"Sir, as you see nagtagumpay kami sa paghuli sa kabit ni Jake!" "Inaasahan ko na ikaw ang magtagumpay kay Jason, gayunpaman, kailangan nating ipaalam kay Jake na nahuli natin ang kanyang kabit para magpunta siya rito at iligtas yang babae na yan." "Gawin mo ang gusto mo sir Sergio. Mas makapangyarihan ka kay Jake!" Napangisi si Sergio. "Of course I am... I own several businesses here and abroad, not to mention na meron din akong underground business. Pero may isang bagay talaga na gusto kong ma-achieve at ang tanging paraan para gawin iyon ay ang gamitin si Jake para umasenso ang aking mga plano!" "Pwede bang magtanong kung ano yun?" tanong ni Jason dahil sa curiosity. Tumayo si Sergio at ibinaling ang tingin kay Rose. "Actually I am planning to use his company to smuggle illegal pro

