ELLYSE MARIE ROMANO-DEL PIERRO Magkatabi kaming nakaupo ni Yuri sa mahabang upuan na gawa sa kahoy dito sa bakuran. Madilim na ang paligid. Kapwa nakatingala kami nang tingin sa kalangitan na punong-puno ng mga nagkikislapang mga bituin. Nakakabingi rin ang katahimikan ng paligid at tanging mga huni ng ibon, kulilig at ingay ng nagbabanggang sanga ng puno ang tanging maririnig. Walang nagsasalita sa aming dalawa. Para na ngang napapanis ang laway ko dito kasi kanina pa talaga kami hindi nagsasalita. Ewan ko ba, pagkatapos ng horse-back riding na ginawa naming dalawa ay parang nagkaroon ng pader sa pagitan naming dalawa na ewan ko kung kailan matitibag. Napapikit na lamang ako. Ang sarap damhin ng simoy ng malamig na hangin. Bawat pagdampi nito sa aking balat ay nagbibigay ito ng kakaiba

