MICO 8

1303 Words
Di na niya inaasahan na mapaparusahan ang babaeng bruha, aware naman siya sa koneksiyon ng babae sa loob ng MSL, Kinagabihan, halos wala nang tao sa opisina. Tahimik ang floor, at tanging ilaw na lang sa cubicle ni Hope ang nakasindi. Abala siya sa pag-aayos ng reports ni Faith, pilit inaaral ang paraan ng pagsusulat ng kapatid para hindi mahalata. Hindi niya napansin na may tumigil sa likod niya. Hanggat maari ay ayaw niya munang matapos ang pagpapanggap niya lalo na ngayong naranasan niya mismo ang mga pang bubully ng mga kasamahan ng kambal niya sa trabaho. Its not something na pwedeng palagpasin nalang ng ganun ganun. Baka sa susunod ay maging metsa pa ng buhay ng ibang mga nagtatrabaho doon. “Hindi ka pa umuuwi?” Napatalon siya sa gulat at napalingon. Nandoon si Mico, nakasuot pa rin ng suit pero nakabukas na ang top button ng polo, mas relaxed kaysa kanina. Napaiwas siya ng tingin dito. Alam niyang hindi ang tipo ng lalaki ang dapat niyang pangarapin. “S-sir,” mabilis niyang sabi, sabay tayo. “Inaayos ko lang po yung reports na na-delay kanina.” Pinagmasdan siya ni Mico nang ilang segundo, parang may hinahanap sa mukha niya. “Hindi ka na nanginginig,” bigla nitong sabi. Napatigil siya sa sinabi nitong iyon. “Po?” “Dati, kahit kausapin lang kita, nanginginig ka na.” Lumapit pa ito ng bahagya. “Ngayon… iba ka.” Ay naku, delikado na ‘to, isip ni Hope. Baka mahalata niya ako. “Siguro po… natuto na lang akong maging matapang,” sagot niya, pilit na mahina ang boses. Nagtagpo ang mata nila. Ilang segundo silang walang nagsalita. Hindi alam ni Hope kung bakit, pero parang biglang uminit ang hangin sa pagitan nila. “Kanina…” muling nagsalita si Mico, mas mahina na ang boses, “salamat sa pagsasabi tungkol sa CCTV. Kung hindi mo ginawa yun, baka naniwala ako sa kanya.” Ngumiti si Hope. “Trabaho ko lang po iyon, sir. Besides it's not the first time na ginawa nila ang ganun. Feeling ko po ay naaabuso na po ako, lalo na at di naman po sila ang nagpapasahod sa amin.” “Hindi,” iling niya. “Hindi yun trabaho. Karamihan sa tao… pipiliing manahimik.” Sa unang pagkakataon, nakita ni Hope ang kakaibang lambot sa mga mata ng lalaking kilala bilang malamig at istrikto. At doon niya naramdaman ang isang bagay na hindi niya dapat maramdaman bilang nagpapanggap lamang, yung isang munting kilig na mabilis niyang pinatay. “Umuwi ka na,” sabi ni Mico, sabay abot ng isang maliit na paper bag. “Kumain ka muna. Mukhang hindi ka pa nagdi-dinner.” Napatingin si Hope sa bag. Amoy pa lang ng pagkain, alam na niyang galing ito sa isang mamahaling restaurant. “Hindi na po-” “Take it,” putol niya, mas malambing kaysa utos. Hindi siya ang tipo ng babae na marupok at madaling mapaniwala ng lalaki. Kaya nga siya dumating sa edad niya ngayon na single padin. Napilitan siyang tanggapin iyon. “Thank you po, sir.” "Di mo ba itatanong kung ano ang magiging diceplenary action para sa kanila?" Tanong pa nito, napatingin siya sa lalaki. Oo kating kati siyang malaman ang naging parusa ng mga bruha ay mas pinili niyang magkunwaring balewala lang. "Ahm okay lang naman po kung di niyo sabihin, alam ko naman po kung gaano kalakas ang impluwensya ni Miss. Veronica sa kompanya." Sagot niya dito. Pinili niyang ipamukha sa lalaki na may favouritism na nagaganap sa kompanya na kahit na naaabuso na ay balewala na sa lalaki. "Suspended siya ng isang linggo, then I already ask her to apologize to those employees na na bully niya in the past." Sabi ng lalaki. Parang napaka Impossible ng hinihiling ng lalaki sa babae. Sa taas ng tingin ni Veronica sa sarili nito ay tiyak niyang di iyon magpapakumbaba para humingi ng tawad sa kanila. "And what if she refuse to ask for an apology?" Tanong niya sa lalaki. Parang na disappoint siya sa naging parusa sa babae. Dapat tinanggal o na demote man lang sana, parang hopeless case na talaga ang kompanya. "Then she will face another consequences." Sagot nito. Di na siya nagsalita pa. Baka kasi di niya mapigil ang sarili niya at magulat nalang siya na wala na palang trabaho ang kakambal niya. Nagngingitngit man ay inabala nalang niya ang kanyang sarili sa pagtapos sa mga ginagawang reports. Iiwasan nalang niya muna siguro ang makasalubong ang babae at baka sa kulongan ang bagsak niya pag di siya makapagpigil. Mukhang aware naman ang babae na nakakabwesit ang ugali nito pero walang chance ang pagbabago sa babae. Hopeless case na ito, nakabaon na sa alak-alakan nito ang kasamaan ng ugali. "You don't believe me, don't you?" Bigla siyang napalingon dito. Akala niya ay umalis na ang lalaki. "A e di na naman po importante kung naniniwala po ako o hindi, boss ko po kayo at isa lang po akong empleyado. Who am I to question po about whatever decision you made." Sagot niya dito, alam niyang she sounded sarcastic kahit na super galang niya na nga sa po niya. Naiinis pa kasi siya dito dahil di man lang nito nagawang tanggalin sa posisyon si Veronica sa kabila ng ginawa nito. "Faith, everything goes with the rules. Alam ko na alam mo yan dahil bago kayo pumeperma ng kontrata ay pinapaalam sa inyo doon ang mga rules and regulations ng kompanya." Sabi pa ng lalaki. Kinuha niya ang nahulog na ang papel mula sa printer. Di niya makita ang reason kung bakit parang napakahalaga para sa lalaki ng kanyang iisipin, so what kung disappointed siya? So what kung naiinis siya. She is just nothing compared to him, pero parang importante yata sa lalaki ang kanyang opinyon. Di niya alam ang tungkol sa rules and regulations ng kompanya dahil di naman siya ang pumerma. Hindi naman siya ang empleyado nito kundi ang kakambal niya. Gusto niya tuloy na mapangiwi, sa pagkakaalala niya kasi nung huling naging trabaho niya ay pumerma lang siya at di na siya nag abala pa na basahin ang kontrata niya. Sa daming page ba naman ng karaniwang kontrata e iisipin paba niyang basahin isa isa ang mga nakasulat dun. Pero sa school naalala niya noon na pag may ginawa na kasalanan ay may mga first warning kung saan suspension at writen letter, second warning mas malala compare sa naunang offence ang parusa, then expulsion. "So meaning po ako palang ang naglakas loob na mag reklamo?" Bulalas niya, pero deep inside ay alam na niyang mukhang iyon ang nangyari. Walang sinumang naglalakas loob na magputol ng sungay sa loob ng kompanya kaya lumaki at humaba na ang sungay ni Veronica. "Unfortunately Yes, pero I'm trying to convince other employees na na bully niya to file complaint para mapaalis siya sa kompanya." Sagot ng lalaki. "Talaga? Gagawin nyo iyon? Di po ba shareholders ang tatay niya?" Tanong niya dito. Madali lang naman kasing sabihin na paparusahan pero if this things go far baka magkaroon ng internal problem in the future. "Yes, I don't want troublesome employees in my company. Anyway you can go home early, may pupuntahan ako. " Sabi ng lalaki bago tumalikod. Napangiti siya sa kanyang narinig, gusto niyang matulog ng mahaba haba ngayon at deserve naman siguro niya ang magpahinga after ng kanilang pagpupuyat ng nagdaang gabi. Hindi naman niya magawang matulog pagdating agad, naligo pa siya dahil nainitan siya. Naghanda na siya kaagad para makauwi, gusto na niyang ilatag ang kanyang pagal na katawan sa higaan. Di siya sanay na nagpupuyat kaya medyo nahihilo siya kanina palang sa biyahe, mas naging worst pa nga nung inutos utosan siya ng bruhang si Veronica. Kanina pa gustong pumikit ng kanyang mga mata pero nagawa pa niyang matapos ang lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD