“Aray ang sakit.” Daing ng isang binatilyo habang tumatayo sa pag kakasaldak mula sa bato.Naroon siya sa labas ng isang making bahay. “ Ang sasama naman ng mga tao dito,mga suplado ,mga hindi namamansin para magtatanong lang eh.Balak pa kong banggain, eto tuloy at nasaldak ako dito kakaiwas sa inyo hindi nyo ba ko nakikita ha?” muli ay hinaing niya.
Tumayo na siya at hihimas himas sa kanyang pwet habang naglalakad palayo sa bahay na iyon.Habang naglalakad ay patuloy sa paghahanap ng bahay nila.Ilang araw na siyang palakad lakad upang hanapin ang tahanan niya subalit hindi parin niya ito matagpuan.
Ang totoo niyan ay hindi niya matandaan kung saan siya nakatira.Sa kanyang paglalakad ay nakarating siya sa isang malaking mansion.Namangha siya sa ganda nito kaya pumasok siya at naglibot libot.Enjoy na enjoy ang binatilyong ito sa paglilibot sa mansion ng biglang may narinig niyang pag uusap.
“Iha halika pumasok na tayo sa loob.” Narinig niyang wika ng isang Ginang sa isang babae.
Namangha naman ang binata sa ganda ng babaeng kanyang nakita na noon ay tahimik na pinagmamasdan ang mansion habang mababakas sa magagandang mata nito ang lungkot.
“Wow ang ganda, sino kaya sya ?” wika niya habang papalapit sa dalaga.
“Hi miss, anong pangalan? Ako nga pala si …..” saglit siyang nag isip ngunit napailing at mapait na ngumiti. “Sorry hindi ko alam ang pangalan ko eh.”
Nakalahad pa ang kamay ng binata sa babaeng kinakausap subalit sa halip na pansinin ay nanatili lamang itong nakatayo at nakatingin sa malaking bahay na nasa harapan nila.
“Hey miss okay ka lang?” tanong niyang muli
Kinumpas kumpas pa niya ang kamay sa harap ng muka ng babae subalit wala itong reaksyon na tila hindi siya nakikita.Labis ang pagtataka niya kaya kinausap niya ito ng kinausap.Ilang sandal pa ay umalis na ang babae.Hinawakan niya ito upang pigilan subalit laking gulat niya ng hindi niya ito nahawakan.Inulit niyang hawakan ang babae subalit muli ay hindi niya ito nahawakan at sa halip ay lumusot ang kamay niya sa katawan nito.
Naiwang tulala ang binata at hindi makapaniwala sa natuklasan.Pilit niyang inisip kung ano maaaring dahilan at labis ang kanyang panlulumo ng marealize na maaaring patay na siya at isa na lamang multo. Sinubukan pa niyang ipikit ng madiin ang mga mata sa pagbabakasakaling panaginip lamang ang lahat. Patuloy sya sa kanyang pag iisip kung paanong nangyari ang kanyang natuklasan sa kanyang sarili.Subalit tila dinudurog na ang kanyang ulo subalit wala parin niyang makuhang sagot. Wala siyang maalala tungkol sa kanyang pagkatao at kung ano ang mga naganap sa kaniyang buhay. Nagulat pa siya ng may luhang tumulo sa kanyang mga mata, hindi na niya alam kung ano ang mararamdaman ng mga oras na iyon.
Nang walang makuhang sagot mula sa pag iisip ay tumalikod na at nagpasya na siyang aalis na sana.Lalabas na sana siya ng mansion ng maisip na huwag na muna at sa halip at nagtungo siya sa hardin at doon ay tinanaw na lamang ang babae papasok sa mansion.
“Sayang multo na pala ko, gusto pa naman sana kitang makilala.” Malungkot niyang sambit.Habang pinagmamasdan niya ang babae ay nagulat siya ng bigla itong huminto at lumingon sa kanya.He was so sure that the girl did’nt see him cause he’s a ghost but he was so sure too the girl was looking at his direction as if she is finding someone or something.The girl look at his direction for a few minutes then continue walking.Before she finally came in the house she take a look once again to him.
“Hindi niya ako nakikita pero nararamdaman niya ako.” Bigla na lamang nasambit ng bintang multo
Napaisip pang muli ang binata at ilang sandal pa ay napangiti ito at tila nabuhayan ng loob
“Kung talagang ghost na nga ako at nararamdaman niya ako, posible na makita niya ako.Pag nangyari iyon maaari ko na syang makausap.”
Halos mapatalon pa ang multong binata dahil sa naisip kaya sa halip na umalis ay pumasok pa siya sa mansion at sumunod sunod sa babae.
