THIRD PERSON “Hoy!” malakas na sigaw ni Philipp sa harapan ng mukha nang nakatulalang si Yuri. Nagulantang naman ang buong sistema ni Yuri dahil sa malakas na pagsigaw sa kanya ni Philipp kaya kaagad siyang napatingin dito na nanlalaki pa ang mga mata. Bumakas ang inis sa mukha ni Yuri.“Bakit mo ba ko sinisigawan?!” naiinis na singhal ni Yuri kay Philipp. Nakakunot pa ang noo niya. Malakas na tumawa si Philipp.“Tulala ka na naman kasi. Mabuti nga sinigawan kita diyan dahil baka kung hindi, mahipan ka ng hangin at maging habang buhay ka nang tulala,” aniya pa na ikinasama nang tingin sa kanya ni Yuri. Kasalukuyang nasa rooftop ng eskwelahan ngayon ang magkakaibigang sila Yuri, Philipp at Drew at nakaupo. Dito talaga ang tambayan nila kapag wala silang magawa. “Sino ba kasi ang iniisip

