"It has to end soon!"
Sabi niya sa sarili niya habang panaka nakang sumusulyap sa relo na nasa dingding ng opisina. Ayaw niya talaga na inuutos utosan siya, few minutes ago ay tinawag na naman siya ng pesting boss ng kakambal niya. May pinahanap na files sa accounting kaya naantala na naman ang dapat sanang patapos na niyang reprinting.
"Last two pages!" Pigil ang hiningang bulalas niya. Sa wakas makakauwe na siya, paniguradong plakda na naman ang katawan niya pagkarating niya sa kanyang apartment.
Pangalawang araw palang niyang magpapanggap ngayon, pero pakiramdam niya ay isang taon na niyang ginagawa iyon na nagsasawa na kaagad siya. Pakiramdam niya ay nakakulong siya sa apat na sulok ng opisinang iyon na wala siyang kalayaan maski mag inat inat man lang ng kanyang kalamnan.
Animo ay may mga matang palaging nakamasid sa kanyang mga kilos. Maski ang kanyang pag ihi ay kailangan pabilisan. Napalingon siya sa kanyang cellphone nang mag beep iyon. May dalawang unseen message na naroon, isa ay mula sa kanyang manager na siyang nangangasiwa sa kanyang shop at isa ay mula sa kanyang kakambal.
Inuna niyang buksan ang message ng kanyang manager kung saan ay sinasabi nito ang sales of the day nila at kung anong mga stocks ang kinakailangan nilang iorder. May tatlo na siyang branch for just three years. After graduation ay iniexpect ng mga magulang nila na maghahanap siya ng trabaho na related sa courses na pinili nila.
Si Faith ay naging masigasig sa pag aapply kung saan saan habang siya ay mas pinili na maging taga benta ng mga real state properties. Mahirap lalo na at di naman siya broker licensed, pero doon niya natutunan ang kalakaran sa sales. Maliit lang ang kita niya minsan abonado pa siya sa kanyang pamasahe at pagkain.
Akala niya magagalit ang mga magulang niya sa kanyang mga ginagawa. Maging siya man ng mga time na yun ay nawalan na din ng tiwala sa sarili niya lalo at di naman siya ang tipo ng tao na achiever talaga nung nag aaral pa. Siya yung tipong tamang ahon lang ang grade, sapat na ang may 77 na grades as long as pasado.
Di nila naringgan ang mga magulang nila na i pressure sila ng mga ito to get higher grades or to be in the honor lines. Katuwiran ng mga ito sa kanila ay di naman sila mga matatalinong lahi kaya bakit nila i pressure ang mga anak nila. But her twin Faith graduated Magna c*m laude, proud na proud siya nun para sa kakambal. Kaya napakadali para dito ang maghanap ng trabaho.
One time her twin talk to her kung ano ba talaga ang gusto niya sa buhay. Then sinabi niyang gusto niyang mag business, nagulat pa siya nang ibigay nito sa kanya ang passbook nito ng ipon nito sa bangko na fifty thousand pesos.
"Ayan, I know maliit na halaga lang iyan. Bayaran mo nalang ako pag mapaunlad mo na ang business mo!" Sabi nito.
Naiyak siya that time kasi sobrang frustrated na siya sa kanyang ginagawa na gusto na niyang huminto sa paghahanap ng buyer ng mga condo, sasakyan at kung ano ano pa. May kaibigan siya na sa alahas ang line ng business and it's a huge opportunity for her lalo at promising ang profit and income ng ganung lines.
Dun siya nag umpisa sa maliit lang na pwesto, inaral niya ang marketing strategies etc and sa loob lang ng ilang buwan nakapag branch out na siya, at bilang kabayaran sa kakambal niya ay ginawa niya itong business partner sa isa niyang branch. Kahati niya ito sa kita ng store at palagian niya din itong ina update sa mga kalakaran. Ayaw nitong tanggapin nung una pero kalaunan ay nakikicooperate na din ito.
Kung di dahil sa kakambal niya ay malamang nasa kalsada parin siya ngayon, sa mrt at kung saan saang matao na lugar para maghanap ng buyer ng condo at sasakyan. Kaya kahit anong hilingin nito ay ginagawa niya. Kagaya nalang ngayon ito ang kanyang sitwasyon, pero sa tuwing naiisip niya ang kaginhawaan na nakuha niya dahil sa tulong ng kakambal ay kinakaya niya.
"Hi Hope, I can't go home yet. Brian and I officially broke up, and I'm not sure if I can go back to work in this situation right now. Can you please do it for me?"
Napanganga siya nang mabasa ang chat nito, she already predicted the break up lalo at ayaw naman nilang magpamilya sa ex nitong iyon. Red flag na red flag pero dahil mahal ng kakambal niya ay hinayaan nila, pero gumawa sila ng paraan para makita ng kakambal niya ang tunay na kulay ng lalaki. Sabi ng Mommy niya pag daw mahal parin at bulag parin si Faith kahit na makita ang mga iyon ay hahayaan na nila as long as masaya ito.
Kaya ba niyang tumagal sa ugali ng boss nito? Iyon ang tanong na di niya alam kung ano ang sagot. Nakakayamot ang ugali na taglay ng lalaki. Di niya tiyak kung hanggang kailan niya kayang rendahan ang kanyang kamao at baka masapok na niya ito.
"Di kapa uuwe? " Si Jona na sumilip sa may pinto. Alam nito ang pag swap nilang magkambal dahil bff ito ng kakambal niya. Alam nito ang tungkol sa katrabaho ng mga ito na nambubully kay Faith kaya sang ayon ito na pumalit siya sa kakambal niya.
"May tinatapos pa ako e, mauna ka nalang. " Nakangiting sabi niya. Kahit gustong gusto na niyang iwanan nalang ang mga papel doon at sumabay na ng uwe sa babae.
Kailangan pa niyang ilagay sa table ng lalaki ang mga documents at alam niyang it will take time. Nahihiya siyang makaabala ng ibang tao lalo at kayang kaya na naman niyang umuwe ng mag isa. Naalala niya din ang bilin ng lalaki na magsabi siya once na uuwe na siya.
"Sir uuwe na po ako." Mahinahon niyang sabi sa boss niyang abala sa kaka cellphone. Mukhang pauwe na din ang lalaki.
Akala niya dati ay gabing gabi na kung umuwe ang mga bilyonaryo kaya sila lalong yumayaman, pero sa kanyang obserbasyon lately ay di naman ganun. Most of the time ay nakalaptop ang lalaki o di kaya naman ay nag cellphone lang.
"Okay!" Sagot lang nito. Tumalikod na siya para makaalis na.
Bawat hakbang papalabas ng gusali ay tila ba ay malaking ginhawa na para sa kanya. Alam niyang ilang araw pa ang kinakailangan niyang tiisin lalo na ngayong nagbigay na ng abiso ang kakambal na mag eextend ito ng bakasyon.
"Hop in!" Napapitlag siya ng malingonan ang boss niyang masungit.
"Naku sir wag na po pauwe na din naman ako tsaka malayo po sa amin di-"
"Sasakay ka o kinakailangan ko pang kargahin ka papasok?" Tila nanghahamon na tanong nito. Nagpalinga linga siya sa paligid, nakikita niya ang mga tingin ng mga naroon. Alam niyang maari syang husgahan at itsismis ng mga ito ngayon.
Kaya naman sumakay nalang siya para wala ng issue. Bahala na si Batman.
"Dadaan tayo sa mall, you help me choose a gift for my grandmother." Sabi nito mamaya maya.
Gusto niyang tumanggi, masakit ang kanyang mga paa sa walang tigil sa kakalakad, may mga oras din na matagal siyang nakatayo. Di siya sanay na ganun palagi, she works in her most comfortable way. Pero ngayon mukhang kailangan niyang indahin iyon ngayon.
"May bayad kaya ang overtime?" Naibulong niya nalang.
"What did you say?" Napakagat labi siya sa tanong na iyon. Napalakas yata ang kanyang pagkakatanong.
"Nothing Sir!" Sabi nalang niya, ayaw naman niyang maghinala ang boss ng kapatid niya kung sakaling patulan niya ito.
"Do you have a boyfriend?" Tanong nito na ikinapatda niya.
"No Sir!" Mabilis niyang sagot.
"Good." Sabi lang nito, tsaka lang nag sink in sa kanya na di pala para sa kanya ang tanong na iyon. It is supposed to be for her twin sister. Pero tama naman ang sagot niya dahil at this moment ay break na din naman ang kakambal at ang ex boyfriend na nito ngayon, kaya safe na din siya, siguro ay mas magiging maingat nalang siya sa mga pagtatanong ng lalaki.
Umuna ng maglakad papalabas ng gusali. May mga mangilan ngilan na mga empleyado pa ang natira na yumuko pa ng bahagya sa kasama niyang lalaki. Kung di lang talaga magaspang ang ugali ng lalaki ay baka nagka crush pa siya dito. Pero dahil alam niya kung gaano kasungit at ka arogante ang lalaki ay pass na agad.
Kahit patang pata ang katawan niya ay wala siyang magawa para tumutol. Di naman niya alam ang terms ng pagtatrabaho ng kapatid niya sa kompanya ng lalaki. Ayaw niyang bigyan ng problema pa ang kakambal lalo na ngayon na alam niyang iniinda pa nito ang pakikipaghiwalay sa boyfriend nito ng ilang buwan.
Maganda ang pasahod at maraming incentives sa kompanya, ayun na din sa kaibigan at sa kakambal niya, kaya kahit lipas na ang pagkakagusto ng kapatid niya dito ay di na ito nagbalak pang mag resign pa. May mga kapwa lang talagang empleyado na feeling tagapagmana kaya nakakasira ng working environment ng mga naroon.