Nagising siya sa mahihinang tapik sa kanyang braso. Namulatan niya ang boss ng kakambal niya na nakatunghay sa kanya, pero dahil nonchalant ang lalaki ay di niya tuloy malaman kung galit ba ito, kung masaya ba ito o kung ano ang nararamdaman nito ngayong mukhang kanina pa siya nito ginigising.
"I believe we are already here." Sabi ng lalaki, dahilan para magising siya ng tuloyan. Nagpalinga linga siya sa paligid at nakita niyang nasa harap na nga sila ng bahay niya.
"A-e nandito na nga po tayo, salamat po sa paghatid." Sabi niya na pasimpleng nagpunas ng laway
Masyado pa namang malalim ang naging tulog niya, baka may nakatakas na laway habang tulog na tulog siya kanina.
Mabilis siyang bumaba ng sasakyan di na niya hinintay pa na pagbuksan siya ng pinto ng driver man o ng boss niya. Kapal na masyado ng mukha niya nun pag naghintay pa siya.
"Sala-"
Di na niya naituloy pa ang sasabihin niya nang makita niyang bumaba din ng sasakyan si Mico. Mukhang balak pa yata nitong maki kape sa bahay niya.
"Inaantok na ang driver ko, maybe you don't mind us to have a cup of coffee inside." Sabi pa ng lalaki na nauna na sa kanyang maglakad papunta sa gate niya.
Mukhang walang balak ang lalaki na magpapigil sa pagpasok sa bahay niya, alam naman niyang harmless ang mga ito lalo na ang boss ng kakambal niya.
Nilingon niya ang area na pinag parkingan ng driver nito sa sasakyan. Mukhang di naman nakaharang sa gate ng kapitbahay, bakanting lote naman ang likod niyon na naka gate at matagal na ding walang tao doon na pumupunta. Balak nga niyang pag ipunan ang pambili sa lote at kalaunan ay lalaki ang value ng lupa.
Alam niyang pinagmasdan ng dalawang lalaki ang hitsura ng kanyang bahay, good thing na mahilig naman siyang maglinis at maayos ang kanyang pag maintain ss bahay. Siya lang ang nakatira kaya naman mas madali para s kanya ang i maintain ang kalinisan niyon lalo at maliit lang naman ang space.
"Dito lang po ako sa labas ng bahay ni Miss Faith Sir, may kape pa naman tong tumbler ko." Sabi nito na itinaas ang tumbler na di niya napansin na hawak nito.
"Wala ang parents mo?" Mamaya maya ay untag ng lalaki. Nakita niyang naupo sa swing ang driver ng lalaki at mukhang balak umidlip muna. Mukhang may sasabihin na importante sa kanya ang lalaki para sumama pa sa kanya sa loob ng bahay niya.
"Wala, mag isa lang akong nakatira dito." Maiksi niyang sagot dito.
"Nice place!" Komento nito nang mabuksan na nila ang pinto at ang ilaw. Ginaya niya talaga ang nakita niyang picture sa online nung pinagawa niya ang bahay. Kaya di rin biro ang gastos niya doon. Matinding pagtitipid at paghihigpit ng sinturon ang kanyang ginawa mapatapos lang ang pangarap niyang bahay.
"Maupo po muna kayo." Sabi niya pa na itinuro pa ang four sitter na sofa.
Sa halip na umupo ay nagiikot ikot ang lalaki sa sala niya at inisa isa ang mga larawan nilang mag pamilya na naroon. Parang gusto niyang palabasin nalang ang lalaki sa bahay niya. Baka mabuko siya nito.
"You really look identical with your twin, What's her name?" Tanong nito sa kanya.
"Hope." Mahina niyang sagot dito, ang awkward na banggitin ang sariling pangalan niya.
"I see, so paano malalaman kung si Faith o si Hope?." Tanong nito na ikinagulat niya.
Di yata may ideya ito na hindi siya sa Faith, parang naghahanap ito ng hint tungkol sa kanilang dalawa ng kakambal niya.
"I don't know, pero magkaiba kami ng personality na dalawa, ako yung reserved at meek type." Mahina niyang sabi dito, muntik pa siyang masamid sa kasinungalingang sinabi niya.
Si Faith ang may ganung personality at dahil boss nito ngayon ang kasama niya kaya might as well na yun ang sabihin niya, iyon ay kahit napaka contradicting ng kanyang mga naging kilos simula kahapon nang palitan niya ang kakambal. Sumagot sagot siya sa lalaki at sobrang layo niyon sa pagiging meek.
"So meek nga." Halatang di naniniwala na komento nito na nakangisi pa.
"I know nasagot ko kayo kanina, and it's way too far from being meek. Pero nagulat lang ako kanina kaya ko po kayo nasagot." Di magkandatutong paliwanag niya sa lalaki.
"Okay, if you say so." Sabi nito, alam niyang naghihinala na ang lalaki. Pero the more na magpapaliwanag siya o i defend niya ang sarili niya ay mas lalo lang itong maghihinala. Sa ngayon ay kinakailangan niyang kontrolin ang kanyang sarili para di niya masagot sagot ang lalaki.z
"Palagi din ba dito ang boyfriend mo?" Tanong ng lalaki sa kanya na matiim na nakatitig sa kanya. As if nagtataksil siya dito, o may ginawa siyang kasalanan.
"Wala nga po akong- ah yung ex ko po ba? Hindi pa po siya nakapunta dito."
Muntik na siyang ipahamak ng kanyang bunganga, mukhang inaalam ng lalaki kung ginagawa niya bang motel ang kanyang bahay. Walang wala sa plano niya ang pag aasawa, kaya naiinis siyang mirinig na tila pinag iisipan siya ng masama.
"Good, so can you offer me a coffee?" Sabi nito na tila ba nasa bahay siya nito at katulong siya nito.
"Bayaran mo to a, wala na to sa working hours na nasa kontrata natin. Luging lugi na ako." Mahina niyang maktol, pero naglakad naman siya patungo sa kanyang small pantry para kumuha ng 3in 1 coffee para sa boss ng kakambal niya.
" Sure, I'll definitely compensate you for this."
"Ay kabayong bakla!" Halos mapatalon siya sa gulat di man lang niya namalayan ang paglapit ng lalaki at di niya naisip na maririnig nito ang kanyang sinabi.
"Sinong bakla?" Nakataas ang kilay na tanong nito.
"Expression ko lang yun, dun na kayo sir sa sala, di naman po ako tatakas." Pagtataboy niya sa lalaki.
Mamaya pag nakaalis na ang boss ng kakambal niya ay tatanungin niya ito kung ganun ba talaga ka flirt ang lalaki. Di pa naman niya ma identify kung nag piflirt ba ang isang lalaki o normal lang, wala pa siyang naging nobyo sa tanang buhay niya kaya di niya alam. Di yata may gusto ang boss ng kakambal niya sa kanyang kakambal.
"From now on wala kanang ibang papapasukin na lalaki dito sa bahay na ito Faith." Sabi nito na matiim na nakatitig sa kanya.
Para siyang natuka ng ahas sa narinig niyang iyon, di niya magawang magtanong pa dito. Iyon ay kahit na kating kati siyang malaman ang rason sa likod ng sinabi nitong iyon. Maaring nangangamba lang ito na baka mapahamak siya sa susunod na gawin niya iyon. O pwede din na totoo ang hinala niyang may gusto nga sa kakambal niya ang lalaki.
Parang di yata niya nagustohan ang ideyang nagkagusto ang lalaki sa kakambal niya. May bahagi ng puso niya ang tila nabigo sa kaisipang iyon. Nang matapos ang pag inom ng lalaki sa kape nito ay tumayo na ito kaagad. Expected na din naman iyon lalo at dis oras na din naman ng gabi.
"Tandaan mo ang sinabi ko kanina." Sabi pa nito nang ihatid niya ito sa pinto ng bahay niya.
"Anong-"
Bahagya itong yumuko at bumulong.
"Ako lang ang lalaking pwedeng pumasok sa bahay na ito, maliban sa kaanak nyo."
Naramdaman nalang niya ang malambot nitong labi na dumampi sa kanyang mga labi. Naiwan siyang nakatingin sa kawalan.
Nagising siya sa pagkakatulala nang marinig ang notification ng cellphone na gamit ng kapatid niya sa kompanya ni Mico.
"You can have a rest day tomorrow, don't worry it's paid day off!."
Nagulat siya sa message ng lalaki, ayon kasi sa kakambal niya ay workaholic ang lalaki at hanggat maari ay bawal umabsent ang isang empleyado nito. Kaya naman lalo na namang nadagdagan ang kanyang alalahanin. Napapaisip siya sa kakaibang ikinikilos ng lalaki ngayon, malayong malayo sa pagkaka describe ng kakambal niya.