"Don't act like a fool Erik...Billionaire si Jake at baka alam niya kung paano makuha ang puso ng isang inosenteng babae tulad ni Rose. Ngayon, alam na natin na isa siyang makapangyarihang tao dahil sa kanyang pera. Wag na natin pahabain ang usapan, iwan mo na siya at maghanap ka na lang ng iba. Single ako by the way!" "Pasensya ka na, pero wala pa akong planong makinig sa sinasabi mo. Naniniwala ako na matatauhan din si Rose at mare realize niya na ako ang para sa kanya." "Isa ka rin Erik, masyado kang bulag sa pag-ibig. Ilang beses ka bang pinanganak?" naiiritang sabi ni Jolina. "Hindi ko naiintindihan ang ginagawa mo Jolina. Bakit ayaw mo kaming magkatuluyan ni Rose?" pagtataka ni Erik. "Sabihin na nating naaawa ako sa sitwasyon mo, alam ko kasi ang feeling na may mahal na iba ang

