Chapter 16

1666 Words
Chapter 16 ~Migs~ “Migs?” gulat na tanong ni Cheska ng marealize na may sumasagot sa mga tanong niya at nagmumula ito sa likod niya Haharap sana siya upang kumpirmahin subalit inunahan ko na siya.Niyakap ko siya mula sa kanyang likod. “Bumalik ako kaso wala kana.” Wika ko “Migs? Ikaw bayan?” ramdam ko ang kaba sa kanyang boses.Ramdam ko rin ang lungkot at pighati na dinanas ng babaeng mahal ko. “I Missed you too.” Wika ko at hinigpitan pa lalo ang yakap sa kanya. Sobrang namis ko ang mahal ko.Labis akong nagdusa sa mga panahong hindi kami magkasama.Kung maaari nga lang ay sana hindi na ako umalis upang nagkasama na kami kaagad. Wala akong narinig mula kay Cheska sa halip ay kumalas ito sa yakap ko at humarap sa akin.Kitang kita ko ang pagsinghap niya ng matitigan ako.Magkahalong gulat at tuwa ang nakikita ko sa mga mata niya.Nanginginig na hinaplos niya ang mga muka ko na tila sabik na sabik na makita ito. Ako man ay nasasabik na pagmasdan ang magandang muka ng babaeng tinatangi ng puso ko. “Migs.” Iyon lamang ang tanging nasambit niya at pagkatapos ay mahigpit akong niyakap “Im sorry, kung nawala ako at hindi ko natupad ang pangako ko sayong hindi na kita iiwan.Im sorry kung hindi ako nakabalik agad.”panimula ko habang nakayakap sa kanya Wala siyang nagging sagot sa mga pahayag ko subalit rinig na rinig ko ang bawat hikbi niya sa tuwing magsasalita ako. “Im Sorry,sinubukan kitang hanapin pero hindi kita nagawang puntahan, patawarin mo ko, kinailangan kong pumunta sa states upang magpagaling. “Anong ibig mong sabihin?”Anong states?” takang tanong niya matapos bumitaw sa pagkakayakap sa akin.Naguguluhang tingin ang ibinigay niya sa akin. “Nung time na nawala ako yun ang time na nagising ako from coma.” Pagpapaliwanag ko “Coma?? As in comatose?” “Oo.” “Sandali naguguluhan ako, nagising ka, comatose. So ibig sabihin hindi ka pa pala patay?” tanong niya “Oo nung nacoma ako naglakbay lang ang kaluluwa ko at yon ang time na magkasama tayo.At nung panahong nawala naman ako ng tuluyan yun ang araw na bumalik na ko sa katawan ko at nagising na ako.” Pagpapaliwanag ko “So ngayon, hindi ka na isang multo, buhay kana? Tama ba ako?” naiiyak niyang tanong Pinunasan ko ang kanyang mga luha.Naiinis ako sa sarili ko,labis siyang nasasaktan at kasalanan ko iyon. “Oo Cheska, buhay ako, hindi na isang multo ang kaharap mo ngayon,kundi isang buhay, at kahit kailan ay hindi na kita iiwan,” nakangiti kong pahayag sa kabila ng pagluha “Thanks God.” Bulong niya at mariing pumikit “Pero bakit ang tagal mong bumalik,malalaba ang nangyari sayo at matagal kang nagpagaling?” “Two months akong nacoma, at nung nagising ako ay hindi kita maalala.Pero sa tuwing pipikit ako ay nakikita ko ang muka mo.” Pahayag ko habang hinaplos ang maganda niyang muka “Kung ganon nakalimutan mo pala kung sino ako.” Nakasimangot niyang sambit na nagpangiti sa akin. “Oo tama ka, nung una ay naiinis pa ko dahil palagi kitang nakikita sa panaginip ko at palagi ko rin nakikita ang mga alaala na magkasama tayo.Pero kahit anong isip ko hindi ko talaga maalala kung sino ka at bakit may alaala akong kasama ka.Naisip ko na ba nanaginip lamang ako habang  natulog ako ng matagal.”paliwanag ko pero lalo lamang siyang sumimangot “Oh tapos?” “After 2 weeks lumabas nako sa hospital pero wala parin hindi ko parin malaman kung sino ka.Siguro mga two months bago ko malaman kung sino ka nga.” “Tagal naman, buti naalala mo pa ko.” Muli ay nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata “Oo,thanks to those voices that I heard.” “Boses ?Anong ibig mong sabihin?” “One time nasa mall kami, may babae akong naririnig na tumatawag sa Migs.Sobrang pamilyar nung boses kaya ayon hindi ko na nakalimutan yon then I realized na isang Cheska ang may ari non.I don’t know kung paanong nangyari na narinig ko ang boses mo, maybe guni guni ko lang dahil pilit kitang inaalala.” Sagot ko na biglang nagpaluha sa kanya “Kung ganon ikaw nga yon.” Sambit niya “ha?” “One day I saw you in the car tahimik ka lang at tila nag iisip, napakaseryoso ng muka mo.” Saglit akong nag isip at bigla kong naalala yung araw na lumabas nako ng hospital. “Baka yun yung time na nakalabas nako sa hospital.” “Siguro nga, at tama ako ikaw din yon sa mall na nakita ko at pilit kong hinabol.” Sa pagkakataon iyon ay ako naman ang nagulat. “You mean hindi guni guni ang narinig ko.Ikaw nga yong tumatawag sa Migs?” “Oo siraulo ka, ako nga yon dinedma mo lang.” “Sorry hindi ko pa naman naaalala ang lahat non, kaya hindi ko rin alam na ako yung Migs na tinatawag mo.” “Pero teka naalala mo na pala ako bakit hindi ko mo ko binalikan sa villa?Simula nung nakita kita every weekend ay bumabalik ako sa villa at nagbabakasakaling bumalik kana.”muling nalungkot ang kanyang mga mata. “After 6 weeks ay naalala na nga kita, bumalik ako sa villa pero wala kana don.I decided to find you in Manila pero nagdecide din si mommy na pumunta kami ng States para tuluyan akong gumaling.Para na rin kalimutan ang trahedyang nangyare sa pamilya naming, namatay kase sa aksidente ang daddy ko.”Muli ay nakaramdam ako ng kirot ng maalalang wala na ang daddy ko. Nang dahil sa aksidente ay nasira ang masaya kong pamilya.Nalaman kong halos madepressed ang mommy ng malamang patay na si daddy habang ako naman ay nacomatose.Kung hindi ako nagising ay baka natuluyan ng nasira ang buhay ng mommy ko.Kaming dalawa na lamang kayat ng hilingin niyang umalis kami ng bansa kahit masakit sakin na iwan si Cheska ay pinili kong pagbigyan ang mommy ko.Kapalit ang pangungulila ko sa babaeng mahal ko at pag aalala sa kanya.Subalit sa tingin ko ay labis na nasaktan si Cheska,iniwan kong syang nag iisa na maraming katanungan. “Condolence.”Bulong ni cheska matapos hawakan ang kamay ko. “Patawarin mo ako,iniwan kita ng matagal.Pero bago ako umalis ay naghired ako ng investigador para hanapin ka.After a month nahanap kana,nasa states naman nako non.Binalak kong tawagan ka kaso siguradong hindi ka maniniwala at baka tarayan mo lang ako, malamang iisipin mong ginagago lang kita.” “Bakit mo naman nasabi?” “Saan ka naman nakakita ng multo na nakakatawag at nasa ibang bansa pa.” Napangiwi si Cheska sa sinabi ko.Kahit ako ay hindi maniniwala kung mangyare sakin iyon. “Eh bakit ba nag tagal mong umuwe, masyado ka naman atang nag enjoy don.” “Madami kaseng magaganda don.” Sagot ko na kinainis niya. “Edi sana hindi kana bumalik.” Masama ang tingin niyang wika sa akin.Ang ganda niya talaga lalo kapag nagtataray. “Sungit mo naman,wag ka magselos wala naman akong pinansin isa man sa mga iyon,ikaw lang naman ang lagi kong naiisip habang andon ako.Pinagbigyan ko lang si Mommy na magstay pa kami.” “Hindi ako nagseselos ang kapal mo.”pagtataray nyang muli.Nag lakad siya papaunta sa ilalim ng puno at doon naupo.Natawa na lamang ako sa reaksyon niya.Sinundan ko siya at naupo sa tabi niya. “Teka nga,paano mo nalaman na andito ako.” Tanong pa niya “Pag kadating na pagkadating ko kanina nagpunta agad ako sa address niyo sa Manila, kaso hindi kita inabutan nakaalis kana daw papunta ditto.Kaya sinundan kita agad ditto.” “So you mean ngayon ka palang umuwe galing States?” “Oo at ikaw agad ang pinuntahan ko.” Wika ko habang nakatingin sa mga mata niya, kita ko ang tuwa doon subalit ayaw niyang ipahalata. “Pero kinalimutan mo parin ako at tagal bago mo ko naalala.”pagmamaktol parin niya. Hinawakan ko ang kamay niya na hindi naman niya pinagkait. “Sorry na, kahit naman nakalimutan ka ng isip ko hindi ka naman kailanman kakalimutan ng puso ko.”seryoso kong wika sa kanya na nagpagulat sa maganda niyang muka “Mahal kita noon pa man.” Kita ko ang pagkabigla sa kanya subalit sandal lamang iyon.Wala akong narinig na kahit anong tugon mula sa kanya sa halip ay isang mabilis na halik ang ginawad niya sa aking mga labi.Kapwa kami nagulat sa ginawa niya subalit nagpasaya iyon sa aking puso. “Sabi na nga ba mahal mo rin ako, aminin mo noon pang multo pa lamang ako.” Nakangiti kong tanong sa kanya.Kitang kita ko ang pag pula ng kanyang pisngi sa labis na hiya “Oo na mahal din kita, at oo noon pa,mahal kita kahit multo ka.”nahihiya niyang amin.Lalo akong napangiti dahil sa sinabi niya, kayat niyakap ko siya ng mahigpit.Mahal niya ako, mahal ako ng babaeng matagal ko ng pinapangarap. “Im sorry ang tagal bago kita nabalikan,malamang iyak ka ng iyak, iyakin ka pa naman.” Biro ko dahilan upang hampasin niya ako sa balikat.Ang lakas talaga humampas ng babaeng ito,pero kahit ganon mahal na mahal ko to. “Yabang mo, sino ka ba sa akala mo para iyakan ko?” “Ayaw pang umamin, hinalikan mo na nga ako.” Natahimik siya at sa tingin ko ay lalong nahiya sapagkat pulang pula na ngayon ang kanyang mga pisngi. “That was our first kiss.” Sambit niya “No baby that was our third kiss… and this is our forth.” Wika ko pagkatapos ay ako naman ang humalik sa kanyang mga labi, namis ko ito sobra. Saglit lamang ang pagkagulat niya pero hindi nagtagal ay naramdaman ko ng tumutugon na siya sa mga halik ko.Libo libong kiliti at tuwa ang bumabalot sa aking puso ng mga oras na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD