan nito at litrato. Habang tahimik na nag-aantay ay napatingin si Ina sa mga mag aaral na sa tingin niya ay grade 1 ding katulad niya.Lahat halos ay nakatingin sa kanya at nakangiti ang mga ito.Maya maya ay may 4 na batang lalaki ang pumasok sa loob at nagulat siya nang nakita doon si Jaycee ang kaniyang kinakapatid. “Ina!” tuwang tuwang sambit nito.Nagyakap pa sila at masayang nagkamustahan. “Dito kana pala mag aaral, ayos yan may kasama na ko pauwe,” natutuwang sambit nito.Natawa na lamang siya sapagkat habang kausap siya ay panay ang nguya nito ng biscuit na dala nito.Nang huli niya itong nakita ay mataba na ito pero parang lalo atang tumaba ang kinakapatid niya. Habang masaya silang nag uusap ay isang batang lalaki na kasama ni Jaycee ang sumingit at mayabang na nagsalita. “Yan na ba yun?Yung taga-Maynila?” maangas nitong tanong kay Jaycee.Napatingin naman siya dito at hindi nagawang magsalita.Hindi ito katangkaran at may morenong kulay ng balat pero naroon ang maganda nitong mata na may natural na kulay.Maayos din nag suot nitong uniporme at puting puti hindi kagaya ng ilang estudyante na naroon.Ang linis niyang pagmasdan na binagayan pa nang magandang gupit ng buhok nito. “Oo siya si Ina ang kinakapatid ko,” sagot ni Jaycee. Nilapitan siya nito nang sobra at saka tinitigan pagkatapos ay ngumisi. “Miss Manila girl, gusto kong malaman mo na hindi ka welcome dito! JM nga pala.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.2K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.2K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

His Obsession

read
104.2K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook