ELLYSE MARIE ROMANO-DEL PIERRO “Dulce!” Napalingon ako bigla sa tumawag niyan sa akin. Nakita ko si Yuri na nakatayo at nakasalikop pa ang magkabilang braso. Nakatingin ito sa akin ng may ngiti sa labi. Nagsalubong ang kilay ko dahil sa pagtataka. “Dulce?” nagtataka kong tanong sa kanya. Ako ba ang tinatawag niyang Dulce? Kailan pa naging Dulce ang pangalan ko? Tumango si Yuri bilang sagot sa tanong ko. “Kailan pa naging Dulce ang pangalan ko?” nagtatakang tanong ko sa kanya. Sa pagkakaalala ko, hindi ko pinapalitan ang pangalan ko sa birth certificate kaya ako pa rin si Ellyse. “Mag-asawa tayo, ‘di ba?” tanong niya. Lalo namang nagsalubong ang kilay ko. “So? Ano namang kinalaman ni Dulce sa pagiging mag-asawa natin?” tanong ko. Maya-maya ay nanlaki ang mga mata ko sa bigla kong nai

