CHAPTER 9

1091 Words
5 a.m ng umaga ng ihatid ni Jake si Rose sa labas ng bahay nito, sakto naman dahil walang masyadong mga tao sa labas. Tinanggal na ni Jake ang seatbelt ni Rose at muli silang naghalikan. "So, sana ay nag enjoy ka sa ginawa natin?" tanong ni Jake. "Oo naman, sobrang galing mong magdala sa kama. Ang malas naman ng asawa mo dahil iniwan ka niya!" "Hahaha, I really like your sense of humor Rose, and I am so proud na ako ang naka take ng iyong virginity!" "Sa ngayon, mas mahalaga na sa akin ang nanay ko kaysa sa dangal ko. Hindi na baleng gamitin ako ng ibang lalake, wag kang mawala ang nanay ko sa akin!" "Oo naman, so talagang may next rounds pa tayo!" "Walang problema, salamat din pala sa extra cash na binigay mo sa akin, malaki ang maitutulong nito sa pang araw araw naming pagkain!" "No problem, sige ingat ka at baka may makakakita pa sa atin dito!" Masayang bumaba si Rose sa mamahaling sasakyan ni Jake at at naglakad papunta sa kanyang bahay. Takang taka naman siya ng makita niya ang sapatos ni Erik sa labas ng kanyang bahay. Pumasok siya at nakita niyana maayos ang loob ng kanyang bahay, walang mga hugasin, nakatiklop lahat ng mga damit, makintab ang sahig, at mayroon nang nakasaing na kanin. Pumunta siya sa kwarto ng kanyang ama at nakitang mahimbing na natutulog si Erik sa sofa at natutulog din ang kanyang ina sa kama nito. Nilapag ni Rose ang kanyang bag sa lamesa at pinagmasdan ang ang napakagwapong mukha ni Erik. Nagring bigla ang cellphone sa bulsa ng binata na nagpagising sa kanya. Pagdilat niya ng mata ay binati siya kaagad ni Rose. "Good morning Erik!" Nagising ang diwa kaagad ni Erik at napaupo ito sa sofa. "Goodmorning Rose, kanina ka pa ba nandiyan?" "Kakadating ko lang ngayon, and hindi ko naman ine-expect na pupunta ka dito at lilinisin mo ang buong bahay at babantayan mo ang tatay ko, sobra ko siyang na appreciate. Salamat!" "Wala 'yun, napalapit na kasi ako sa tatay mo at hindi ko naman siya kayang matiis na mag isa dito!" Umupo si Rose sa tabi Erik, hinawakan niya ito sa binti at tumingin siya rito. "Sorry ha, alam ko na nasaktan kita kahapon. Sobrang desperada na kasi talaga akong kumita ng pera kaya ko 'yun ginawa. Sobrang nahihiya na rin kasi sayo, ikaw na kasi ang halos sumusuporta sa pamilya ko and siyempre ayaw ko naman na dumipende na lang ako sa binibigay mo, halos pagchismisan ka na nga ng mga kapitbahay natin dahil sa ginagawa mo eh!" "Okay lang naman ako, pero malungkot pa rin ako... ayaw ko sanang manghimasok sa personal na buhay mo at hindi ko alam kung sasampalin mo ako pagkatapos mong marinig ang tanong na ito." Huminga ng malalim si Erik at pinagpawisan ito sa mukha. "Sinuko mo na ba ang sarili mo sa matandang lalaki na yun?" Hindi sumagot si Rose, bagkus ay niyakap na lamang niya ng mahigpit si Erik na parang sinaksak ng puso dahil sa sakit na kanyang nararamdaman. Pumatak kaagad ang luha sa kanyang mga mata at niyakap niya ng mahigpit si Rose. "Okay lang 'yun. Hindi naman ako namatay nang isuko ko ang virginity ko sa kanya, although aminado ako na masakit kas-" Pumiglas si Erik sa pagkakayakap kay Rose. "Wag mo nang ikwento, nasasaktan ako. Malungkot ako kasi mayroon nang nakahalik sa iyong mapupulang labi, at lalong hindi mo ito ibinigay sa taong mahal mo. Pero kahit na ganoon, hindi naman ito nangangahulugan na wala na akong pagmamahal sayo. Itutuloy ko pa rin ang panliligaw ko sayo. Ang tanong, interesado ka pa ba sa akin?" Tanong naman ang isinagot ni Rose kay Erik. "Ang tanong ko rin, okay lang ba sayo na ganito lang ang aking trabaho?" "Kaya naman kitang buhayin eh, ikaw at ang papa mo. Kung gusto mo dito ako titira sa bahay mo para parehas nating maalagaan ang nanay mo?" "Hindi 'yun ganun kadali, malaki ang kinikita ko ngayon at sinabi sa akin ni Jake na tutulungan niya ako sa mga magiging gastos ni nanay sa gamot man o sa pangpahospital, bilyonaryo kasi siya at barya lang sa kanya ang magiging gastos niya sa akin!" "Tapos anong kapalit? Ikaw? Papaligayahin mo siya?" "Sana hindi mo na lang sinabi sa akin, parang ang hirap kasi tanggapin!" "Alam mo Rose, believe it or not alam nating dalawa na nag gagamitan lang kayo. Ang mga lalaki, sa umpisa lang 'yan magaling pero kapag nagsawa na siya sa katawan mo, sure ako na iiwan ka niya. Paano kung mabuntis ka niya tapos may pamilya pala siya?" "Mayroon talaga siyang pamilya pero ang sabi niya sa akin, wala daw sila ng asawa niya kaya okay lang na ginawa namin 'yun. Naaawa nga ako sa kanya kasi palagi pala siyang pinaghihinalaang may babae ng asawa niya kahit wala naman talaga!" "Sus, naniwala ka naman? Paano kung niloloko ka lang niya? Siyempre bobolahin ka niya sa abot ng makakaya niya kasi kursunada ka pa niya ngayon. Paano kung sila pa ng asawa niya? Mistress ang labas mo ngayon? Puwede kang kasuhan sa ginagawa mo at wala tayong magiging laban kung sakaling banggain mo ang asawa ng bilyonaryo mong sugar daddy!" "Well, mayroon pa naman akong pakinabang sa kanya kaya kakapit muna ako sa patalim alang alang sa nanay ko. Willing akong lunukin ang aking pride, mabuhay lamang siya!" "So ibig sabihin wala kang balak na sagutin ako kasi may sugar daddy ka?" Dismayadong tanong ni Erik. "Sorry, kung hindi mo naman ako mahihintay, puwede ka munang makipagrelasyon sa iba!" "Bakit? Sa tingin mo ganun lang kadali ang lahat? Mahal na kita, Rose, hindi ako basta bibitaw ng ganun ganun na lang. Lamang lang sa akin ang sugar daddy mo dahil mapera siya, pero sa totoo lang ako pa rin ang gusto mo hindi ba?" Tumayo si Rose na halatang ayaw sagutin ang tanong ni Erik. "Tara na kain na tayo, maaga ka pa papasok sa trabaho diba?" Sumimangot ng bahagya si Erik at kahit na mabigat ang kanyang pakiramdam dahil sa malamig na pagtrato sa kanya ni Rose, pinilit niya pa ring tumayo. "Wala akong pasok ngayong kasi saturday, gusto nga sana kitang yayain para sana lumabas tayo kasama ang tatay mo!" "Sorry, pagod kasi ako sa work kaya itutulog ko na lang muna ang katawan ko. Babawi na lang ako sa susunod!" Hinila ni Rose si Erik papunta sa kusina. "Tara samahan mo akong magluto. May natirang pritong isda sa rep at mga gulay!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD