Mico 7

1724 Words
Maagang dumating si Hope sa opisina, iyon ay sa kabila ng sinabi sa kanya ng boss niyang wag na muna siyang pumasok. Naalala niya kasi ang ilang mga papeles na di niya sure kung natapos niya ba ng nagdaang gabi o kung maayos niya bang nagawa. Suot ang simpleng blouse at pencil skirt na karaniwang sinusuot ng kapatid niyang si Faith. Tahimik niyang inayos ang salamin sa kanyang ilong, ginaya ang mahinhing tindig ng kapatid, saka huminga nang malalim. “Okay… ikaw si Faith ngayon,” bulong niya sa sarili. “Mahina, tahimik, at laging inaapi… pero hindi na ngayon.” nakita niya kasi ang isa sa mga babae na sinasabi ng kapatid na kasa kasama palagi ni Veronica sa opisina sa tuwing nambubully ang mga ito. Ganun daw talaga ang ginagawa ng mga ito sa mga bago sa opisina lalo na pag na assign sa mismong opisina ni Mico. Kung umasta daw ang mga ito ay tila mga tagapagmana ng bilyones ng kompanya. Gayong pareho lang naman silang mga empleyado at bayad ng kompanya. Sa loob ng opisina ng Montefalco Shipping Lines, abala na ang lahat. Ang tunog ng keyboard, telepono, at bulungan ng mga empleyado ay tila musika ng isang mundo na sanay sa kompetisyon at intriga. Kung kahapon ay payapa ang kanyang mundo, mukhang iba ngayon. Kahapon ay holiday kaya sila lang na nasa executive office ang pumasok. Pagpasok ni Hope bilang si Faith ay agad siyang napansin ng ilang empleyado. Sinabi ng kakambal na napagbuhatan siya ng kamay ng pinakamahaba ang sungay nung nakaraang araw. In short abusado ang ibang mga katrabaho ng kakambal niya, at siya ang puputol sa sungay na taglay ng mga ito. “Uy, dumating na yung iyakin,” pabulong na sabi ng isang babae sa kabilang cubicle. Ngumiti siya nang pilit. Simula pa lang, ganito na agad? Naramdaman niya ang pag-init ng dugo, pero pinigilan niya ang sarili. Hindi siya pwedeng magpahalata. Hihintayin niyang unahan siya ng mga ito, imposible namang walang cctv camera ang kompanya, sa laki ng gusali ay tiyak na maraming mga camera. Mukhang malakas nga lang ang kapit ng babae kaya nagagawa nitong baluktutin ang totoo. Kayang kaya nitong pasunorin ang lahat, maliban sa kanya. Sa diyos lang siya luluhod at hindi sa babaeng demonyita. Hindi pa siya nakauupo sa desk nang marinig niya ang matinis na boses na matagal na niyang gustong marinig nang personal. “Faith.” Paglingon niya, nandoon si Veronica Does, nakataas ang baba, nakapulupot ang braso sa dibdib, at may ngiting may halong panghahamak. Obviously ay iniisip nito na hawak na siya nito sa leeg matapos ang naging encounter nito at ng kakambal niya. “Late ka na naman,” sabi nito, kahit halatang maaga pa. She's thirty minutes early than the actual time na pasok niya. Ah, ito na pala yung babaeng nagpapahirap sa kapatid ko, isip niya. Di naman ito maganda at lalong walang anumang class na makikita sa mukha at kilos nito. “Good morning po, Ms. Veronica,” mahinhing sagot niya, ginaya ang boses ni Faith. Nagtinginan ang mga kasama ni Veronica, tila nag-aabang ng susunod na eksena. Mag papakalmado muna siya kahit na gustong gusto na niyang hilain ang buhok ng babae at kalbohin na agad. “May gagawin ka mamaya,” sabi ni Veronica. “Samahan mo kami sa pantry. May ipapagawa ako.” Hindi iyon tunog utos ng boss. Tunog iyon ng isang bully na naghahanap ng bagong biktima. She knows she's up to something. At handa siya dahil may naka ready siyang body cam. Ngumiti siya ng lihim. “Sige po.” Tahimik siyang tumayo at naglakad patungo sa Pantry. Alam niyang di siya bibigyan ng kapayapaan ng mga ito. Tahimik ang pantry nang pumasok siya. Naroon na si Veronica at dalawa pa nitong kaibigan sina Trina at Mae, nakita niya na sa picture ang mga ito kaya kilala niya. Nakaupo ang mga ito sa mesa, may hawak na kape at cellphone. “Isara mo yung pinto,” utos ni Veronica. Sinunod niya ang utos nito, pero sa loob-loob niya ay lihim siyang natatawa sa mga ito. Sa pagkakaalala niya sa subject nila before about psychology. Sila yung mga tao na usually kulang sa aruga, minsan naman may mga past experiences na gusto nilang iparanas din sa iba. Yung iba naman ay sadyang masama lang talaga ang ugali. Lumapit siya sa mesa, gusto niya sanang magkape muna bago mag umpisa na magtrabaho, pero dahil sa mga ito ay mukhang mabubulilyaso pa. “Ano po yung ipapagawa niyo?” Nagkatinginan ang tatlo, saka sabay na ngumiti, yung ngiting alam mong may masamang balak. “Faith,” malambing na sabi ni Veronica, “kukuha ka ng kape para sa amin. Pero wag yung sa machine. Gusto ko yung sa labas, yung sa kabilang building.” Nanlaki ang mata ni Hope. “Po? Pero may kape naman dito.” “Sabi ko sa labas,” putol ni Veronica, sabay turo sa pinto. “At bilisan mo. Wag mong hintayin na magalit ako.” Tahimik na tumango si Hope. Ngunit bago siya makalabas, biglang nagsalita si Trina. “At isa pa… ikaw magbabayad. Bawiin mo na lang sa sweldo mo.” Napatigil si Hope. Dahan-dahan siyang lumingon. Ay wow. Libre na, pinahirapan pa. “Okay po,” sabi niya, pero may kakaibang ngiti sa labi. Pagbalik niya makalipas ang tatlumpung minuto, dala niya ang tatlong baso ng mamahaling kape. Pawisan siya, pero hindi dahil sa pagod, kundi sa inis na pinipigil niyang ilabas. “Finally,” sabi ni Veronica, sabay kuha ng kape. “Ang bagal mo talaga.” Umupo si Hope sa harap nila, hindi na tulad ng dati na tatayo lang sa gilid. Nagtaka ang tatlo. “Bakit ka nakaupo?” mataray na tanong ni Mae. Ngumiti siya sa mga ito. “Pinagpawisan po kasi ako. Mainit sa labas.” Nagkatinginan ang tatlo. Marahil ay naisip ng mga ito na may kakaiba sa kilos niya ngayon. Humigop si Veronica ng kape at biglang napangiwi. “Ang pait nito!” sigaw niya. “Talaga po?” inosenteng tanong ni Hope. “Yun po kasi yung sinabi niyo sa barista no sugar, extra shot.” “Hindi ko sinabing extra shot!” Tahimik na inilabas ni Hope ang resibo at inilapag sa mesa. “Nakalagay po dito, ma’am.” Natahimik si Veronica. Nabasa niya ang resibo at tama siya. Sa kabilang mesa, may ilang empleyadong napatingin. Unti-unting naging agaw pansin sa mga kapwa nila empleyado. Hindi pa doon natapos. Biglang tumayo si Veronica at sinadyang matapunan ng kape ang sarili niyang blouse. “Faith!” sigaw niya. “Tinulak mo ako!” Napatayo rin si Hope. “Ha? Hindi po-" “Girls, nakita niyo yun, di ba?” tanong ni Veronica sa dalawa. Agad tumango sina Trina at Mae. “Oo, tinulak ka niya.” Sa loob-loob ni Hope, Grabe, pang oscar awards ang arte ng mga ito. Lumapit si Veronica, tila galit na galit. “Pupunta tayo ngayon kay Sir Mico.” Ngumiti si Hope. “Sige po.” Napatigil si Veronica. Hindi iyon ang inaasahan nitong sagot. Pero wala na itong nagawa pa dahil nagpatiuna na siya ng lakad sa mga ito. Pagpasok nila sa opisina ng CEO, abala si Mico sa pagbabasa ng dokumento. Hindi man lang sila agad na tiningnan. “Yes?” malamig nitong sabi. “Sir,” agad na umarte si Veronica, “tinulak po ako ni Faith sa pantry. Sinadya niyang matapunan ako ng kape.” Dahan-dahang itinaas ni Mico ang tingin. Dumapo ang kanyang mata kay Hope. May kung anong kakaiba sa tindig nito. Hindi ito yung mahiyain at takot na Faith na kilala niya. “Faith, o di ba sinabihan na kita na magpahinga ka nalang ngayon?” kunot ang noo na sabi nito. "May mga hindi po ako natapos kahapon sir kaya nag decide po ako na mag half day nalang ngayon." Sagot niya dito. Kahit na balak niya sanang mag whole day, pero after ng nangyari ay mukhang kailangan niyang magpahinga para di siya makapatay ng tao. “totoo ba yung sinabi niya?” Ngumiti siya bago tumingin sa mga babae, yung ngiting hindi sanay makita ni Mico. Taliwas sa ngiti na taglay ni Faith noong mga nakaraan. “Sir, may CCTV po sa pantry." Sabi niya, siguro naman that's enough proof to know who is the real victim. Para malaman na din ng lalaki ang kalakaran ng opisina. Natahimik ang buong kwarto. Namutla si Veronica. “Pwede po nating i-review,” dagdag ni Hope, kalmado. Nagtagpo ang mata nila ni Mico. Parang may lihim na komunikasyon na dumaan sa pagitan nila, isang tanong, isang pagtataka. "That's not necessary-" si Veronica na tila naging uneasy bigla. “Security,” sabi ni Mico sa intercom. “Paki-review yung footage sa pantry ngayon and kindly send it to me.” Ilang minuto lang, nag play sa screen ang CCTV footage. Akala niya ay walang audio ang cctv pero meron pala, napanood ng lahat kung paano siya utosan ng mga ito at kitang kita roon kung paanong si Veronica mismo ang gumalaw at sinadyang matapunan ng kape. Tahimik ang opisina. Ramdam ang tensyon. Unti-unting napatingin ang mga empleyado kay Veronica. “Sir edited lang po yan-” pilit na tanggi ng babae. “Enough,” malamig na sabi ni Mico. Napatingin ito sa kanya. “You can go back to your desk.” Ngumiti si Hope at yumuko nang bahagya. “Thank you po, sir.” Paglabas niya, saka lang siya napahinga nang malalim. "Sorry, Faith pero hindi ko kayang hayaan silang apihin ka ulit." Sa buong opisina, kumalat ang balita. Ang dating tahimik at api-apihing si Faith ay biglang naging matapang, mahinahon, at matalino. Alam niyang di basta basta ang mga taong kinakalaban niya. “Ang tapang mo kanina,” bulong ng isang empleyado. Ngumiti si Hope. “Hindi naman po. Gusto ko lang ng fair treatment.” "Ang galing nga e, buti nga sa kanila. Sana naging kasing tapang mo din ako noon." Nagkibit balikat nalang siya sa mga sinabing iyon ng katrabaho. Alam niyang di lang siya ang nakaranas ng ganung treatment mula sa mga babae. Sa kabilang banda alam niyang magdudulot ng palaisipan sa lahat ng mga naroon ang kanyang biglaang pagbabago. Alam niyang kilala na ng mga tao roon ang kakambal niya bilang mahinhin at di palaimik na kakambal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD