Mico pov
Halos maghapon na kabi kabila ang mga aberya. Wala pa siyang nakukuha na papalit kay Faith kaya naman ay hirap na hirap siya. Sa ngayon ay nakagawa siya ng paraan, pero di pwedeng ganun palagi. Maigting na ang paghahanap niya ng mga aplikante para sa bakanting posisyon. Lalaki na ang kanyang gustong i hire at least ay di prone sa pambubully ni Veronica.
Dahil masakit ang leeg at ang mga paa ay nakaupo lang siya sa kanyang opisina, sumemplang siya ng nagdaang gabi sa isang misyon nila. May tila naipit na ugat sa kanyang binti na masakit pag matagal siyang nakatayo. Kailangan niyang makausa si Agent Cruz. He need to get the information as soon as possible.
May bago na namang mga documents na nakuha na nag uugnay sa kanyang pinsan at dalawang tiyahin. Mukhang di lang basta bastang halaga ang kinukuha ng mga ito. Mukhang balak na gawing gatasan ang kanyang kompanya. Di niya mapapayagan na mauwe sa bankruptcy ang hirap ng kanyang mga kaninununoan.
“Sir, we’ve confirmed that Ms. Villanueva has not cashed the check yet,” sabi ng agent sa kanya agad. Isa sa pinapabantayan niya dito ay ang mga kilos ni Faith at mukhang walang balak ang babae na mag apply at i grab ang offer niya na endorsement para makaapply sa Montefalco Empire. .
Mas malaki ang Montefalco Empire sa lahat ng kanyang mga negosyo. Kumbaga iyon ang utak ng kanyang mga negosyo. May tiwala siyang magiging mas useful ang babae sa kompanya niya, given the talent and hardwork of her.
Napahigpit ang hawak niya sa cellphone pagkarinig niya sa sinabi ng agent.
“And the job offer?”
“Hindi pa rin po siya nagre-respond.”
Tahimik siya sandali.
"Stubborn!" isip niya.
“Continue monitoring,” sabi niya.
Ang Paglalim ng Imbestigasyon
“May bago po kaming nahanap,” dagdag ni Cruz. “Yung shell company na konektado sa pamilya Does may direct transfer papunta sa personal account ni Veronica dalawang beses sa nakaraang buwan.”
Napakunot ang noo niya sa kanyang narinig, malaking kasi ang mga iyon kung saka sakaling makuha na nila ang katibayan na totoo iyon. “Amount?”
“Seven digits, sir.”
Tahimik siya at napamura ng paulit ulit sa kanyang isip. Ang mga piraso ng puzzle ay unti-unting nabubuo. Kaya pala ang bilis na nakabili ng dalawang mamahaling sasakyan ng babae. Galing pala sa kompanya nila ang ipinangbili niyon.
Hope pov
Ilang araw ang lumipas simula nung matanggal ang kapatid sa trabaho ay nanatili siyang walang gana sa . Parang wala siyang anumang gana na kumilos man lang, mabuti at mapagkakaktiwalaan ang kanyang mga tauhan, habang nanonood siya ng balita sa TV, nakita niya ang isang segment tungkol sa Montefalco Shipping Lines.
“-and according to sources, Ms. Veronica Does is being groomed for a higher executive position-”
Napahigpit ang hawak niya sa remote. Gusto niyang ihampas hampas ang ulo ni Mico Montefalco baka sakaling mawala ang anay sa loob. Pagkatapos ng lahat ng mga ginawa ng babae ay di man lang naisipan na pa embistigahan ang background ng babae. Sa laki ng mga halaga na nakuha nito sas kompanya baka sakaling makulong pa ito.
“So siya pa ang napromote?” galit niyang sabi.
Sa sandaling iyon, parang may nag-click sa isip niya. Kung mananahimik siya, tuloy-tuloy lang na aangat si Veronica. At walang makakaalam sa ginawa nito. May mga documents siyang hawak na maaring maging daan para mahuli si Veronica. Ang problema niya lang ngayon ay kung paano niya mailalagay sa kompanya.
Lumabas si Hope ng apartment kinahapunan alam niyang pag ganitong kasagsagan ng peek season ay nag overtime ang lalaki, naglalakad nang walang direksyon. Hanggang sa mapunta siya sa tapat ng isang convenience store kung saan may grupo ng delivery riders na nagpapahinga.
Nakatawa ang mga ito, nagbibiruan, pawisan at pagod pero mukhang malaya.
Napatingin siya sa motorsiklo nila. Sa helmet. Sa uniform. Isang ideya ang dahan-dahang nabuo sa isip niya.
"Kung hindi ako pwedeng pumasok sa mundo ni Veronica bilang empleyado… papasok ako bilang ibang tao." Nakangising bulong niya. Marunong naman siyang mag motor kahit wala siyang lisensya.
Kinabukasan, nakatayo siya sa harap ng isang maliit na delivery hub.
“Mag-aapply po sana ako,” sabi niya sa staff.
Sinuri siya ng lalaki mula ulo hanggang paa.
“Kaya mo ba magmaneho ng motor?”
Ngumiti siya dito, iyung ngiting matagal na niyang hindi nagagamit.
“Kaya ko pong matuto.”
Sa sandaling iyon, nagsimula ang bagong yugto ng kanyang buhay isang yugto na magdadala sa kanya pabalik sa lalaking pilit niyang iniiwasan… at sa babaeng pinangako niyang pababagsakin.
Dahil nasa Pilipinas naman siya ay konting padulas lang ay nakakuha na kaagad siya ng kanyang mga kakailanganing mga documents sa pagiging delivery rider. Pera pera lang ang katapat ng lahat.
"Humanda kayo Veronica Does, alam niyang kailangan niyang hambalusin ang utak ng boss ng kakambal niya, para matigil na ang katiwalian. Ilang araw bago siya napaalis ay nalaman niyang binabalak pala ng mga kaanak ni Mico na ipapatay ang lalaki.
Siguro gusto ng mga ito na makuha na ng tuloyan ang kompanya. Wala pa namang kapatid ang lalaki kaya ang magiging successor nito ay ang mga magulang ni Mico at maaring maging ang mga ito ay nasa panganib din ang buhay.
Tama nga sila, 'Money is the root of evil' lalo na kung sakim at ganid ang taong hahawak. Parang gusto niyang isipin na masyadong tanga ang lalaki pero ayaw naman niyang manahimik lang sa isang tabi. Ayaw niyang mamatay ang hayop na lalaki kahit na galit siya dito.
Ang kailangan niyang gawin ngayon ay ang tamang pagpaplano para bukas. Di niya na kinakailangan pa na patagalin ang kanyang pagbibigay ng babala sa lalaki. Oras na nagkagipitan ay tiyak na kikilos na kaagad ang mga taong gustong pabagsakin si Mico.
May mga pangalan na involved sa malawakang nakawan sa kompanya ng pamilya ng Montefalco. Di niya alam if aware na ang lalaki doon, pero kailangan niya paring balaan ang lalaki. Maaring magaling na magtago ang mga taong iyon para di makita ng isang Mico Montefalco.