Nagpaalam siyang mag cr saglit para naman lumuwag luwag din ang kanyang pantog. Bukod dun ay nahihilo din siya sa kulay ng mga ilaw sa paligid. In short gusto niya ng space, kung pwede sana yung matagalan na space. Pero sa ngayon enough na muna ang saglit na space.
"Ipinamana na kaya ni Lolo kay Kuya Mico ang Isla Pula?" Dinig niyang tanong ng isang tinig ng babae.
"Di ko alam e, si Daddy nga nag try na tanungin si Lolo kung kanino niya ibinigay ang Isla Pula." Sagot naman ng isa.
"Sana sa atin nalang no, it so frustrating to wait for the time na ibigay na ni Lolo sa atin yun." Maarteng sabi ng isa.
"It's supposed to be ours, alam mo naman na Daddy is the first born. Definitely he can have the privilege to have that island." May tawa pa sa dulo na sabi ng isa.
"Di tayo dapat magpaka kampante, Mico already get that billion dollar deal. Di na ako magugulat kung sa kanya ibigay ni Lolo ang isla." Sabi naman ng isa. Mukhang may natira din naman palang may sense of humor sa mga kaanak ni Mico.
"Ano ba Jelliene? Kanino kaba talaga kakampi?" Halata ang pagkainis sa boses ng babaeng maarte.
"I am not siding to any of you, besides kung sinuman ang pagbibigyan ni Lolo I think deserve naman niyang makuha ang island." Sabi ng babae. Alam niyang naiinis na ang mga kasama nito sa sinabing iyon ng babae.
"A basta dapat sa amin mapupunta yun, period!" Sabi pa ng babae. Mukhang buhay pa ang lolo ni Mico ay pinagbabalakan na ng mga apo nito na chop chopin ang mga ari arian ng matanda.
Sa mga magkakamag anak ay meron at meron talagang isang greedy. At sa pamilya ng boss ng kakambal niya ay mukhang ninety five percent sa mga ito ay greedy. Yung five percent ay unknown pa, kumbaga naka hide pa ang kanilang greedy side.
"That woman, bakit isinama siya ni Kuya Mico dito? Alam naman natin diba na ayaw na ayaw ni Lolo ng outsider sa mga ganitong affairs." Mukhang siya ang balak na gawing pulotan ng mga bitches.
"Ahemrm..." Kunwari umubo siya para malaman ng mga ito na naroon siya sa loob ng comfort room.
Pinakaayaw niya pa naman sa lahat ay ang pinag uusapan siya ng harap harapan na parang wala siya doon. Tapos ang malala pa sa lahat ay di pa maganda ang ginagamit sa salita para sa kanya, mapipisil talaga ang kanyang anger button pagka ganun.
"Girl, mind your own business! Some things aren't meant to be overheard. Where are your manners, though?" Sabi ng isang babae doon. Good thing she has this ear buds always. She removed her ear buds, tumingin siya sa pinsan ni Mico na parang anumang oras ay mananakmal na. As if natatakot siya sa mga ganung kamalditahan.
"May sinasabi ka?" Kunot ang noo na tanong niya dito. Nakita niya ding natigilan ang babae nang makitang may ear buds nga siya.
"What are you doing here?" Parang tangang tanong pa nito sa kanya. Tiningnan niya ito ng nakakaloko.
"Bakit ano po ba ang ginagawa sa cr? Can I eat here?" Papelosopo niyang tanong dito na ikinatawa ng dalawang pinsan nito na nakatayo malapit sa pinto.
"Tsss matalas ang bibig mo a, don't forget that you are just an assistant!" Inis na sikmat nito. Inikotan niya lang ito ng mga mata niya.
"Alam ko po yun at di ko makakalimutan." Sagot niya dito.
"Then why you talk to me like that!"
"Bakit hindi? Boss ba kita? Pagkakaalala ko ay di naman ikaw ang boss ko." Sagot niya na inilabas ang kanyang lip gloss mula sa kanyang pouch. Gusto niyang lalong asarin ang babae.
"Mana ka sa amo mo, walang modo!"
Tungayaw nito.
Pagkakaalala niya ay ito ang panganay na pinsan ni Mico. Until now ay single parin at patuloy na palamunin ng magulang.
"Kalma kalang, alalahanin mo malapit kanang tumandang dalaga diba?" Pang aasar niya.
"You!"
"Oops kalma! Bye!" Sabi niya sabay talikod dito. Alam niyang hihilain ng babae ang buhok niya, pero wala siyang balak na patulan ito kaya mabilis siyang yumuko dahilan para ma out balance ang babae.
"Hawakan nyo yan!" Utos pa nito sa dalawang pinsan nito.
"Bakit naman ako susunod sayo, mapahamak pa kami niyan. Halika na Flen." Sabi ng isa na nauna na sa kanya palabas.
"Baka tumandang dalaga ka sa pagka bugnotin mo." Sabi niya bago siya lumabas ng tuloyan sa cr.
Ang hirap talagang maging mahirap lalo na kung makasagupa kapa ng mga kagaya ng kaanak ni Mico na mayayaman. Masyadong mataas ang tingin sa sarili nila kahit wala namang sariling achievements pa sa buhay. Palamunin palang pero ang sungay kilokilometro ang haba.
"Saan ka galing?" Napaigtad pa siya nang makita ang boss ng kakambal niyang tila hinahanap siya. Di niya tuloy alam kung kikiligin ba siya o maiinis siya sa tila pagiging clingy nito ngayon.
"Nag cr, bakit po boss?" Tanong niya dito. Nakita niyang tila nagulat ito sa kanyang pagtawag dito ng boss. Sumagi sa isip niyang minsan na pala siya nitong sinita nung unang nag swap sila ng kanyang kakambal. Napakagat labi siya nang matanto ang pagkakamaling iyon.
"Este Sir pala!" Sabi niya.
Gusto na naman niyang mainis sa lalaki, parang masyado naman itong sensitive na maging ang pag address dito as boss ay pinapakialaman pa. Pero nang maalala na ito ang nagpapasahod sa kakambal niya ay isinantabi nalang niya ang inis niya.
"Okay, sabihin mo sa kanila na nililigawan kita." Sabi nito sa kanya na ikinatulala niya. Parang ang tagal na nag sink in sa kanya ng sinabi nitong iyon. Maraming na generate kaagad na tanong sa isip niya. Una ay kung alam ba ng kakambal niya na manliligaw ang boss nito dito, pangalawang tanong ay bakit kinakailangan na ipaalam agad sa mga kaanak nito ang tungkol sa panliligaw kuno.
May isang pigura na nandun sa bulwagan pag balik nila, maganda, matangkad at maputi ang babae. Para itong manikin na gumagalaw at tumatawa, pero napuna niyang mukhang iniiwasan ito ng boss niya.
"Mico! I knew it pupunta ka ngayon!" Sabi ng babae na akmang lalapit sa lalaki. Pero mabilis na niyakap siya ng lalaki palapit dito.
"You're here." Sabi lang ng tood sa tabi niya.
"Ahm nabanggit kasi ni Tita na baka pumunta ka nga daw ngayon kaya ito kinulit ko si Tita Bam na isama ako." Sagot ng babae, maski ang pagsasalita nito ay tila kalkulado nito.
Sa una lang pala magandang tingnan ang ganun, katagalan pala ay nakaka bwesit na. Parang siya ang napapagod sa pagsasalita nito na tila takot na takot na magalaw ang bagang. Di niya alam kung masakit ba ang ngipin nito o sadyang ipinanganak na itong ganun. Oo maganda na ito at pak na pak ang katawan pero mukhang sablay naman ang kilos.
Okay na siya sa free style mode nilang magkambal. Ni minsan ay di sila pinilit ng mga magulang nila na makipag fit sa mga tao sa paligid nila. She believe na di sila ipinanganak para i please ang sinuman. At ang ginagawa ng babae ngayon ay tila inaral nito iyon na gawin para lang maging kaaya aya sa paningin ng ibang tao. Kabaliktaran naman ang kinalabasan.
"Ayusin mo yang mukha mo!" Bulong ni Mico sa kanyang kaliwang teynga.
"Huh?" Takang tanong naman niya, saka niya lang napansin ang kanyang sarili na nakangiwi pala siya habang nakamasid sa babae.
Para kasing siya na ang nahihirapan para dito. Di rin talaga maganda yung sobrang aral na aral ang bawat kilos. Ang lakas maka robot ng datingan ng babae.
"Sino siya boss? Este Sir pala." Mahinang tanong niya sa lalaki.
"She's my ex Cheryl." Maikling sagot nito.
"Ang ganda niya sana e, kaya lang parang ang OA naman ng kilos niya, parang ako ang nahihirapan sa panonood ko lang sa kanya.,"
Patuloy ang babae sa pagsasalita at wala siyang naintindihan dahil sa kakatitig sa bunganga nitong tila di numero ang galaw.
Di na nagsalita pa ang lalaki, di niya alam kung bakit kinakailangan niya pang sabihin na nililigawan siya nito. Parang kayang kaya na naman nitong supaLpalin ang babae. Feeling niya ay may balak ang babae na makipagbalikan sa boss ng kakambal niya. Pero kung siya ang lalaki ay di na siya papatol pa sa babae.
Di naman sa pagiging judgemental pero parang puro ganda lang ang puhunan ng babae. Ito ang tipo ng babae na bawal maalikabokan.