ELLYSE MARIE ROMANO-DEL PIERRO “Saan ka nanggaling?” Pambungad na tanong sa akin ni Yuri pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa bahay. Nakatingin siya ng diretso sa akin na magkasalubong pa ang kilay at nakahalukipkip pa ang mga braso na nakatayo malapit sa hagdanan. Nagsalubong rin ang kilay ko. “Bakit mo tinatanong?” may pagkamataray na tanong ko. Halatang nainis si Yuri sa tanong ko. Sumimangot siya. “Huwag mong sagutin ng tanong ang tanong ko,” nagsusungit na sambit niya. “Eh bakit mo nga tinatanong kung saan ako galing? Daig mo pa ang magulang na tinatanong ang anak nila kung saan ito pumunta,” pamimilosopo ko. “Hindi mo ako magulang pero asawa mo ako kaya siguro naman may karapatan akong tanungin kung saan nanggaling ang asawa ko, ‘di ba?” tanong ni Yuri. Natawa ako. “Edi wow!”