………………………….
Ang babaeng tinutukoy ng binatang multo ay si Cheska.Nang oras na pumasok ang multo sa mansion ay ang oras na pagdating ni Cheska ang yaya Celia.Siya ang babaeng nakita ng multong ito habang kinakausap ni yaya Celia.
Tuluyan nangang sumunod kay Cheska ang binatang multo sa loob ng mansion at bawat kilos niya at nakikita nito.Bahagya siyang nagtaka ng pagmasdan mabuti ni Cheska ang loob ng mansion.
“Ang cute mong ngumiti.” Wika niya habang pinagmamasdan si Cheska “Ngunit bakit parang may pain sa mga mata mo?”
Hindi malaman ng binatang multo kung ano ang ibig sabihin ng damdaming iyon ni Cheska.Subalit hindi man malinaw sa kanya ang pinagdadaanan nito tila iyon naman ang nagtulak sa kanya upang lalong kilalanin si Cheska.Saan man pumunta ang dalagita ay nakasunod ang multong ito, at hanggang sa makarating sila sa isang kwarto.
Naaliw siyang pagmasdan si Cheska habang nakahiga ito ng padapa sa kama at saglit na pumikit.
“Para ka namang manika, ang ganda ng mga mata mo.” Nakangiti niyang sambit habang hinahawakan ang pilik mata ng nakahigang dalaga na hindi naman niya magawa.
Nanatiling nakdapa si Cheska sa kama habang nakaupo namn ang multo sa tabi niya at ginagalaw galaw ng daliri nito ang pilik mata niya.Dahil doon hindi nakaligtas sa paningin ng multo ang dagling pagngiti ni Cheska pati na rin ang mabilis na pagpatak ng mga luha nito
“Cheska pala ang pangalan mo, ang ganda kasing ganda ng mga ngiti mo.Pero nakikita kong may lungkot sa puso mo.” Pahayag ng multo
“Sana wag mong piliting itago ang sakit ,dahil lalo ka lang masasaktan.” Dagdag pa nito “Hayaan mo simula sa araw na ito kahit multo lang ako aalagaan kita at laging babantayan.
Isang tungkulin ang inatang ng binatilyong multo sa kanyang sarili matapos makita ang tunay na pinagdadaanan ng dalaga.Kahit may limitasyon ang kaya niyang gawin dahil sa pagiging multo ay pinangako niya sa sarili na gagawa siya ng paraan upang pangalagaan at paligayahin si Cheska.
Kinabukasan tulad ng kanyang pasya ay hindi nga niya iniwan si Cheska.Nakangiti pa siya na tila aliw na aliw habang minamasdan ang natutulog na si Cheska. Maya maya ay nagising na rin ito at muli ay may ngiti sa labi ng lumabas sa kwarto.
“Good morning beauty.” Masiglang bati ni Multo
Sinundan niya ito hanggang sa kusina at pinanuod pang kumain.Nang matapos itong kumain ay nagtungo ito sa banyo at muli ay kasunod na naman si multo.
“Hoy anong gagawin mo, hala bata ako bawal yan!” sigaw niya ng maghubad ng damit si Cheska
“Ano bang gagawin mo ha beauty?” tanong pa niya matapos tumalikod
Magsasalita pa sana siya ng biglang binuksan ni Cheska ang shower kaya noon niya narealize na maliligo ito.
“Maliligo ka pala hindi ka man lang nagbibigay ng signal, sige aalis nako.”
Tinakpan pa niya ang mga mata ng kamay niya habang umaalis, subalit nakabuka naman ang mga daliri nito. Hindi na muna niya sinamahan si Cheska at naghintay na lamang sa labas.Hindi naman nagtagal ay lumabas na rin ito.
“Witwit.” Sipol ng makulit na multo kay Cheska ng makita ito “Wow sexy mo naman Beauty.” Wika pa niya habang sinusundan si Cheska
Pagtuloy sa pagsipol si multo kay Cheska habang patuloy niya rin itong sinusundan.Sadyang may pagkapilyo itong multong ito at inakbayan pa talaga ang dalaga habang hinihintay ang kabayo.Buti na lamang at multo na siya kaya kahit akbayan at hawakan niya si Cheska ay baliwala rin dahil lumulusot lang siya.
Samantala wala paring kamalay malay si Cheska na may multong nagbabantay sa kanya.Hindi lang basta multo, sapagkat isa itong multong walang pangalan, pilyo at makulit.Nagtungo si Cheska sa buong villa sakay ang alagang kabayo na si Kiko habang nanatiling nakasunod ang makulit.Natutuwa pa ito ng malamang may kakayahan siyang lumutang.
