ELLYSE MARIE ROMANO-DEL PIERRO “Hala!!! Kakanta sila Philipp at Drew!” narinig kong sigaw ni girl one. Kung makasigaw kala mo bingi ‘yung kasama niya. “Oo nga, Bestie! Magkakaroon sila ng concert mamaya!” sigaw naman ng kasama niyang girl. “Sayang at hindi kasali si Prince Yuri,” nanghihinayang naman si girl three na talagang nagpalingon sa akin at nagpatingin sa mga babaeng nag-uusap. “Anong meron?” tanong ko kay Albie na nakaupo sa upuan nito at tamad na tamad na nakatingin sa akin. Kanina ko pa kasi napapansin habang nakaupo ako dito sa upuan ko na parang kiti-kiti na kinikilig ang mga babae kong classmate at ‘yan ang usap-usapan. Nagkibit-balikat lamang si Albie bilang sagot sa tanong ko. ‘Yan ang napapala ng taong tulog nang tulog, walang kaalam –alam sa mga nangyayari sa mundo n

