bc

Greatest Mistake (Book 2 of Zaina Jhin Trilogy)

book_age12+
2.1K
FOLLOW
11.6K
READ
love-triangle
family
playboy
drama
sweet
bxg
heavy
ambitious
cheating
sacrifice
like
intro-logo
Blurb

Paano magmomove on sa isang relasyong alam niyong hindi man lang natuldukan. Mahirap ang umasa sa isang taong hindi natin alam kung babalik pa ba. Mahirap mag mahal ng isang taong puno ng lihim at mahirap iparamdam ang pagmamahal kung sasamahan ito ng paglilihim. Mahirap magmahal kung durog at pagod ang iyong puso.

Isa lamang naman ang nais ni Zaina Jhin ang mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya kayat palagi niyang pinapaikot ang mundo niya sa mga taong mahal niya. Labis siya kung magmahal, bigay lahat lahat, ubos kung ubos. Hindi siya nagtitira para sa sarili kayat kung masaktan ay sobrang lalim.

Mula pagkabata ay tanging mahalin at manatili sa tabi ng babaeng minamahal ang tanging nais ni Jude Maikko. Handa siyang maghintay alang alang sa sinumpaang pagmamahalan at pangakong pilit pinaniniwalan.

Pag ibig, isang makapangyarihang tunay, kaya kang pasayahin sa isang iglap lamang. Subalit ang pag ibig din minsan ang siyang maghahatid patungo sa mga pagkakamali.

Dalawang taong pilit sinusubok ng tadhana. Sino ang bibitaw, sino ang kakapit?

chap-preview
Free preview
KABANATA I
Zaina Jhin “Ina, anak kumusta ang pag eenrol mo?” Napatingin ako sa pinto ng kawarto nang marinig ko ang boses ng aking nanay. Nakangiti ito mula doon ngunit hindi maitatago ng kanyang simpleng ngiti ang lungkot na nagmumula sa kanyang mga mata. Nakita kong lumapit ito sa akin at saka naupo sa tabi ko. “Okay naman po Nay, maayos naman po akong nakapag enrol,” nakangiti kong sagot pagkatapos ay pinagpatuloy ko ang ginagawa kong pag aayos ng mga gamit ko. Kasalukuyan akong nag aayos ng mga luma kong gamit sapagkat gusto kong itapon ang mga luma at hindi na magagamit. “Ang school nyo anak, kumusta maganda ba?” tanong muli ni nanay saka ako tinulungan sa pagliligpit. “Opo nay maganda po at malaki din po,” sagot ko na kinatango ni nanay. “Ikaw anak kumusta ka?” Napatigil ako sa ginagawa ko at napatitig sa mga mata ni nanay. Ang lungkot na nakita ko kanina ay tila nadagdagan at hindi na iyon kaya pang itago. Gusto kong sabihin kay nanay na nalulungkot ako ngunit kapag ginawa ko yun pakiramdam ko ay lalo ko lamang dinagdagan ang dinadalang bigat ng kanyang dibdib. Saglit akong ngumiti sa kanya saka nag wika. “Ayos lang po ako Nay, masaya po ako sa nalalapit na pasukan,” wika ko na bahagya niyang kinangiti. “Anak pasensya kana,” wika niya na siyang nagpakabog ng dibdib ko. Gusto ko sanang iwasan ang ganitong usapin ngunit bakit pilit binubuksan ni Nanay. Gusto ko sanang itago ang totoo kong nararamdaman at magpakatatag upang muling magpatuloy. “Ina, alam kong masama ang loob mo sa pag babalik natin dito sa Maynila,” simula niya na agad kong inilingan. “Nay isang taon na po ang nakalipas, nakagraduate nako ng elementarya. Maayos na po ako,” sagot ko na pinipilit pasayahin ang boses ko kahit pa ang totoo ay nais kong umiyak dahil sa totoo lang hanggang ngayon ay masama parin ang loob ko. “Isang taon na nga ang nakalipas, pero ramdam kong nandyan parin sa puso mo ang lungkot,” wika niya na hindi ko na lamang sinagot at pinagpatuloy ang ginagawa kong pag aayos ng gamit ko. “Patawarin mo kami anak, hindi natupad ang pangarap mong makagraduate ng valedictorian. Nawalay ka pa kay tatang, alam kong masakit sayo lalo pat kamamatay lang noon ni Inang,” pahayag ni nanay at hindi ko na naiwasan ang maluha. Agad kong binaling ang tingin sa kaliwa ko upang hindi makita ni nanay ang pagtulo ng mga luha ko. Muli ko na namang naalala si Tatang, kumusta na kaya siya? Wala na si Inang at tulad ko ay nalulungkot din iyon. Si Inang, missed na missed ko na siya, gusto ko siyang yakapin pero hindi na maaari. “Tapos na po iyon Nay, tanggap ko na po na hindi ako naging valedictorian,” wika ko at bahagyang tumalikod sapagkat hindi ko mapigil ang mga luha ko. “Kung hindi lang sana ako nagkasakit, hindi sana tayo aalis doon. Makaka-graduate ka sana ng valedictorian at makukuha ang scholarship na matagal mo nang gusto,” wika niya at kumirot ang dibdib ko ng marinig ko ang mahinang pagsinghot ni Nanay, hudyat na umiiyak na rin siya. Pinahid ko ang mga luha ko at nakangiting humarap kay nanay saka ko hinawakan ang kamay niya. “Makakapag aral pa naman po ako, ang importante ay ligtas na po kayo ngayon,” sagot ko na habang pinupunasan ang mga luha niya. “Salamat anak, salamat sa pang unawa mo,” nakangiting sagot ni nanay, ngunit agad din niyang dinugtungan ng salitang hindi ko inaasahan. “Pero Ina, paano si JM?” Napatigilan ako sa muling katanungan ni nanay, hindi ako agad nakapagsalita sapagkat wala akong maapuhap na salita. Napatitig ako sa mga mata niya at sa isang iglap ay naramdaman ko ang pag init ng mga mata ko. Muli na namang nagbabadya ang mga luha ko. Isang pangalan pero heto ang epekto sa sakin. “Patawad anak, nagkalayo kayo ni JM. Alam kong mahalaga sa inyo ang isat isa. Bata pa lamang kayo ay magkasama na kayo sa hirap at ginhawa,” sambit ni nanay na tuluyang nagpaagos sa mga luha ko. Ito ang isa sa mga iniiwasan ko ang maalala ang mga alaala ng kahapon ko. Tumingin ako kay Nanay at tahimik na lumuha habang isa isang bumabalik sa akin ang mga nangyari. Mula nang umalis kami ay araw araw akong nalulungkot at walang araw na hindi umiiyak dahil namimissed ko si Inang, Tatang at ang lalaking tinatangi ng puso ko, si Jude Maikko. Isang taon na ang nakalipas pero sariwa parin sa akin ang lungkot sa mga mata ni Tatang noong paalis na kami. Ang kirot sa puso ko dahil wala na si Inang, at ang sakit sa puso ko nang sabihin ni Mitch ang pinagdaanang sakit ni JM noong umalis ako. Napapikit ako nang tila nakikita ko ang bawat pagpatak ng luha ni JM habang hinahanap ako sa bahay namin. Akala ko noon ay hanggang bakasyon lamang kami dito sa Maynila kayat sobra akong nagulat nang magdesisyon sila nanay na hindi na bumalik sa probinsya. Naintindihan ko naman ang dahilan dahil para din iyon kay Nanay ngunit hindi ko talaga maiwasang hindi masaktan sapagkat abot kamay ko na sana ang scholarship na pinapangarap ko ngunit nawala pa. Wala na akong nagawa kundi ang tanggapin ang lahat. Sinikap kong pagbutihin ang pag aaral ko ng grade 6 subalit ano pang saysay non gayong hindi rin naman ako magiging valedictorian. Nawalan ako ng ganang mag aral mabuti na lamang at nakasama parin ako sa top10 at naging top 5. Sa nagdaang mga buwan ay sinikap kong magpakatatag, hindi naging madali para sa akin subalit pinilit kong kayanin para sa pamilya ko. Palagi kong inaalala ang mga masasayang alaala namin nila Inang at Tatang kayat nagagawa ko parin ngumiti. Nasisiyahan din ang puso ko sa tuwing naalala ko ang palaging pananatili ni JM sa tabi ko sa tuwing umiiyak ako, sa tuwing masaya ako palagi siyang naroon. “Anak pasensya kana, sana mapatawad mo kami,” Nagbalik ako sa readlidad ng mahigpit akong niyakap ni Nanay. Umiiyak na pala ako ng sobra at pakiramdam ko ay hindi ko na kaya pang itago ito. Yumakap ako sa kanya at doon ay binuhos ang sakit na nararamdaman ko.Hindi ko kailangang magsalita, sapagkat sapat na ang mga luha kong ayaw tumigil para ipakita kung gaano ako nasasaktan. “Patawarin mo din sana ang Tatay mo, mahal ka niya Ina.” Kumalas ako sa pagkakayakap ko kay Nanay at pinunasan ang mga luha ko saka ako tumingin ng deretcho sa mga mata niya. “Patawad din Nay, pero masakit ang mga binitawang salita ni Tatay noon, gustuhin ko mang bumalik sa dati ang samahan namin hindi ko po magawa. Hindi ko magawang hindi masaktan sa tuwing sinisigaw sa isip ko na hindi niya ako anak,” sambit ko na nagpaluha kay Nanay. Nakatingin lamang ako sa kanya habang umiiyak siya at nakayuko. Totoo iyon, gusto ko sanang bumalik kami sa dati kahit pa ramdam ko naman noon pa na iba nag pakikitungo sa akin ni tatay. Subalit sa tuwi tuwina ay bumabalik sa akin ang tagpong iyon. Napakasakit ang sabihin ng iyong ama na hindi kita mahal dahil hindi kita anak. “Anak ka niya Ina, magulo lamang ang isip ng tatay mo noon dahil namatay si inang,” sambit ni nanay at na pilit kong inilingan. “Hindi po Nay, magulo man ang isip ni tatay kaya niya nasabi iyon, pero paano mo po ipapaliwanag ang pagpaparamdam niya sa akin na wala akong halaga?” Sa sinabi ko ay si Nanay naman ang nawalan ng masasabi. Sinamantala ko iyon upang tumayo at puntahan ang ilang gamit ko sa bandang sulok ng kwarto namin. “Nay huwag na po nating pag usapan. Madami pa po akong tatapusin pasukan na next week,” wika ko na tinanguan ni nanay. Tumayo ito at saglit na tumingin sa akin bago tahimik na lumabas ng kwarto.Agad ko iyong sinara at pinilit na ihakbang ang mga paa ko.Pakiramdam ko ay ang bigat non at tila nanghihina pa ako. Nagawa kong lumapit sa mga gamit ko. Doon ay nakita ko ang mga pictures ko tuwing recognition. Dapat ay masaya ako doon subalit muli lamang tumulo ang luha ko ng isa man sa pictures ay hindi ako sinamahan ni tatay. Nagkamit ako ng pinaka mataas na karangalan subalit ang sarili kong ama ay hindi man lang ako nagawang samahan sa pagsuot ng medalyang bunga ng pagsisikap ko. Binuksan ko ang luma kong wallet saka ko inilabas mula doon ang picture ni Inang at Tatang. Napangiti ako ng makita ang mga ngiti sa labi nila. Kuha iyon noong birthday ni Inang, palagi kaming masaya sa tuwing nagse-celebrate kami. Subalit ngayon ay hindi na kami makakapag celebrate dahil wala na si inang. Mabilis na umagos ang luha ko, mahigpit kong niyakap ang litrato ng Inang at Tatang ko. “Inang, bakit hindi ako magawang mahalin ni Tatay, totoo kayang hindi niya ako anak?” umiiyak kong sambit na tila kausap ang yumao kong inang. “Kung sana lang ay nandito po kayo, sana ay kasama ko kayo,” muli kong sambit. Napahawak ako sa dibdib ko nang naramdaman ang muling kirot mula doon.Muli na namang bumabalik ang sakit sa puso ko. Ang bawat sama ng loob na naiipon dito at pilit na nadadagdagan sa bawat araw. Hindi ko alam kung anong kasalanan ko bakit nangyayari sa akin ito? Bakit ba lahat ng mahal ko ay inilalayo sa akin? Napatingin ako sa box na nabuksan nang ilabas ko ang mga gamit ko kanina. Bahagya itong nabuksan at lumabas ang ilang papel mula doon. Napahawak ako sa suot kong singsing at naalala ang nagbigay nito. Isang taon na ang nakalipas ngunit isa mang sulat ay wala akong natanggap galing sa kanya. Araw araw ay umaasa akong sasagot siya sa mga sulat ko. Subalit nakailang sulat na ako ay wala man lang akong natanggap na sagot mula sa kanya. Hindi ko maiwasang magtampo sa tuwing isiping pati siya ay wala ng pakialam sa akin. Nais ko lamang namang humingi ng tawad sa kanya at sana ay mapatawad niya ako sa pag iwan ko sa kanya. Masama bang naisin kong malaman ang kalagayan niya doon. “Nag aalala na ako sayo, at namimissed na rin kita Jude Maikko, ang JM ko,” bulong ko at muli ay tumulo ang luha sa mga mata ko. Hindi ko ito pinunasan at hinayaang tuluyang dumaloy sa pisngi ko. Nais ko sanang palayain ang bawat sakit sa puso ko, hindi ko nais na magtagal at maniraan sila dito sapagkat natatakot akong lamunin ako ng lungkot. Nagpunas ako ng luha at saka kinuha ang bag kong naroon malapit sa akin. Inilabas ko ang papel at ballpen ko. Huminga ako ng malalim saka nagsimulang magsulat.Kapag nalulungkot at naalala ko si JM ay nagsusulat ako at doon sinasabi ko ang mga nais ko sananng sabihin sa kanya Jude Maikko, Namimissed na kita sobra. Alam mo bang umiiyak ako ngayon, kase wala ka sa tabi ko. Umiiyak na naman ako kase masama ang loob ko sa Tatay ko. Sana nandito ka ngayon sa tabi ko at nakakasama ka. JM patawarin mo ako, sana mapatawad mo ko. Hindi ko gustong iwan ka, maniwala ka. Sana ay mag iingat ka palagi dyan, sana ay sabay parin nating abutin ang mga pangarap natin kahit hindi na tayo magkasasama. Sana malaman mong kahit wala ako sa tabi mo, ikaw parin ang nasa isip ko at maging sa puso ko. Zaina Jhin Gaya ng dati ay tinupi ko iyon at isinama sa box na pinaglalagyan ng mga sulat ko para kay JM. Hindi ko na iyon pinapadala at iniipon nalang, umaasang isang araw ay mababasa din niya. Nagpunas na ako ng luha at tumayo upang simulan na muli ang pag aayos ng mga gamit ko. Itinapon ko na ang mga hindi ko na magagamit at itinabi at tinago ang mga mahalaga sa akin. Mga bagay na malapit sa puso ko at mananatili dito ano man ang mangyari. Bago ko isara ang malaking box ng gamit ko, saglit kong tiningnan ang singsing na hawak ko. Napangiti ako habang hinahaplos ito, muling bumalik sa akin ang alaala kung saan sinusuot iyon sa akin ni JM.Hindi ko iyon makakalimutan, at ang singsing na ito ay mananatiling pinaka importante sa puso ko. Napabuntong hininga ako at saglit na nag isip. Kanina ay nakapagpasya na ako, hindi maaaring palagi akong ganito. Masakit man ay dahan dahan kong tinanggal ang singsing mula sa kamay ko. Nakapagpasya na ako, itatabi ko na muna ito, at ang mga gamit na may ugnayan kay JM. Itatabi ko iyon para hindi ko siya palaging maalala at maiwasan ang pagkalungkot ko. Itatabi ko iyon subalit hindi ibig sabihin ay kakalimutan ko na siya. “Mag iingat ka palagi JM,” bulong ko bago tuluyang isara ang box ng alaala ng kahapon ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.2K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.2K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook