Chapter 4

1515 Words
AGATHA "Anong pangalan mo?" pormal na tanong ng babaeng sumundo sa akin sa loob ng opisina ni Sir George. "Agatha po," nahihiyang sagot ko. "Okay, Agatha. Makinig kang mabuti sa akin," sabi ng babaeng kasama ko na hindi man lang sinabi ang pangalan at sinimulan na akong turuan ng mga gagawin ko. "Heto ang menu. Pag-aralan mong mabuti para kapag may order, hindi ka malilito," may pagka-masungit na sabi nito. Pilit na pinakinggan at inunawa ko ang bawat sinabi niya, hanggang sa natapos kami at inutusan akong magbihis. Mabilis na isinuot ko ang uniform na binigay ng babaeng magtuturo sa akin at sumunod sa kanya sa isang makipot na pasilyo. Hindi pala karaniwang restaurant lang ang pag-aari ng kaibigan ni Ate crista. Talagang nagulat ako na isa palang pasugalan ang silid ang pinasukan ko. Maraming halos hubo't hubad na mga babae ang nadatnan ko sa malawak na silid. Bumabaha ang alak at maraming iba't ibang uri ng sugal ang narito na bago sa paningin ko at alam kong mula sa mga oras na ito ay magiging bahagi na rin ako. Maraming mga lalaking narito ang walang pakialam na nagsasayang ng malaking pera para sa bisyo. "Hayop ka, dinaya mo ako!" Malakas na bulyaw ng lalaking nasa dulo ng mesa, sabay bunot ng baril at tinutukan ang kaharap nito. Nanginig ng husto ang katawan ko, pero pinili kong manahimik at pumikit para hindi ko na makita pa kung anong kaguluhan sa harap ko. "Kung wala ka nang pera, labas!" Malakas na singhal ng malaking lalaki bago pinalo ng baril sa batok ang lalaking nagwawala, kaya para itong papel na bumagsak sa sahig. Nakakatakot, magulo at puno ng karahasan ang casino na pinagtatrabahuhan ko, pero wala akong magawa para makaalis at tumakas dito. Malaking pera ang binayad ng amo ko sa kapatid ko at iyon ay ang laman ng cheque na binigay niya ng ihatid ako dito at ipinagbili kay Sir George ni Ate Crista. Hindi ko na tuluyang nakita pa ang walang-hiyang babaeng iyon. Hanggang sa mga oras na ito ay hindi ko pa siya nakakausap dahil kahit minsan, hindi na siya bumalik para dalawin ako. Milyones daw ang kinuha ng kapatid ko kay Sir George. Kulang pa sa dalawang taong sahod ko at hindi ko nga alam kung kailan ko matatapos bayaran sa kanya. Gusto ko man umalis dito at hanapin si Ate Crista ay walang ibang paraan para makatakas ako, maliban na lang kung patay na ako. Ganito raw kasi ang kinahinatnan ng mga babaeng nagtangkang tumakas sa sa poder ni Sir George. Pasalamat ko na lang, dahil kahit inabot na ako ng limang buwan na nagtatrabaho bilang waitress ay wala silang ginagawang hindi maganda sa akin, dahil sunod-sunuran ako sa bawat gusto ng amo ko at kahit kailan ay hindi nag-reklamo. Puro baril ang karaniwang nakikita ko sa araw-araw. Balewala ang buhay sa casino dahil kapag magkaroon ng atraso sa grupo ni Sir George ay para lang manok na inalisan sila nang buhay ng mga tauhan ng amo ko na handang pumatay, basta sabihin lang ng boss namin. Matinding takot ang nararamdaman ko sa kanila. Ginagawa ko ang lahat para hindi ko lang makuha ang atensyon ng kahit isa sa kanila. Ilang ulit rin akong nahipuan, pero hindi ko nagawang magreklamo. Para akong robot na sunod-sunuran sa kanila at wala akong ibang magawa kung 'di ang magtrabaho kahit may mga pagkakataon na hindi maganda ang pakiramdam ko dahil nagkakasakit ako. "Pinatatawag ka ni boss sa opisina niya, Agatha," nakasimangot na sabi ni Rayza na kapwa ko waitress dito sa casino. Tipid na ngumiti ako sa kanya at nagpasalamat. Malalaki ang hakbang na pinuntahan ko si Sir George sa opisina niya dahil ayaw kong magalit siya at pag-initan ako. Malimit kasi ay nakakatanggap ako ng mura dahil mabagal akong kumilos, na hanggang ngayon ay nahihirapan akong mag-adjust, dahil mahinhin talaga ako kahit pa sa pagsasalita. Hangga't maaari, ayaw kong pumunta sa opisina ng boss namin dahil iniiwasan ko siyang makita. Natatakot ako sa kan'ya matapos ilang ulit niya akong pagtangkaang halayin. Mabuti na lang at may bigla siyang tawag o kaya naman ay dumating ang asawa ni Sir George, kaya pinalayas ako agad. Malakas ang kaba at nanginginig ang kamay ko na kumatok sa pintuan sa takot na baka kung ano na naman ang gawin ni Sir George sa akin. Baka kapag naubos na ang swerte ko ay magtagumpay siyang gawan ako ng masama. "Pasok!" malakas na sabi sa akin ng right hand ni Sir George na lagi kong nakikitang nakasunod sa kanya. Mabuti naman at narito siya, kaya nakahinga ako ng maluwag, dahil pakiramdam ko ay ligtas ako mula sa kuko ng matandang kaharap ko. "Simula ngayon, hindi ka na mag-ta-trabaho sa casino, Agatha," bungad na sabi ni Sir George kaya nagulat akong maririnig ko ito mula sa kanya dahil alam kong malaki ang perang kinuha ni Ate Crista kapalit ko ng dalhin niya dito. "Sa bar ka na mag-ta-trabaho. Mas malaki ang kikitain ko sa iyo doon, lalo na at siguradong pagkakaguluhan at pag-aagawan ka ng mga kliyente ko. Maganda ka, fresh ang mukha at katawan mo." Pakiramdam ko ay nabingi ako sa narinig ko. Hindi ko inaasahan na ipapadla niya ako sa bar dahil ayos naman ang trabaho ko sa casino. "Sir-" Agad tinaas ni Sir George ang kanang kamay kaya tumahimik ako. Nakatutok ang mga mata ko sa baril na nakapatong sa ibabaw ng mesa niya at pinaglalaruan ng kamay nito. "Go! Ayaw kong may marinig na kahit ano mula sa bibig mo, Agatha. Baka nakakalimutan mong milyon ang binayad ko sa kapatid mo, kapalit mo. Kahit habang buhay ka pang maging waitress sa casino, hindi mo ako mababayaran not unless, ibenta rin kita sa mas malaking halaga para naman may pakinabangan ako sa iyo!" Natigilan ako at hindi nakapagsalita. Matalim ang mga mata ni Sir George at nakakatakot kasi ang madilim na ekspresyon ng mukha. Wala akong nagawa kung 'di ang yumuko at pumayag sa gusto niya, sa takot na baka pahirapan at ikulong niya ako, gaya nang ginawa niya sa ibang mga tauhan niyang nagtangkang suwayin siya at tumakas sa poder ni Sir George. "Alisin mo ang babaeng iyan sa harap ko ngayon din, Baldemore, at baka mapatay ko. Sayang ang milyones na kikitain ko!" malakas na utos ni Sir George kaya mabilis na kinaladkad ako ng tauhan niya palabas. Kahit hirap maglakad ng mabilis dahil sa suot kong mataas na takong ng sapatos, kasabay ni Baldemore ay pinilit kong lakihan ang hakbang dahil mas masakit ang makaladkad. Ang lalaki ng mga hakbang niya habang hawak ako sa braso at walang pakialam kahit hirap na hirap ko. "Gayuna, ikaw na ang bahala sa babaeng ito. Alam mo na ang gagawin!" malakas na sabi ni Baldemore sa Mama Sang na kasama ko sa hostel. Ngayon ako nakaramdam ng labis na takot at panginginig ng katawan. Kilala ko ang babaeng kaharap ko na nadatnan ko sa isang silid, kung saan maraming mga manipis at kakarampot na mga damit ang naka-hanger sa sulok at may malalaking salamin na may maliit na mga ilaw sa palibot nito. "Sige, iwan mo na kami," seryoso at walang ka-ngiti-ngiti na sabi ni Gayuna na pinasadahan ng mga mata ang kabuuan ko. "Hubarin mo ang damit mo," utos nito sa akin kaya nangatog ang buong katawan ko. "P-pero-" Hindi ko natapos ang dapat sana ay paliwanag ko ng tapunan ako nito ng masamang tingin. "Ayaw ko nang maarte. Hindi ka madre at wala akong pakialam kung virgin ka pa. Marami akong trabaho, kaya gawin mo agad ang gusto ko, kung ayaw mong makatikim ng parusa ko!" malakas na bulyaw at banta ni Gayuna sa akin kaya nataranta ako. Kahit nanginginig ang mga kamay at binti ko, mabilis na hinubad ko ang uniform na suot ko sa casino." Lahat iyan, pati bra at panty!" sigaw ulit ni Gayuna. Pakiramdam ko tuluyang nanlamig ang buong katawan ko. Ito ang unang pagkakataon na naghubad ako sa harap ng ibang tao at kapag hindi ko ginawa ay siguradong parurusahan ako ni Gayuna gaya ng ginawa niya kay Michelle. Isa siya sa kinatatakutan naming mga kababaihan sa hostel. Matindi siya kung magparusa lalo na at ka partner pala siya ni Sir George sa pagpapatakbo ng iligal na negosyong ito. Isa siyang half Japanese at half Filipino. Ang alam ko at naririnig kong sabi ng mga kasama kong kababaihan sa hostel ay member umano ng Yakuza si Gayuna. Wala siyang awa, para siyang hindi babae na ipinagbibili ang mga babaeng hawak niya sa mga mayayamang guest na pumupunta sa casa. Masyado silang gahaman sa pera. Lahat na lang ng masamang gawain ay narito na. Heto at may club pa pala silang negosyo dito sa loob at private phase ng building na ngayon ko lang natuklasan dahil akala ko ay ang casa na ang bahay aliwan ng mga hayop na parokyano nila. Hindi ko alam kung ilan ang illegal na negosyong pinatatakbo ni Sir George, pero ngayon ko napagtanto na ang malaking building na ito ay puno ng ibat-ibang negosyo mula sugal, droga, human trafficking at prostìtutìon na mukhang susunod na kahahantungan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD