Mico 3

2033 Words
Sa isang sikat na mall ng mayayaman sila nagtungo, sa totoo lang medyo nahihilo siya sa pagod at nakaidlip nga siya sa biyahe lalo at medyo malayo din naman ang naging biyahe nila. Nagtanong na siya sa kakambal niya kung lagi bang ganun ang ginagawa ng boss nila na kung saan saan siya dinadala after work. "Ngeee of course not, di naman yan nangangausap si Sir, formal lang palagi at naka organize ang lahat lahat dapat. Ayaw na ayaw niya ang sumasagot sagot sa kanya." Yun ang reply na nagpakaba sa kanya, may kasalanan pa naman siya kanina sa boss nito. Makailang ulit niya din na nahuling titig na titig sa kanya ang lalaki. Di niya alam kung nakahalata ba ito na magkaibang tao sila ng kakambal niya. "What do you think?" Untag nito na iniharap sa kanya ang dalawang set ng mga alahas. Alam niyang di basta basta ang presyo ng mga iyon lalo na kung titingnan ang mga nagkikislapang mga bato sa gitna ng mga iyon. Alam niyang it cost a millions or so. Mukhang spoiled na spoiled nito ang mga magulang nito at masama yun dahil plus na naman paghanga niya ang ganun. "Tingin ko po ito." Turo niya sa isang set na may Jade na bato. Marunong siyang mag design ng mga alahas at nagsimula na din siyang magpagawa ng kanyang personal na collection ng designs and hopefully soon ay magagawa niyang i launch iyon. Alam niyang masyadong ambitious ang kanyang goal, pero para sa kanya kasi why settle for less if you can have more? Kaya go lang. "Smart choice! Okay I'll get this one." Sabi ni Mico sa sales personnel na siyang nag assist sa kanila. Akala niya ay uuwe na sila matapos na mabili ang alahas. Pero mali pala dahil pagkalabas nila sa jewelry shop ay muli silang pumasok sa loob ng isang shop this time ay isang boutique naman. "Isukat mo to." Napakunot ang noo niya nang iabot nito ang isang kulay beige na dress. Alam niyang babagay sa kanya ang damit na iyon, balingkinitan ang kanyang katawan at di naman sa pagmamayabang ay maganda ang hubog ng kanilang katawan ni Faith. Kahit na lumamon sila ng lumamon ay di sila tumataba. "Po!? Nagugulohang tanong niya dito. "Sabi ko isukat mo." Sabi nito na abala sa pagkuha ng iba pang mga damit sa display rack. Nagugulohan man ay nagpaunlak siya sa pag fit ng naturang damit. Siguro ay binabalak lang nito na makita kung maganda ba ang fitting sa katawan. Baka gusto nitong mag regalo ng dress tapos kasing katawan niya. Na excite din naman siyang makita ang lapat ng damit sa katawan niya. "Saan ang fitting room?" Tanong niya sa isa pang sales personnel na nakita niya. "This way Ma'am!" Sabi nito na itinuro ang dulong bahagi ng boutique. Gaya ng inaasahan niya ay bagay sa kanya ang kulay at ang fitting ng damit. Kasyang kasya lang sa kanya na tila ba ay pinasadya talaga. Gusto niya din sana pero alam niyang mahal ang presyo niyon. Di siya mag aaksaya ng ilang libong piso para lang sa iisang damit. "Sir!" Gulat na gulat siya nang mabungaran niya ang lalaki sa labas mismo ng fitting room. "Perfect! Okay na to, just charge it to me." Bulalas nito nang makita ang kanyang porma. "Sure Sir, isusuot na po ba ni Ma'am?" Tanong ng sales personnel sa kanila na ikinapatda niya. "Yes-" "Naku hindi-" Halos pasabay na sagot nilang dalawa. "Pakitanggal ng teketa." Sabi nito sa sales personnel. "Pero Sir-" "May pupuntahan pa tayo, you need to change your dress." Sabi nito na tila planado na ang lahat. Pagod na siyang umangal at makipagtalo pa dahil alam niyang wala na siyang magagawa pa. Saka nalang siya magtatanong pag sila nalang dalawa. Gusto niyang matulog at ipahinga ang kanyang katawan pero mukhang she can't say no sa boss ng kakambal niya. Tiniis niya ang mahabang lakaran lalo na nung papunta na sila sa tila malaking Villa. "Ano po ang ginagawa natin dito?" Tanong niya dito. "It's your idea to attend the reunion, so here we are." Naka smirk pa ang gago. Napakagat labi siya sa kanyang narinig, mukhang siya din pala ang naglagay sa kanyang sarili sa sitwasyon niya ngayon. Mabuti nalang pala at di niya naisipang awayin at komontra sa mga pinaggagawa ng lalaki sa kanya. Siya nga pala ang sumagot sa tawag ng ina nito kanina. Parang gusto niyang umurong nalang pero mukhang walang balak ang lalaki na patakasin siya dahil hinawakan na kaagad nito ang kanyang kamay. "Plan to escape? Now you'll know why I don't want to attend these kind of crazy ideas." Tudyo nito sa kanya. Mukhang matutraumatize siya sa uri ng reunion na meron ang pamilya ng boss niya. Pero wala naman siyang dapat na ikatakot sa mga ito, kung anuman ang meron siya ngayon ay marangal niyang nakuha iyon. Mapera man ang mga ito ay pareho lang naman silang tao. Pagbungad palang sa venue ay iba na ang kanyang pakiramdam. Alam niya na kaagad na di siya belong sa ganung lugar. Parang nasusuka na kaagad siya sa amoy ng ibat ibang mamahaling pabango. Alam niyang magpaplastikan na naman ang mga mayayaman at ang mga feeling mayaman sa loob. "Scared now?" Tila nananakot pa na tanong ng abnormal na boss ng kakambal niya. "Bakit naman ako matatakot? Nasa loob ba si dracula?" Pamimilusupo niya. Tila nawala ang kanyang antok sa kanyang sitwasyon ngayon. Maling mali palang talaga ang sagutin ang tawag ng ina ng lalaki. Kung sana ay alam niya na magiging pasakit sa kanya ang pagsagot na iyon sana ay di nalang niya sinagot. Malay ba niyang ganito ang kahahantungan. "Look who's here!" Nadinig niyang sabi ng isang may edad na babae. "Ready?" Pabulong na tanong ng lalaki sa kanya. Mukha ba siyang ready na pumasok? Baka ready na tumakbo pauwe. Si niya gusto ang vibes sa loob. "Who is she?" Dinig niyang tanong ng isang babae doon. Alam niyang isang sikat na personality ang babae dahil pamilyar sa kanya ang mukha nito. Pero wala naman siyang pakialam sa babae kung sikat man ito. Basta ang alam niya lang ay tila ang baba ng tingin ng mga naroon sa kanya. "Hi Mico, I didn't expect you to attend such events." Sabi ng isang lalaki na medyo hawig ng boss ng kakambal niya. Pero di niya gusto ang awra nito. Nagkibit balikat lang ang katabi niya. Alam niyang di maganda ang relasyon ng lalaki sa mga kaanak sa unang tingin palang. Nakita niya ang tila disgusto sa kanya ng mga ito lalo na ang mga mas nakakatanda. "Bakit ganyan sila tumingin sayo? Para kang lalamunin ng buo?" Di niya napigilang isatinig dito. Parang di naman welcome ang lalaki doon pero ang kabilin bilinan ng Mommy nito kanina ay pilitin si Mico na umattend. "Ipinadala ka ng Mommy mo na ambisyosa?" Dinig niyang sabi ng isang ginang. "None of your business!" Sikmat ng lalaki sa babae. "Aba't pinalaki ka talagang bastos ng Mommy mo!" Nanggagalaiti na bulalas ng babae. "Hindi po Tita Ynes nagmana lang po talaga ako sa inyo, diba po bastos kayo?" Seryuso ang mukha na sagot ni Mico sa ginang. "Mico, wag mong sabihan ng ganyan ang Mommy ko!" Sabi ng lalaki na kahawig ni Mico. "Binabalik ko lang sa Mommy mo ang sinasabi niya. Now stop pestering me. Di kayo ang ipinunta ko dito." Sabi ng lalaki na bahagyang hinawi ang lalaki. Tila lalo namang nanggagalaiti ang lalaki sa sinabi ni Mico. "Ang yabang yabang mo, bakit? Ano ba ang ipinagmamalaki mo?" Sabat naman ng isa pang lalaki. "Lolo hi!" Sabi ni Mico sa isang matanda doon. Di na nito pinatulan pa ang mga kaanak na naroon. "O my Mico, hijo kumusta ang investment natin sa Quantum Builders?" Magiliw na tanong ng matanda sa katabi niya. "Nasa implementation period na po Lo, looking forward po sa Don Marcelinos." Sagot nito na bahagyang sumulyap sa mga kaanak na naroon. "Don Marcelinos? You mean the billion dollar deal?" Tanong ng isa sa bisita na pinsan yata ng lalaki. Walang sinuman sa mga nandun ang kinakausap ng boss ng kakambal niya maliban sa lolo nito at sa isang Tito nito. Di man lang nakaporma ang mga pinsan ng lalaki dito. Halatang halata sa mukha ng mga ito ang inggit at pagka dismaya sa mga nangyari. Alam niyang balak pa sana ng mga ito na laitin at okrayin ang lalaki pero mukhang na back to you ang mga ito. "Akala ko ba na secure mo na ang deal na yun?!" Dinig niyang pabulong na tanong ng tiyahin ni Sir Mico sa katabi nitong anak yata nito. "We've been disqualified, masyadong maselan ang may ari ng kompanyang yun." Tila naiinis na paliwanag naman ng katabi nito. "Damn that brat, siguro alam ng mga investors na mas pinapaboran ni Lolo mo yang si Mico kaya nakuha." Sabi naman ng isa pang babae. Ayaw niyang tingnan ang mukha ng mga ito baka mahalatang masyado siyang mapagmatyag. Nakakairita pala ang makinig ng mga tsismis ng mga kaanak. Good thing na wala silang ganung mga kaanak. May mga kamag anak din naman sila pero di nila kilala, pero it's better that way. Ayaw niyang masira ang kanyang peace of mind palagi. Parang ang hirap pakisamahan ng mga kamag anak pala. "Just don't mind them, they are just a jealous relatives who's afraid to be left behind." Bulong sa kanya ng boss ng kakambal niya na bahagya pang yumuko. Nagmumukha tuloy silang naghahalikan. "Yang babaeng kasama niya, saan siya napulot yan?" Mukhang siya na ang punterya ng mga ito. Akala yata ng mga ito ay di siya pumapatol, wala naman siyang pakialam sa mga ito kaya deadma. "I don't know, ang alam ko kasi ay si Lyka ang madalas na kasama niyan." Sabat ng isa pa. Parang natigil ang mundo niya sa kanyang narinig, alam naman niyang wala naman siyang dapat na pakialam dahil boss and employee lang naman ang meron sa pagitan nilang dalawa. Pero parang may kakaibang kirot sa puso niya ang makarinig ng ibang pangalan ng babae. "Baka isa sa mga anak ng kasosyo niya sa negosyo?" Sabat ng isa. Sa isip isip niya lang, bakit kailangan nilang alamin ang lahat ng bagay bagay sa ibang tao? Ano bang pakialam nila sa love life ng iba kahit pa kamag anak nila? Ikagugutom ba nila ang pag unlad ng iba? For sure hindi naman, pero bakit ganun na parang competinsya ang tingin ng mga ito sa lahat ng tao sa paligid nila. "Baka naman parausan," sagot naman ng isa na may hagikhik pa. Malapit lang siya sa mga ito kaya dinig na dinig niya may kasama pang hagikhikan ng mga ito. Nakakainsulto. "Guys meet my personal assistant Miss Faith, isinama ko siya dito dahil galing kaming pareho sa isang meeting. Ayokong nakakarinig ng kung ano anong kadumihan sa utak na meron kayo." Napaigtad siya sa malakas na boses ni Mico na pumuno sa bulwagan. "Nakakahiya kayo, kailan ba maayos yang mga baluktot niyong ugali!" Bulalas ng isang tiyuhin ni Mico. "Tito kasi-" "Enough! Apologize now!" Sabi nito na itinuro pa siya. "We're just expressing our opinion tito!" Depensa pa ng isa sa mga pinsan ni Mico. Parang bunch of b***h cousins ang meron ang lalaking katabi niya. Di na siya magtataka kung puro mga pasosyal lang ang alam ng mga ito na gawin sa buhay. Ganun naman ang mga karamihan lalo na pag sheltered masyado ng mga magulang. "We don't need your damn opinion, if you have opinion just keep it yourself!" Sa tinig ng may edad na lalaki ay parang gusto niya ding manginig. Walang sinuman ang nagtangka na sumagot pang muli. Namalayan nalang niya na isa isang humingi ng pasensya ang mga kamag anak ng lalaki. Alam niyang labag sa kalooban ng mga ito ang ibaba ang pride ng mga ito sa isang kagaya niya lang na personal assistant lang naman ng lalaki. Pero walang nagawa ang mga ito sa tiyuhin ng mga ito. "Just calm down, hayaan mo lang sila. They are just brainless creatures." Sabi ng katabi nilang babae na kausap pala siya. Tumango lang siya, wala naman siyang paki sa mga ito. Nakaka bwesit lang ang mindset na meron ang mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD