Isang masayang pagdiriwang ang nagaganap sa bahay ng pamilya Fortillo sapagkat ngayong araw ang pag uwe ng kanilang panganay na anak na kaytagal na panahong nawalay sa kanila. Naghanda ang pamilya ng ibat ibang putahe ng pagkain na mismong ang ilaw ng tahanan ang siyang nagluto. Halos lahat ng kanilang kaibigan at kapitbahay ay inimbita upang sabay sabay na salubungin ang pagdating ng dalaga.
“Mae nalinis mo na ba ang kwarto ang kwarto ng ate mo?” tanong ni Ginang Fortillo sa bunsong anak na dalagita na abala sa pag lalagay ng mga bulaklak sa bawat lamesang naroon.
“Yes ma, kanina ko pa po ginawa iyon. Wag kana mag alala ma, maayos na ang lahat, si ate na lang ang kulang,” nakangiting wika ng dalagit saka inakbayan ang ina.
Sabay nilang pinagmasdan ang paligid, maayos na nga ang lahat simula sa pagkain na nakahain, mga lamesa at upuan, dekorasyon at maging mga bisita ay naroon na. Nagsisimula na rin ang kantahan at sayawan na nakaugalian na nilang gawin sa tuwing may handaan.
Ito ang pinakamasayang araw para sa mag anak sapagkat matapos ang 10 taon ay makakasama na muli nila ang anak na nasa ibang bansa. Walang mapagsidlan ang saya ng mag anak ng ibalita ng kaibigan nito na uuwe siya sa araw na ito. Natatawa pa sila nang malamang sinekreto pa ng anak ang pag uwe gayong nalaman din nila mula sa madaldal nitong kaibigan. Abot abot naman ang pasasalamat ng pamilya para sa kaibigan ng anak dahil nagkaroon sila ng pagkakataon na makapag handa at masurpresa ang kanilang anak.
Samantala, habang papalapit sa kanilang bakuran ay hindi maiwasan ni Hanna ang magtaka sapagkat halos puno ang bakuran nila ng mga tao. Madaming palamuti ang nakaayos sa paligid at tila may catering pa. Sigurado siya na sa bahay nila ang handaan dahil nakilala niya ang mataas na mansion nila na kanyang pinaayos upang maging bagong muli. Ngunit hindi niya maisip kung anong meron at may nagaganap na kasiyahan.
Nang makapasok sa bakuran ay agad na hinahanap ng paningin ni Hanna ang kanyan pamilya. Una niyang nakita ang kanyang papa na masayang masayang nakikipagkantahan sa mga bisita. Saglit siyang tumigil sa kinatatayuan niya sapagkat aliw na aliw siya habang pinagmamasdan ang amang masayang masaya. Nang tumigil ito sa pagkanta ay nagpalakpakan ang mga naroon kayat napakaway pa ang kanyang ama na hindi mapatid patid ang ngiti sa labi.
Nagulat naman siya nang mapahinto ang ama mula sa pagkaway at magkasalubong ang kanilang mga tingin. Nawala din ang ngiti ni Hanna at napalitan pa ng kaba nang nawala ang masayang awra ng kanyang ama. Pati tuloy ang mga tao ay nanahimik ang nagtinginan sa kanya. Walang nakakibo na tila ba nakakita ng multo.
“Ate!” nagulat si Hanna nang mula sa kung saan ay may tumawag sa kanya at niyakap siya. Nang tingnan niya ito ay napangiti siya nang mapagmasdan ang kapatid na masayang masaya.
“Anak,” Sa wakas ay nakapagsalita na rin ang kanyang ama na kanina pa natahimik.
“Pa, Ma,” nakangiti niyang wika sa mga magulang na noon ay magkahawak kamay ng humahakbang palapit sa kanya habang nag aagusan ang mga luha.
Isang mahigpit na yakap ang tinanggap ni Hanna mula sa kanyang mga magulang. Halos hindi na siya makahinga ng maayos dahil ayaw siyang bitiwan ng mga ito ngunit ayos lang sa kanya dahil masayang masaya naman siya. Hindi niya akalain na ganito kadrama ang magiging tagpo ng pagkikita nilang lahat. Inakala niyang magagawa niyang masiglahin ang sitwasyon upang walang matinding iyakan na magaganap ngunit bigo siya.
Ilang minute din silang nag iyakapan at sa huli ay siya na ang nagsabi na tama na ang pagluha dahil nakakahiya sa mga bisita. Napansin kase niyang nakatingin ang lahat ng mga tao, ang ilan ay naiiyak pa. Ayaw niya ng ganong atensyon sapagkat hindi siya komportable.
“How did you guys knew that Im going home?” tanong ni Hanna nang sabihin ng kaniyang kapatid na para sa kanya ang handaang iyon.
Naroon na sila sa lamesang mahaba at nagsisimula nang kumain. Kanina ay isa isa siyang binate ng mga bisita na ang ilan ay natatandaan pa niya ngunit ang karamihan ay hindi na. Gayun pa man ay pinakitunguhan niya ng maayos ang lahat ng bisitang pinakilala sa kanya ng mga magulang. Ayaw niyang mapahiya nag pamilya niya at wala namang dahilan upang hindi niya pakitaan ng hindi maganda ang mga tao. Sa totoo lang ay masaya si Hanna na makitang muli ang mga tao sa lugar nila. Malapit siya noon sa kahit sino, dahil sa taglay niyang kabaitan ay hindi naging mahirap na magustuhan siya ng mga tao.
“It’s ate Jenny ate, siya ang nagsabi sa amin a day before your flight, muntik pa nga kaming magahol sa pag aayos buti na lang at tumulong ang mga kapitbahay natin,” wika ni Mae na kinasamid ni Hanna.
“That girl, how stupid,” naiiling na wika ni Hanna. Nagulat naman siya nang matahimik ang mga tao sa lamesa nila. Napangiwi siya ng maalala ang sinabi, hindi nga pala sila sanay sa ganon.
“Wag kang magalit sa kaibigan mo anak, nagmagandang loob lang naman ang tao anak,” malumanay na wika ng kanyang mama. Sa lahat ng taong nakilala niya, ito na ata ang pinakamabait at pinakamalumanay, madalang din nya itong makitang magalit.
“Oh sorry po, hindi po ako galit, ganon lang talaga kami mag usap ni Jenny. Pero okay po kami,” nakangiti niyang sabi saka kinakabahang tiningnan ang mga tao. Nang makita niyang napatango at nakangiti na nag mga ito ay nakahinga siya ng maluwag.
Ito ang isa sa ayaw ni Hanna sa mga kababayan niya, konting bagay ay big deal. May masabi kang hindi maganda sa pandinig nila ay bibigyan na nila ng kahulugan. Well actually she doesn’t care kung ano man ang isipin ng mga ito sa kanya ngunit ang inaalala lamang niya ay ang mga magulang. Ayaw niyang bigyan ng kahihiyan at sama ng loo bang mga ito kayat sisikapin niyang pigilin ang kanyang emosyon, specially her patience.
Matapos kumain ay nagpatuloy ang kasiyahan, pagod man ay pinili ni Hanna na makisama ay makisaya sa lahat ng taong naroon. Nais niyang masuklian kahit paano ang paghahandang ginawa ng mga tao para sa kanya. Paminsan minsan ay nakikikanta siya ngunit madalas ay babalik sa upuan upang panuurin ang mga nagsasaya na karamihan ay matatanda.
Mabait naman si Hanna, sa katunayan ay marami siyang kaibigan at nagmamahal sa kanya lalo na noon. Ngunit nagbago ang lahat mula nang lokohin siya at masaktan. Tinurian niyang huwag maging sobrang lapit sa kahit sino upang maiwasang maulit ang sakit na nadama niya noon. Hindi biro ang naging sugat sa puso ni Hanna kayat pinangako niya na hindi na siya magiging mabait ng basta basta upang hindi siya naaabuso.
“Finally, Hanna my dear you’re home!”
Naagaw ang atensyon ni Hanna nang isang Ginang na may kasamang lalaki ang tumawag sa kanya. Kapwa nakangiti ang mga ito kayat napangiti din siya dahil nakilala niya ang mga bagong dating. Isang mahigpit na yakap ang sinalubong ng ginang sa kanya. Hindi napigilan ng ginang na maluha, at ganon din naman si Hanna.
“Mommy Linda,” masayang sambit ni Hanna matapos nilang magbitaw sa pagkakayakap. Hawak niya ang kamay nito habang matamis na nginingitian. Ang ginang ay malapit sa puso ni Hanna sapagkat itinuturing niya itong pangalawang magulang.
“Anak Hanna, we missed you,” wika naman ng asawa nito, ang kanyang daddy Lando. Niyakap din siya nito na agad naman niyang pinagbigyan.
Bata pa lamang ay malapit si Hanna sa mag asawa, anak na ang turing sa kanya sapagkat siya ang anak na babae na inaasam ng mag asawa ngunit hindi pinalad na ibigay. May mga anak ang mga ito ngunit puro lalaki kayat mahal na mahal nila si Hanna. Kaibigan ng mga magulang ni Hanna ang mag asawa kaya naman bata pa lamang ay kilala na niya ito maging ang mga anak nito.
“Pasensya kana iha, galing pa kaming Manila at ang daming inaasikaso doon, late na tuloy kami sa pagwelcome sayo,” wika ng Ginang na nakahawak pa sa kamay ng dalaga.
“It’s okay mommy, kakadating ko lang din po,” magalang namang sagot ni Hanna.
“Ang mabuti pa ay kumain na kayo, tara na doon tayo sa lamesa,” nakangiting wika nang mama ni Hanna na sinang ayunan ng lahat.
Iniwan nila ang ilang bisita na masayang nagkakantahan at nagsasayawan. Nagtungo sila sa mahabang lamesa kung saan nakalaan para sa kanilang pamilya.
“Teka asan na ba yung dalawa?” nagtatakang wika naman ng papa Lando ni Hanna na tumayo pa upang hanapin nag pakay.
“Oh Jake ang tagal nyo naman, asan sila kuya mo?” tanong ng papa Lando ni Hanna sa binatang kadarating lang.
“Dad, sorry si kuya kase nag alis pa ng kaba, iniwan ko na nga sila ni Kuya Henry,” sagot naman nung Jake na agad tumabi kay Mae at ngumiti. Napakamot na lamang sa ulo ang ama habang hinihintay ang isa pa niyang anak na lalaki.
Sa kalagitnaan ng masayang kasiyahan, dumating na ang dalawang binata na hindi man lang nila napansin. Nagulat pa si Jake at Mae nang tumabi sa kanila si ang binata na malapad ang ngiti sa labi.
“Kuya Henry, si kuya?”tanong ni Jake sa kaibigan ng kanyang kuya. Agad naman nitong tinuro ang binatang naglalakad palapit sa kanila. Napakunot noo pa ang tatlo nang mapagmasdan ang itsura nito. Bakas ang kaba at takot habang nakatingin lamang ng deretcho sa dalagang si Hanna.
Madali namang napansin ng lahat nag pagdating ng binata kaya naman maging si Hanna ay napatingin.
“Hi, thanks God finally you’re home,” wika ng binata nang makalapit ito. Isang matamis na ngiti ang sumilay sa labi ni Hanna saka ito tumayo. Lumapit ito sa binata at niyakap ngunit isang salita ang nagpatindig sa balahibo ng binata.
“Yeah, finally I’m here my cheater ex!”