“Listen to me, Melvin... I think I already see a glimpse of hope about this situation... Alam na ng tatay ni Cherry na nandito si Sergio sa Metro Manila and of course, that saves us the hassle of locating his exact address!" Kumunot ang noo ni Melvin at naisip niyang mawawalan sila ng trabaho. "So hindi mo na kami kailangan sir Jake?" "Kailangan ko pa kayong dalawa... Nalaman ko na na magpapadala ang ama ni Cherry ng dalawang tao para makalusot sa bodega ni Sergio!" "Sir, uunahan namin sila. Maraming lalaki si Sergio na nagbabantay sa buong bodega. Diba napag-usapan na natin yan kanina?" "Trust me... Matalas ang utak ng tatay ni Cherry, ang mga armadong kukunin niya ay mga skilled. Sa madaling salita, mga professional killer!" "Kung ganoon, gusto mong sumama tayo sa kanila?" Ngumisi