“Sarap maging multo, nakakapunta kahit saan ah.” Sambit niya habang patuloy sa paglutang at sinasabayan ang kabayo ni Cheska. “Kaso hindi naman kita mahawan.” Biglang nalungkot na wika pa niya.Hindi pa nakontento ay sumimangot at umarteng nagmamaktol.Pero maya maya naman ay biglang nagging masigla at pumunta pa ito sa
May payuko yuko pang nalalaman ang makulit na multo na tila lungkot na lungkot talaga.Hindi pa nakontento ay sumimangot at umarteng nagmamaktol.Pero maya maya naman ay biglang naging maigla at pumunta pa ito sa harap mismo ni Cheska.
“Pero alam mo kahit hindi kita nahahawakan okay lang, kuntento na ko na nakikita kita.Sa kagandahan mo palang solve na ko eh.” Nangingiting sambit nito habang nananatiling nakaharap kay Cheska.
Lalo pa niyang nilapit ang muka niya at pinairal na naman ang kapilyuhan. Inilapit niya ang mga labi sa labi ni Cheska subalit lumusot lamang siya.
“Sayang naman!” Himutok pa niya
Sa buong maghapon ay nilibot ni Cheska ang buong villa habang sinusundan at binabantayan naman siya ng makulit na multo.Hapon na ng umuwe sila at sa pag uwe ay bigla na lamang nakaramdam ng kakaiba si Cheska.Ang totoo ay maghapon na may kakaiba siyang nararamdaman at nag simula iyon mula ng dumating siya sa mansion hindi na lamang niya pinapansin.
“Buti naman at nararamdaman mo ko, kanina pa ko nagpapacute sayo beauty eh.” Natutuwang wika ni multo
Masayang umuwe sa mansion si Multo habang kinakabahan naman si Cheska.
“Sipag mo naman, maghapon na nga tayo naglibot sa villa tapos ngayon nagbabasa ka naman.Hindi k aba napapagod?” nakapangalumbabang wika ni multo
Kasalukuyang nakahiga si Cheska at nagbabasa habang nakadapa naman sa ere si multo at nakaharap sa kanya.
“Hoy saan ka pupunta?” gulat na tanong nito ng biglang tumayo si Cheska at lumabas.
Nagtaka man ay sinundan na lamang niya si Cheska na nagtungo pala sa kusina.Doon ay inabutan niya itong kinukuha ang mga chico sa loob ng ref.Nagtimpla rin ito ng gatas at pagkatapos ay bumalik na sa kwarto niya.
Samantala bago sumunod ang makulit na multo kay Cheska ay kumuha siya ng dalawa pang chico at dinagdag niya ito sa dala ni Cheska.Nagawa niyang hawakan at dalin ito sapagkat kalian lamang ay nadiskubre niya na unti unti na siyang nakakahawak ng ilang bagay basta nagconcentrate siya.
“Bakit ganon ang alam ko apat lang yung kinuha ko, bakit dumami?” nagtatakang tanong ni Cheska
“Nilagay ko talaga yan para sayo.Ubusin mo lahat beauty ah.” Wika naman ni multo “Saka ubusin mo tong gatas mo oh.” Dagdag pa niya habang nilalapit ang gatas kay Cheska
Pinanuod lamang ni multo si Cheska habang kumakain ito hanggang sa nagpasya itong matulog.Halos magdamag niyang pinagmasdan ang magandang muka ni Cheska.Minsan ay nakaupo siya sa tabi nito o kaya ay nakahiga.
“Sana sa simpleng paglagi ko sa tabi mo ay matulungan kitang maging masaya.Multo na ko at hindi ko alam kung hanggang kalian ako dito sa lupa, kayat hanggang nandito pa ko gagawin ko ang lahat mapasaya ka lang.” wika niya sa tulog na si Cheska
Maya maya pa ay gumalaw si Cheska at tila gininaw matapos lumakas ang hangin na nagmumula sa bukas na bintana.
“Hay naku beauty, hindi mo nga binuksan ang aircon nakabukas naman ang bintana mo.Pasaway ka rin eh.”
Sibukang kunin ni multo ang kumot at sa ikalawang subok niya ay nakuha rin niya at kinumutan si Cheska.Saglit siyang natigil sa pagkumot kay Cheska ng gumalaw ito at napagmasdan ang muka nito.Hindi niya alam kung bakit basta na lamang gumalaw ang kamay niya at hinaplos ang muka nito.Nagulat pa siya ng magawa niya itong hawakan.
“ Beauty naramdaman mo ba iyon?Nahahawakan na kita.” Natutuwang sambit ng makulit na multos