ELLYSE MARIE ROMANO-DEL PIERRO “Rain rain go away, come again another day. Little Jhonny wants to play, rain rain go away!” Paulit-ulit kong kinakanta sa aking isipan ang nursery rhyme na rain rain go away habang ako’y nakaupo sa sofa na nasa harapan ng bintana. Nakapangalumbaba at nakatingin ako sa labas ng bintana kung saan ang lakas-lakas ng buhos ng ulan. Ang dilim rin ng kalangitan kahit pagabi pa lang naman. Bakit ba ang lakas ng ulan? Magsu-summer na pero umuulan pa rin. Epekto siguro ito ng climate change. Hay! Mabuti na nga lang at nakauwi na ako ng maaga kaya hindi ako inabutan ng ulan. Wala pa naman akong dalang payong. Naisip ko si Yuri. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakakauwi. Nag-text kasi siya sa driver namin na hindi muna ito makakauwi dahil may thesis silang ga

