Chapter 5

2230 Words
AGATHA Hubo't hubàd akong nakatayo sa harap ni Gayuna habang nanginginig ang buong katawan na pinagmamasdan niya at pagkatapos at pinahiga sa sofa at sinabing ibuka ko ang dalawang mga hita ko sa harap niya. I feel violated and humiliated. Lalo na kung paano siya yumuko at malakas na hinampas ng kamay ang binti ko. Wala man lang awa na inutusan akong ibuka ko pa dahil kung hindi, malilintikan ako sa kanya. For the first time, may ibang kamay ang humawak sa kaselanan ko. Kagat ang pang-ibabang labi na napaigtad ako ng bigla niyang ipasok ang daliri sa loob ng pagkababaè ko, para tingnan daw kung virgin pa ako. Alam ko kung bakit niya ginawa ito. Malaking pera ang kabayaran sa dangal at pagkababaè ko sa oras na ipagbili ako ni Gayuna sa kung sinong demonyo mapili niya. Matinding takot ang nararamdaman ko sa mga oras na ito, lalo na ng mahigpit na dinakot ni Gayuna ang mahabang buhok ko at sinabunutan nito. Lumapit ang mukha niya sa akin, habang nakatitig pa ang maliit at matalim na mga mata nito sa mukha ko. "Huwag kang maarteng babae ka! Malaking pera ang binayad ni George sa kapatid mo, kaya kailangang bayaran mo ng triple!" malakas na sigaw nito sa mukha ko. "Or else, ako mismo ang puputol d'yan sa hininga mo, at ibebenta ko ang lahat ng organ mo sa black market para mas malaki ang kitain ko!" nakakatakot na singhal ni Gayuna sa akin, kaya nangatog ang katawan ko sa labis na takot. Tahimik na napaluha na lang ako. Gusto kong sumigaw ng malakas at magmakaawa sa kanya na pakawalan ako, pero hindi ko magawa. Bihag na nila ako at hawak sa leeg. Wala akong ibang choice kung 'di ang sundin ang lahat ng gusto nila o kaya magpakamatay na lang gaya ng iba, pero hindi ko kaya. Mahina ako, takot at sa murang edad, nakaramdam ako ng matinding galit para kay Ate Crista na siyang may kagagawan kaya napunta ako dito. Ang selfish niya, sana pinabayaan na lang niya ako sa probinsya at hindi dinala dito sa Maynila para ibenta. Doon payapa ang buhay ko. Malayo sa kung anong nararanasan ko dito sa lugar na sakop ng sindikato ni Sir George. Walang kapayapaan ang buhay ko dito. Puno ng takot at kaba araw-araw ang isipan ko dahil sa mga taong nasa paligid ko. "Bumangon ka na d'yan!" singhal ni Gayuna sa akin, dahil tulala lamang akong nakahiga sa sofa, habang tumutulo ang luha mula sa mga mata. "Tigilan mo ang kaiiyak. Malilintikan ka sa akin kapag mamaya, mugto ang mga mata mo at nag-reklamo ang magiging customer mo," sabi pa nito kaya nanlamig ang pakiramdam ko sa buong katawan ko. Hindi ko na yata matatakasan ng prostìtution. Nasadlak na ako sa maruming lugar na ito ng tuluyan dahil heto, hubo't hubad na kinaladkad ako ni Gayuna papunta sa isang maliit na entablado sa isang silid at sinabi niyang sumayaw ako. Hindi ko alam kung anong una kong gagawin ng biglang nag-play ang music. Itinaas ni Gayuna ang daliri at sinabing igiling ko ang katawan ko. Sinubukan kong gawin, pero sadyang mabagal akong gumalaw kaya na galit si Gayuna at muling sinabunutan ang mahabang buhok ko. "Kapag hindi ka umayos, makikita mo!" malakas na banta nito na pinalo ng kanang kamay ang balakang ko. Kagat ang pang-ibabang labi na iginalaw ko ang katawan ko para pigilan na huwag humagulhol. Sobrang bigat na nang dibdib ko at kaunti na lang, alam kong sasabog na ako. "Igiling mo iyan, tumingin ka d'yan sa salamin sa harap!" pasinghal na utos ni Gayuna. Sinunod ko siya, ginawa ko ang gusto ni Gayuna. Kahit hindi ako marunong sumayaw ay sapilitang pinagbuti ko ang paggiling ng katawan. Paulit-ulit na hinihiling ko sa diyos na sana, matapos na ang lahat ng ito at makawala na ako sa kamay ng sindikatong may hawak sa buhay ko. Hindi ko matingnan ang sarili ko sa salamin habang malaswang gumigiling ang katawan. Ganito pa lang, nandidiri na ako. Paano pa kaya kapag nasa stage na ako sa loob ng club sasayaw ng nakahubad at maraming mga demonyo ang nanonood at hindi malayong isa sa kanila ang bumili sa akin at kumuha ng virginity ko? Isipin ko pa lang 'yun, mababaliw na ako. "Wala na bang ilalambot pa ang katawan mo?" galit na sigaw at tanong ni Gayuna. Gamit ang itim na belt, hinampas niya ako sa balakang kaya napaigik ako. Ang sakit, mahapdi sa balat, kaya napapikit ako pero hindi ko magawang tumigil dahil alam kong higit pa dito ang mararanasan ko sa oras na magalit sa akin si Gayuna. Ilang saglit pa, may tinawagan si Gayuna at sinabing pumunta umano dito sa training room. Hindi nagtagal may babaeng pumasok at inutusan akong turuan ng tamang sayaw. Siya si Emma, isa sa dancer sa club at gaya ko, hawak rin siya ni Gayuna at Sir George. "Ipitik mo pa ang balakang mo, Agatha. Parang ganito," sabi ni Emma na malanding sumasayaw sa tabi ko at sinabing gayahin ko. Hiyang-hiya ako sa sarili ko, lalo na at hubo't hubad ako, pero balewala ito sa dalawang kasama ko. Halos wala na rin naman kasing saplot si Emma. Tanging pulang g-string at bra na halos kita na rin naman ang dibdib niya dahil wala namang natakpan ang suot niya. "Very good. Mabuti at malambot ang katawan mo, kailangan mo lang ng ilang touch of art, Agatha," sabi ni Emma sa akin na tinapik ako sa balikat. Kahit paano, nakahiga ako ng maluwag dahil lumabas na si Gayuna. Bago ito umalis, sinabihan akong mananagot kaming dalawa ng kasama ko kapag mamayang gabi ay hindi ako nakapag-perform ng maayos. "Magpakabait ka lang at sundin mo ang gusto nila, para hindi ka masaktan at pag-initan, Agatha," pabulong na sabi ni Emma dahil may camera raw na nakatutok sa amin dito sa silid at pinapanood kami, kaya kailangan kong pagbutihin ang ginagawa ko para mamayang gabi, handa na ako Lalo lamang akong nakaramdam ng takot at kaba knowing na posibleng may iba pa palang nakakakita sa hubàd na katawan ko. Panay na ang panalangin ko na sana, isang panaginip lang ang lahat ng ito at sana paggising ko, wala na ako sa nakakatakot na lugar na ito. "Relax ka lang, Agatha. Walang gagalaw sa iyo dito hanggang narito ka. Mamayang gabi ang totoong laban mo, kaya mag-ingat ka," sabi ni Emma kaya lalo lamang akong kinabahan. Ngayon pa lang, matinding takot na ang nararamdaman ko. Paano pa kaya mamaya? Baka himatayin ako kapag kaharap ko na ang mga demonyo. Apat na oras akong nag-training. Matinding pagod ang nararamdaman ko at masakit na rin ang buong katawan ko lalo na ang mga binti ko. Sinabi ni Emma na maligo ako dahil aayusin pa niya ang buhok at lalagyan ng make up ang mukha ko, pero bago iyan, kailangan ko munang mag-shave para wala raw balahibo ang mga binti ko. Para akong robot at walang isip na sunod-sunuran sa bawat sinasabi ng mga taong nasa paligid ko. Kulang na lang ay huwag akong lumabas sa banyo at lunurin ang sarili ko sa isang baldeng tubig, pero wala akong lakas ng loob para gawin ang bagay na tinatakbo sa isipan ko. Ang bilis ng mga pangyayari. May babaeng lumapit sa akin at nilagyan ng lotion ang buong katawan ko. Pinasuot niya ako ng kulay blue at magkapares na underwear at pinaupo sa harap ng salamin saka sinimulan patuyuin ang buhok ko. Siya na rin ang nag-apply ng make up sa akin. Pinasuot niya ako ng kulay pula at mataas na sapatos. Inutusan rin ako na isuot ko ang manipis na robang balot sa katawan ko na lumagpas lang kaunti sa punong hita ko at kita rin naman ang lahat sa akin dahil manipis ito. "Tapos na tayo ha, huwag kang malikot para hindi tayo umulit. Alam mo naman na gusto ni Gayuna na maganda at perfect ang ganda mo," sabi ng make-up artist na nag-ayos ng buhok ko. Nakatitig lamang ako sa repleksyon ko sa salamin. Parang ibang tao na ako. Malayo sa mahinhin at probinsyanang babaeng pumunta dito sa Maynila six months ago. Halos hindi ko na nakilala ang sarili ko, lalo na at malaki ang pagbabago ng itsura ko dahil sa make up na nasa mukha ko. "Wow, perfect! Napakaganda at sexy mo, Agatha," sabi ng make up artist matapos makita ang kabuuan ko. "Isa ka sa pinakamagandang mukhang dumaan sa mga kamay ko," natutuwang bulalas pa nito. Hindi ko nga alam ang pangalan niya at hindi na ako nag-abalang magtanong pa. Wala sa kanya kasi ang atensyon ko dahil occupied ang isip ko sa mangyayari mamaya paglabas ko sa silid na ito. Panibagong mundo ang haharapin ko. Magulo, mas nakakatakot at higit na banta sa buhay at kaligtasan ko, lalo na sa dignidad ko bilang babae. Gusto kong tumakbo palabas at tumakas sa poder ni Sir George. Kahit minsan, hindi ko pinangarap na tumapak sa lugar na ito, lalo na ang maging babaeng taga aliw. Simple lang