Mainit ang sikat ng araw nang umandar ang motorsiklo ni Hope papasok sa industrial district kung saan matatagpuan ang LS Shipping Lines isa sa pinakamalaking karibal ng kumpanya ni Mico.
Hindi niya inaasahan na mapupunta siya sa lugar na iyon. Isa lang iyon sa mahahabang listahan ng deliveries na ibinigay sa kanya ng dispatcher.
“Unit 3B, administrative building,” basa niya sa delivery slip. “Recipient: Mico Sebastian Montefalco.”
Napakunot ang noo niya.
Bakit sa LS ipapadala ang package ni Mico?
Pero trabaho ang trabaho. Wala siyang choice kundi sundin ang address. Mukhang nag eenjoy siya sa bagong trabaho niya, kahit papaano ay mas malaki namang di hamak ang kita niya kaysa sa dating naging trabaho niya.
Malaya pa niyang napupuntahan ang mga gustong puntahan niyang lugar. Wala ring boss na pupuna at titingin sa kanya. Kaya lang di iyon advisable sa kagaya niyang babae lalo na pag gabi na. Sa dami ng mga masasamang loob ay ano ang magiging laban ng isang babaeng kagaya niya. Ang tanging gusto niya lang naman ay makaganti kay Veronica at kay Mico. Dahil di pa niya malalapitan si Veronica, unahin niya na muna si Mico. Kahit isang mag asawang sampal lang ay ayos na.
Iba ang atmosphere ng compound kumpara sa ibang shipping offices na napuntahan niya. Mas tahimik. Mas kaunti ang tao. At may kakaibang pakiramdam ng tensyon sa hangin. Di niya maipaliwanag pero parang may kakaiba sa lugar na di niya matukoy. Pero kahit ganun ang pakiramdam niya ay wala siyang magagawa pa. Kinakailangan niyang gawin ang kanyang trabaho.
Ipinark niya ang motor sa gilid at tinanggal ang helmet. Pinagmasdan niya ang paligid malalaking container sa likod, isang tatlong palapag na gusali sa harap, at ilang lalaking nakatayo sa may loading bay na tila hindi naman abala.
"Parang hindi normal ‘to, bulong niya sa sarili." Malakas ang kutob niya sa mga ganitong bagay.
Lumapit siya sa entrance, dala ang maliit na parcel.
“Delivery po,” sabi niya sa receptionist.
Tinignan siya ng babae, halatang kinakabahan. Parang namumutla na di niya mawari.
“Iwan mo na lang dito.”
Pero bago pa niya maibaba ang parcel, bumukas ang pinto ng conference room sa dulo ng hallway.
At doon niya nakita si Mico. Nakatayo si Mico sa loob ng conference room kasama ang dalawang lalaking hindi niya kilala. Nakasuot sila ng pormal, pero may kakaibang tigas sa kilos nila.
Bahagyang nakabukas ang pinto kaya rinig ni Hope ang usapan.
“Mr. Montefalco, we appreciate you coming personally,” sabi ng isa sa mga lalaki.
“Let’s get this over with,” malamig na sagot ni Mico. “I don’t have time for games.”
May kung anong kumirot sa dibdib ni Hope. Kahit ilang beses na niya itong nakita bilang rider, iba pa rin ang pakiramdam kapag naririnig niya ang boses nito.
Dapat ay aalis na siya. Hindi na niya trabaho ang makialam.
Pero bago pa siya makalayo, biglang nagsara ang pinto at ilang segundo lang, narinig niya ang malakas na kalabog sa loob.
“Sir!” napasigaw ang receptionist.
Biglang naglabasan ang dalawang lalaking nakabantay sa hallway. Mabilis ang kilos nila parang sanay na sanay.
Napatigil siya sa kinatatayuan niya, alam niyang may mali sa mga nangyayari ngayon.
Bumukas muli ang pinto ng conference room, at lumabas ang isa sa mga lalaking kausap ni Mico may hawak na baril na nakatutok pababa.
“Walang kikilos,” malamig nitong sabi.
Sumilip siya sa loob.
Nandoon si Mico nakaupo sa sahig, may dugo sa gilid ng labi, at hawak ng isa pang lalaki ang braso niya.
Nanlamig ang buong katawan niya lalo na ng mapunang parang walang malay na ang Dating boss ng kanyang kakambal.
Dapat ay tumakbo na siya palabas at tumawag ng pulis. Iyon ang pinaka-lohikal na gawin.
Pero sa sandaling nakita niya ang itsura ni Mico, ang lalaking minsan niyang kinapootan, pero ngayon ay hindi niya kayang iwan,
hindi gumalaw ang paa niya.
Sa halip, napasigaw siya.
“Hoy! Anong ginagawa niyo sa kanya?!”
Natahimik ang buong hallway.
Lahat ng mata ay napunta sa kanya.
Ay… mali ata ‘to, napaisip siya
Lumapit sa kanya ang isang matangkad na lalaki, halatang lider ng grupo. Sinuri siya mula ulo hanggang paa, helmet, jacket, delivery bag.
“Rider ka lang?” tanong nito.
Napalunok si Hope pero tumango. “Opo… delivery lang po ako.”
Saglit itong nag-isip, saka ngumisi.
“Bad timing.”
Bago pa siya makatakbo, bigla siyang hinawakan sa braso at hinila papasok sa conference room.
“Bitawan niyo ako!” sigaw nya nagpupumiglas.
“Isa pang saksi,” sabi ng lalaki. “Isama na rin natin.”
Nanlaki ang mata ni Mico nang makita siya.
“You?!”
Pero huli na.
Ang Paglalaban niya.
Tinangka niya na sipain ang lalaking humahawak sa kanya. Tumama ang paa niya sa tuhod nito, dahilan para bahagyang mapaatras ito.
“Tumakbo ka!” sigaw niya kay Mico.
Pero bago pa ito makatayo, tinutukan na ito ng baril.
“Isa pang galaw, babarilin ko siya,” sabi ng isa sa mga kidnappers, sabay turo sa kanya.
Napatigil si Mico.
Habang nakatitig siya sa lalaki ay umuusal siya ng panalangin, alam niyang pwede namang manglaban ang lalaki ngayon at balewalain siya. Pero umaasa siyang hindi lalo at alam niyang nakilala na siya nito ngayon.