Chapter 1
Hanna
Marahan akong napapikit nang maramdaman ko ang malamig na hangin na siyang dumpi sa aking balat. Ang hangin na hinahanap hanap ng balat ko at sa wakas ay heto na, ramdam na ramdam ko na. Dahan dahan kong idinilat ang mga mata, inilinga ang paningin kayat isang matamis na ngiti ang siyang sumilay sa aking labi. Kay tagal na rin, sampung taon na nang huli kong makita ang lugar na ito. Maraming nagbago ngunit narito parin ang tatak ng isang bansang aking pinagmulan.
Ten years ago, I decided to leave my own country and flew to New York for my studying. I never try to go home even once, even for a short vacation that my family always asking. I have a lot of things to do and every day in my life there was a busy day. I finished my college days in New York and then find a job that suited my bachelor's degree as a Financial major in Business Management.
Pinalad akong matanggap sa isang Finance company after I graduated. Gaya ng nakakarami nagsimula din ako sa mababang position hanggang sa nag sikap at napromote bilang Finance Manager. Habang nagtatrabaho ako, wala akong sinayang na pagkakataon. I work hard and do some investment to earn a lot of money for my family and ocourse for my future as well. I even continue my studies and take my master’s degree while working. It took me 3years before I got my master’s degree. Syempre sobrang saya ko that time, mas naging maganda ang mga pangyayare sa buhay ko, beacuse I received a lot of offer. The last things I do was to accept the offer and now I’am the Chief Finance Officer of the S.M.N Corporation, one of the best clothing company in New York.
I worked hard, and do my best for the company. Inalay ko lahat ng oras ko sa pagtatrabaho, at dahil sa mabait ang boss ko he gave me a vacation. Hindi lang basta bakasyon, a very long vacation because it was 6months vacation. I was hesitate at first dahil hindi ako sanay ng walang ginagawa, all this time ay puro trabaho ang pinagkakaabalahan ko. Pero maganda ang offer ng niya, dahil continue parin ang pag monitor ko sa trabaho ko even Im in vacation. Pinagkaiba nga lang ay hindi ko kinakailangang mag report daily dahil as long as I control everything about the finance operation of the company and make sure that everything was under control my boss was happy with that. Hindi ba’t maganda iyon para sa akin lalo at may salary parin akong matatanggap. A smile formed from my lips as I remember how lucky I’am to have a boss like him.
After so many years, nakumbinsi ko din ang sarili ko na umuwe upang makasama ko ang pamilya ko. Alam kong wala nang dahilan upang iwasan ko pa ang pag uwe, maayos naman na ang lahat ngayon. Isinuot ko pabalik sa aking mga mata ang itim na shades at saka nagsimulang humakbang na may ngiti sa labi.
I already booked a grabcar at naghihintay na ito sa labas ng airport. As soon na nakita ko ito ay sumakay na ako dahil mahaba haba pa ang byahe ko pauwe sa probinsya namin. Hindi na ako nagpahinga sa mga hotels at mas pinili na umuwe na nang deretcho bago pa makatunog ang pamilya ko sa pag uwe ko. Yes, I didn’t tell them that Im gonna go home today.
I open my phone nang magsimula na ang byahe ko sa private car na sinasakyan ko. Sunod sunod ang mensahe na natanggap ko from my families, karamihan ay mga pangangamusta. Napangiti ako, kahit nasa malayo ako ay patuloy parin ang good communication sa pagitan ko at nang pamilya ko. Masarap sa pakiramdam na may pamilya akong palaging nakasuporta sa lahat ng desisyon ko.
Napasandal ako nang biglang sumakit ang ulo ko, dala marahil ito ng napakahabang byahe kayat nanakit ng bahagya ang ulo ko. Kinuha ko ang gamot sa bag ko at ininom iyon saka ipinikit ang akin mga mata.
“Please listen to me, I’m begging you, don’t leave me. Mahal na mahal kita!” Sunod sunod na umagos ang luha ko habang pinagmamasdan siyang nakaluhod at nakayakap sa mga paa ko. Hindi ko siya pinansin kahit pa sinisigaw ng puso ko na paniwalaan siya.
Tama na ang minsang pagpapakatanga ko sa kanya. Lahat ay pinaniwalaan ko at pinaghawakan ang mga pangako niyang mahal niya ako. Ngunit anong nangyare? Sinira niya lang ang tiwala at pagmamahal ko.
“I hate you! Ano man ang sabihin mo ay hindi na kita paniniwalaan, manloloko ka! This will be the last time na iiyak ako sa harapan mo dahil tinatapos ko na ang lahat sa atin.”
Natigilan siya at napaangat ng tingin. Sinalubong ng masamang titig ko ang mga mata niyang nangungusap at nagmamakaaawa. Para bang sinasabi na bawiin ko ang sinabi ko.
“Please my princess, don’t do this let me explain,” nag mamakaawa niyang wika matapos tumayo at pilit akong niyayakap.
Buong lakas ko siyang tinulak upang makawala ako sa kanya at sa ilang subok at nagtagumpay naman ako. Nang salubungin ko ang tingin niya ay panay parin ang luha niya gaya ko. Ngunit pinahid ko ang luha ko at saka nagpakatatag at tinitigan siya ng deretcho sa mata.
“Hindi na ako papayag na mabilog mo ang ulo ko!” wika ko saka tumakbo paalis upang iwan siya. Rinig ko pa ang pagtawag at pagsusumamo niya ngunit hindi na ako padadala sa kanya.
Napahinto ako sa pagtakbo at sumandal sa punong naroon. Ang punong madalas saksi sa lahat.
Nagising ako nang marinig ko ang pangring ng cellphone ko at makitang rumehistro ang pangalan ni Jenny. Hindi ko namalayan nakatulog na pala ako.
“Hello?” tanong ko matapos itong sagutin. I check my wrist watch and it’s already 2:48 pm, mahigit isang oras at kalahati na din pala akong nakatulog.
“Girl how’s your flight?” balik tanong ni Jenny sa akin.
Siya ang bestfriend ko since nanirahan ako sa New York and she’s a Pilipina too. Gaya ko ay nag aral din siya doon, but magkaiba kami ng buhay dahil pinanganak na siyang mayaman. She’s not working unlike me because he’s the only child and her father was providing all her needs. She was a model and most of the time she spends her day for shopping. May times pa na inalok niya akong mag model din dahil perfect daw ako for model, pero tinanggihan ko dahil that’s not my thing. Hindi naman spoiled brat si Jenny, mabait siya at marunong makisama just why I loved her.
May pera din naman kami pero hindi kasing yaman ng bestfriend ko. May malawak na lupain sa probinsya at ilang small business in Manila, saktong nakakaangat lang ang buhay namin noon. Mas naging angat lang ngayon dahil pinalad akong makakuha ng magandang trabaho sa New York. Ngunit ganon pa man ay naging mabuting mag kaibigan parin kami sa kabila ng pinagkaiba namin ng pamumuhay.
“Hey Girl!” Napatakip ako sa tenga ko ng sigawan ako ng luka luka kong kaibigan.
“Sorry, I’m just thinking something,” wika ko na agad naman niyang tinawanan kayat napakunot noo tuloy ako.
“Let me guest…. It’s M—
“Stop it!” maagap kong putol. Alam ko na ang sasabihin niya kayat pinigilan ko na bago pa lumabas sa bibig niya ang mabahong pangalan ng taong iyun. Rinig ko ang halakhak niya kayat napairap na lamang ako sa hangin. Pang asar iyang si Jenny pero never akong napikon, dahil kilala ko naman siya at magaan talaga loob ko sa kanya ever since.
It’s him right?” tumatawang tanong nito na na sinagot ko naman agad ng hindi. Ngunit ayaw niyang maniwala at panay ang pagpapa amin sa akin. Hay ewan ko ba sa kaibigan kong iyan, palagi na lang sinisingit ang pangalan ng taong kinaiinisan ko. Ngayon ko pinagsisisihan na sinabi ko sa kanya ang nakaraan ko.
“My dear bestfriend, why don’t you tell me the truth, it’s all right I’am your bestfriend I understand,” pangungulit pa niya, ngunit wala akong aaminin dahil wala naman talaga. Hindi ko nga iyon naiisip, heto pinaalala pa niya.
“I;m okay, safe naman akong nakarating dito sa bansa. Pauwe nako sa probinsya namin. I make a call if I got home okay, bye!” wika ko saka ko pinatay ang tawag.
Napangiti ako nang makareceived ng messages from Jenny saying she hates me. Well ganyan lang naman kaming magkaibigan, we’re not that sweet but we love each other na para bang magkapatid.
Isinandal ko ang ulo ko sa salamin ng sasakyan at pinagmasdan ang bawat dinadaanan namin. Nakaramdam ako ng kalungkutan nang biglang sumagi sa isipan ko ang taong iyon. Ang isa sa dahilan kung bakit hindi lubos ang kaligayahan ko. Aaminin ko, hindi lang pag aaral ang siyang dahilan bakit ako umalis dahil may mas mabigat pa doon.
Maayos naman ang buhay ko noon dito sa Pilipinas, masaya at punong puno ng pagmamahal. I used to be sweet lady na walang hinangad kundi makitang masaya ang mga mahal ko sa buhay. Kontento na ako sa simpleng buhay sa probinsya basta kasama ko ang pamilya at ang mahal ko. Ang mahal ko na dahilan ng malaking pagbabago sa akin, hindi lang sa buhay ko kundi pati sa pakatao ko.
Napapikit ako nang bigla na namang bumalik sa alaala ko ang mga naganap noon. I was stupid and weak that time kaya nagawa nilang paglaruan ang feelings ko. Nasanay sila na madali akong magpatawad dahil mabilis lumambot ang puso kong tanga. But as they say, people change, and so do I. Sa dami ng pinagdaanan ko, pinilit ko talagang baguhin ang sarili ko and I’m proud to say that I chance for the better.
“Thanks manong,” wika ko sa driver bago ako bumababa.
Nang makaalis ito ay napatingin ako sa pamilyar na lugar kung saan ako lumaki. Isang matamis na ngiti ang siyang sumilay sa aking labi bago ako humakbang. By the way….
“I’am Hanna Fortillo, and finally I’m back,”