naman ang pangarap at gusto ko, iyon ay ang makapagtapos ako sa pag-aaral dahil gusto kong mabuhay ng marangal. "Uy, huwag kang umiyak. Baka makita iyan ni Gayuna at saktan ka. Sayang ang make up mo, Agatha," pabulong na sabi ng babaeng kasama ko, kaya nag-iwas ako ng tingin sa kanya at binaling sa pader ang paningin ko. "Heto, last na ito," sabi pa nito sabay spray ng pabango sa katawan ko. "Halika ka na, Agatha. May ten minutes ka pa bago ang number mo, galingan mo ha. Malay mo, swertehin ka," nakangiting sabi sa akin ni Ate Jho na ngayon ko lang na tanong ang pangalan. Malakas ang kabog ng dibdib na naglakad ako papunta sa entrance ng entablado. Naririnig ko na ang music mula sa loob kaya lalo lamang akong kinakabahan, dahil alam kong pagkatapos nito ay ako na ang susunod kaya panay ang dasal ko na sana ay malaya ko. "Ikaw na, Agatha. Nasa harapan si Gayuna, kaya kailangang huwag kang mataranta, para hindi ka niya parusahan. Kapag na galit siya at hindi nagustuhan ang performance mo, pati si Emma, mananagot dahil siya ang nagturo sa iyo," paalala ni Ate Jho kaya kagat ang pang-ibabang labi na tumango ako. Narinig kong malakas na tinawag ang pangalan ko ng lalaking nasa harap ng pintuan kung saan ako hinatid ni Ate Jho. Nang makapasok ako. Sinabi ng kung sinong may hawak sa microphone kung ilang taon na ako, sukat ng katawan ko at maging ang tungkol sa virginity ko. Para tuloy akong isang bagay na gusto nilang ibenta, habang nangangatog ang binti na naglalakad ako papunta sa maliit na entablado sa gitna. Unti-unting sinimulan ko ang trabahong inutos ni Gayuna at sir George sa akin. Kinalas ko ang tali ng roba sa bewang at dahan-dahang hinubad sa katawan at pagkatapos ay hinagis sa sahig. Iba ang atmosphere sa lugar na ito. Malayo sa kung ano ang napanood ko noon sa television ng mga panahong nasa probinsya pa ako at tanging ang mga teleseryeng inaabangan ko ang batayan ko kung ano ang Maynila sa paningin ko. Akala ko maraming tao, magulo at maingay ang club, pero ang pinagtatakhan ko ay bakit si Gayuna lang ang narito kasama ng nag-iisang lalaking umiinom at nakaupo sa sofa. Hindi kaya sa kanya ako ipinagbili at siya na ang bumili ng pagkababaè ko? Sinunod ako ang sinabi ni Emma na huwag tumingin sa harap. Basta gumiling ang katawan ko at sinabayan ang maharot na musika at ginaya ang bawat step na naalala kong tinuro niya sa akin. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko, pero sinikap kong huwag magpa-apekto sa mga taong nasa harap ko. Kaunti lang sila, dalawa lang pala, pero nakakatakot ang mga seryoso nilang mukha at kahit malayo at may kadiliman, ramdam ko ang matalim nilang mga mata. Sunod-sunod na napalunok ako nang sariling laway ng magtama ang mga mata namin ng lalaking nasa gitna. Lalong lumakas ang kaba sa dibdib ko at talagang nangangatog ang buong katawan ko habang pilit na sumasayaw sa takot na parusahan ni Gayuna kapag nagalit siya. Saglit na natigilan ako at awang ang labi na napatingin sa lalaking hindi inaalis ang mga mata sa direksyon ko ng tumayo ito at itinaas ang kamay para tawagin ako. Hindi ko alam ang gagawin ko, kaya napunta sa direksyon ni Gayuna ang paningin ko. Umiling ito sa akin at tumayo rin para lapitan ang lalaking nakatitig sa kin. Matinding takot ang nararamdaman ko sa mga oras na ito, lalo na nang makita kong mabilis na bumunot ng barìl ang lalaking may nakakatakot na mga mata at tinutukan sa ulo si Gayuna. Napatayo ako ng tuwid at malakas na napasigaw ng biglang may narinig akong sunod-sunod na putok. Duguang bumagsak sa harap at paanan ng lalaking may madilim na ekspresyon sa mukha ang wala ng buhay na si Gayuna. Hindi ko malaman kung anong gagawin. Takot na takot ako at pakiramdam ko ay sumikip bigla ang paghinga ko ng bumaling sa akin ang mukha ng lalaking kinatatakutan ko. Tinangka niyang lumapit sa akin, pero mabilis na humakbang ako patalikod para makalayo sa kanya. Biglang namatay ang ilaw at mula sa likuran ko ay may naramdaman akong kamay na humawak sa braso ko at kinaladkad palabas sa silid kung saan nasaksihan ko ang malupit na kamatayan ni Gayuna sa kamay mismo ng nakakatakot na lalaking bumarìl sa kanya sa harap ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD