KABANATA II

1954 Words
Pinasya nang guro ni Ina na kinabukasan na siya pumasok dahil kailangan pa niyang ihanda ang mga gamit niya na siyang gagamitin para sa pagpasok niya.Pinaliwanag din ni Mam Sheena na dapat balutan ang mga notebook nila ng iba’t ibang kulay. Samantala nang makauwe na sila ay agad na inasikaso ng kaniyang nanay ang mga notebook niya.Dahil sa may gamit naman na siya ay binalutan na lamang nila ang mga ito ng art paper.Habang nagbabalot ay hindi maiwasan ni Ina ang mainis dahil naalala na naman niya ang nangyaring tagpo sa school kanina. “Miss Manila girl, gusto kong malaman mo na hindi ka welcome dito!JM nga pala,” wika ni JM at saka direderetchong naglakad at nilagpasan na siya saka naupo sa upuang nakalaan dito. Pinagsabihan pa ito ng kanilang guro na magsorry sa kanya dahil hindi tama ang pangit na inasal nito sa kanya ngunit lumingon lamang ito sa kanya at ang akala niyang magsosorry ay sinimangutan lamang siya nito.Nagsorry ito sa kanilang guro pero sa kanya ay hindi.Nagsalita na lamang ang kaniyang nanay na ayos lang upang matapos na. Pinakatitigan niya ito at nang lumingon ito ay nagsalubong ang kanilang mga tingin at sinimangutan siya nitong muli. Napabuntong hininga na lamang si Ina matapos maalala ang naganap sa school nila at sa pagitan nila nung mayabang na bata na JM daw ang pangalan.Naiinis siya kung bakit ganon ang ugali nito akala pa naman niya ay magiging kaibigan niya ito sapagkat kaibigan ito ng kinakapatid niyang si Jaycee.Wala din siyang maisip na dahilan kung bakit tila ayaw nito sa kanya sapagkat bago lamang naman siya doon at hindi pa sila nagkakakilala.Bigla ay pumasok sa isip niya ang sinabi nitong Manila Girl.Napakunot noo siya nang maisip na baka iyon ang dahilan,pero bakit, ano ang masama kung galing siya nang Maynila.Taga roon din naman siya sa baryo nila at doon siya ipinanganak. “Wag mo na isipin ang nangyari kanina anak, ang sabi ng tita mo ay kilala daw niya ang batang iyon, mabait naman daw iyon at baka may problema lang kaya nakapagsalita ng ganon sa iyo,” mahabang paalala ng kanyang nanay.Nakita niyang tapos na itong magbalot at nag aayos na nang mga ginamit nila.Agad niya itong tinulungan upang maiayos na rin niya ang gamit niya. Bata pa lamang si Ina ay marunong na siyang mag ayos ng gamit niya at mabusisi din siya sa mga gamit niya bagay na natutunan niya sa kaniyang Inang.Noon kase ay palagi siyang naroon sa kaniyang Inang at halos ito na ang nagpalaki sa kaniya.Nahiwalay lamang siya noong umalis sila upang manirahan sa Maynila. Kinabukasan ay maagang pumasok si Ina at sinundo pa siya ng kinakapatid na si Jaycee upang sabay na daw silang pumasok.Naglakad lamang sila papasok at dahil unang beses ni Ina na maglakad papasok ay talagang napagod siya.Sa Maynila kase ay hinahatid siya ng ama gamit ang tricycle na pinapasada nito. Pagkapasok pa lamang sa gate ng paaralan ay madami na ang bumabati sa kaniya at nakikipagkilala at halos lahat ay batang lalaki.Morena ang kulay niya at pumusyaw lamang dahil sa natira siya sa Maynila pero ganon pa man ay may angkin ganda si Ina.Katamtaman ang tangos ng kaniyang ilong at makinis din ang balat niya kahit hindi kaputian sapagkat alaga ito ng nanay nila.Mayroon din siyang magandang mata na marami ang nagsasabing nakuha niya ang pagkasingkit niya sa kanyang nanay. “Ganito talaga dito Ina kapag may bagong muka, nakakasawa na din kase ang muka ng mga batang babae dito kaya masanay kana,” tumatawang bulong ni Jaycee sa kanya na kinangiti na lamang niya. Naisip niya na ang babata pa ng mga ito ay alam na ang magkagusto bagay na wala siyang panahon sapagkat pag aaral ang nasa isip niya.Pagdating sa room nila ay naroon na ang ilang sa mga kamag aral nila.Pinaupo siya sa tabi ni Jaycee at nang makaupo naman siya ay naglapitan ang mga kamag aral niya.Nakipagkilala ang mga ito at halos lahat naman ay nakangiti. “Archie nga pala, pwede ba manligaw?” Napanganga siya sa kamag aral niyang medyo matangkad sa kanila.Ngiting ngiti ito habang nakalahad ang kamay sa harapan niya.Sa isip ni Ina ay cute naman ito subalit tila may kalokohang taglay.Bumulong si Jaycee sa kanya na matanda na daw iyon at 8 years old na dahil hindi nagseseryoso sa pag aaral at puro kalokohan.Napasimangot si Ina dahil ayaw niya sa tamad mag aral, gayon pa man ay ayaw naman niya itong ipahiya sapagkat muka namang mabait, makulit nga lang. “Ang ganda mo talaga Ina,” ngiting ngiting sambit nito nang abutin niya ang kamay nito upang makipag kamay.Naalala niyang pinakilala na nga pala siya ni Mam Sheena kahapon kaya alam na nang mga naroon ang pangalan niya.Nginitian naman niya ito at nagulat na lamang sila nang may magsalita. “Kay bago bago nakikipaglandian na agad,” sabay sabay pa silang naglingunan sa batang lalaki na nagsalita mula sa likuran, at walang iba kundi si JM.Pinagmasdan ito ni Ina at lihim siyang humanga dito sapagkat gaya kahapon ay complete uniform ito at ang linis-linis pang tingnan.Suot nito ang itim niyang backpack at nakapamulsa pa ang dalawa niyang kamay yun nga lang ay salubong ang kilay nito at tila inis na inis na naman sa kanya. “Jaycee hinintay ka namin ah,” sabi nung isang lalaki na nasa likod niya na hindi niya alam ang pangalan, medyo chubby din ito. “Kasabay mo pala itong si Ina,” sabi naman noong isa na medyo maitim at kulot ang buhok.Kapwa naman ngumiti sa kanya ang dalawang batang kasama ni JM na sinuklian niya ng ngiti rin. “Oo pasensya na kuya Romel,” sagot ni Jaycee sa maitim na bata. “Ganyan ba talaga ang mga taga-Maynila mahilig magpapansin?” Napakuyom nang kamay si Ina dahil sa mga masasakit na sinasabi ni JM pero naalala niya ang sinabi ng kanyang ina na mabait naman ito at baka may problema lang. Tiningnan na lamang niya ito saka nginitian bagay na kinagulat ni JM at saglit na natahimik.Matagal itong nakatitig sa kanya at kundi pa siniko nung Romel ay hindi pa ito muling magsasalita. “Para lang sa kaalaman mo Manila Girl hindi kita gusto! Nakakainis ang mga tulad mo,” sambit nito habang lumapit pa sa kanyang harapan.Tumayo naman si Ina sa pagkakaupo at saka tumingin sa mga mata niya.Nakaramdam ng pagkailang ang batang si JM subalit hindi niya ito pinahalata. “Zaina Jhin ang pangalan ko, Ina for short, hindi Manila Girl,” sambit ni Ina habang matamis na nakangiti kay JM. “Wala akong pakialam,” inis namang sagot ni JM saka siya nakasimangot na tinitigan. “Jude Maikko ayan ka na naman.Ano ba iyan, hindi na maganda yang ginawa mo kay Zaina Jhin.” Nagbalikan ang mga kamag aral nila sa upuan ng marinig ang boses ng kanilang guro.Tanging naiwan lamang na nakatayo at nakikipagtitigan sa kanya ay si JM. “Kasalanan mo to,” bulong pa nito bago naupo sa upuan na nasa likod lamang nila Ina. “Ang sungit mo naman Jude Maikko, baka mamaya kayo pa magkatuluyan niyan ni Zaina Jhin.” Pang aasar naman ng kwela nilang guro na dahilan upang magsigawan ang mga kamag aral nila. Nakita niyang sumimangot si JM subalit saglit na tila namula ito ng bahagya bagay na pinagtataka ni Ina. “Mam naman, sakin na yang si Ina eh,” maktol naman ni Archie na kinatawa nilang lahat.Napasulyap siya kay JM at nakita niyang nakatitig parin ito sa kanya at masama ang tingin. Samantala bago magklase ay sinabihan sila ng guro na magsimula nang mag garden bagay na kinagulat ni Ina subalit natuwa siya sa isiping magtatanim sila.Nagpunta na silang lahat sa labas at nagtungo sila sa isang bahagi ng paaralan at naroon ang lahat ng mag aaral maging ang nasa ibang baiting na mas mataas sa kanila. Hinila na siya ni Jaycee matapos sabihin ng guro nila na kasama na si Ina sa grupo nito.Masaya si Ina habang nadadaanan ang mga gulay na tanim na naroon sapagkat malulusog ang mga tanim at malalaki na rin.Nawala lamang ang ngiti niya nang huminto sila sa isang halamang lantang lanta na at tila mamamtay na.Napangiwi siya ng makitang basang basa ang lupang kinatataniman nito subalit mas napakunot noo siya nang magsalubong ang tingin nila ni JM.Kapwa sila nakasimangot nang tingnan ang isat isa. “Ano ginagawa ng babaeng yan dito Jaycee?” masungit nitong tanong habang nakaupo at panay parin ang dilig sa halaman. “Kasama na daw natin siya sa grupo sabi ni Mam,” napapakamot namang sagot ni Jaycee. “Ayoko,” matigas na sagot ni JM. “Jude Maikko,tumigil ka,isusumbong na kita sa papa mo kapag hindi ka pa tumigil sa ganyang ugali mo,” seryosong sabi ni Mam Sheena na nakasunod pala sa kanila.Hindi na kumibo si JM subalit nakasimangot parin ito.Nahihiya namang nakiupo si Ina sa tabi nila nang umalis na ang guro nila.Ramdam niya ang pagka disgusto nito na makasama siya. Samantala inis na inis naman si JM at ayaw niya talagang makasama ang bago nilang kamag aral na galing pa sa Maynila.Lihim niya itong pinagmasdan at sa isip niya at muka naman itong mabait at tahimik lang din.Subalit sa tuwing sasagi sa isip niya na taga-Maynila ito ay kumukulo ang dugo niya.Naisip pa niyang malamang ay nagpapanggap lang ito dahil bago pa lamang at paglipas ng araw ay lalabas din ang tunay na ugali nito.Kilala niya ang mga taga-Maynila, matatapobre sa mga kagaya nilang probinsyano. Sa isang banda ay awang-awa naman si Ina sa tanim nila na sa tingin niya ay malapit nang mamatay.Lantang-lanta na ito at lunod na lunod pa sa pagdidilig na ginagawa ni JM. “Jaycee kelan niyo pa itinanim ito?” hindi na siya nakatiis at nagtanong na siya, gaya ng inaasahan ay masama lang ang tingin ni JM sa kanya na hindi na lamang niya pinansin. “Ang totoo ay binunot lamang namin iyan saka itinanim dahil hindi kami makabuhay.Lahat ng buto na tanim namin ay sa simula lang tumutubo at namamatay din,” sagot ni Jaycee na kinatango lang niya. “Pwede ko bang bunutin ang mga Gabing ito saka ko nalang itanim— “Hindi pwede!” maagap na putol ni JM sa sinasabi niya.Siniko ito ni Jaycee subalit nanatiling nakatingin sa kanya. “Lanta na nga bubunutin mo pa, maya matuluyan yang mamatay sayo.Isa pa marunong kabang magtanim? Baka maputikan ang mga kamay mo kasalanan pa namin.” Naiinis na si Ina sa sinasabi sa kanya ni JM, masyadong matabil ang dila nito at konti na lang ay papatulan na niya ito.Sa inis ay binunot niya isa isa ang mga tanim kahit pa panay ang bawal sa kanya ni JM.Tinitigan lang niya ito ng masama saka nagpatuloy sa ginagawa.Nang hingi siya kay Jaycee ng ilang lupa na hindi gaanong basa saka hinalo sa halos putik na nilang taniman.Inayos niya ang pagkakatanim at medyo nilaliman ng bahagya sapagkat sobrang babaw ng pagkakabaon ng mga ugat nito.Alalay lamang ang ginawa niyang paglalagay ng lupa sa paligid ng ugat nito.Nang matapos ay bahagya niya itong diniligan at saka tumayo na. “Marunong ako magtanim at wala akong pakialam sa putik,” wika ni Ina sabay pakita ng kamay niyang puro lupa. “Jaycee tuwing umaga at hapon ang dilig, huwag masyadong basang basa at nalulunod din ang halaman,” baling niya kay Jaycee na nakangiting tumango.Tatalikod na sana siya nang bigla siyang humarap sa natahimik na si JM “Sa oras na mamatay ang mga iyan ay ako na mismo ang aalis sa grupo,” inis niyang wika saka tumalikod at nagsimula nang umalis.Sinundan naman siya agad ni Jaycee habang naiwan naman ang natahimik na si JM habang nakasunod lamang sa kanya ng tingin
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD