Pagpasok ni Minda sa loob ng resto bar, tiningnan siyang muli ni Jolina at tinaasan siya ng kilay nito. "Ngayon ka lang magyabang virgin girl, bukas wala nang special treatment dito. Luluwag din yang sayo mamaya!"
"Ano ka ba sissy, wag ka nang makipag away. Bigyan mo na lang siya ng mga tips para hindi madisappoint ang mga customers sa kanya," pagaawat ni Kat.
"Alam mo Rose, may hitsura kang babae at mukha kang inosente. Ganyan na ganyan ang hinahanap ng mga lalaki sa ngayon, kaya dapat ay galingan mo at tanggalin mo ang hiya. Tiisin mo kung mabaho ang hininga ng customer mo, kung may body odor siya, at hinahawakan ka sa iba't ibang parte ng iyong katawan. Lalo na kapag lasing sila, ipinapasok talaga nila ang kanilang mga kamay sa bra!"
Napalunok si Rose na halatang kinabahan sa sinabi ni Jolina.
"Ang gusto ng mga lalaki, yung clingy sa kanila. Wag masyadong haliparot, yung may kaunting pakipot din at landian mo ang boses mo sa kanila para lalo silang maging horny. Much better if sasakyan mo ang mga kwento niya at ipakita mo na may interes ka sa kanya at galingan mo sa pag sub* sa kanya, gustong gusto 'yan ng mga lalaki. Kapag nasubo mo yan ng buo, hindi ka na nila makakalimutan.
Kapag ginalingan mo ang performance, babalik balikan ka ng mga customers natin. Wag kang pumayag na hindi siya magsuot ng condom kasi wala kang dalang pills, hindi kasi tayo bahay anakan dito kaya kung stupid ka at nagpabuntis ka sa kanila, asahan mo nang magiging single mom ka rin pagdating ng araw, mahabang paliwanag ni Jolina.
"And also, sabihin mo sa lalaki na dahan dahanin lang niya ang pag f**k sayo kasi for sure akong masasaktan ka sa first experience mo lalo na kapag daks," dagdag ni Angel.
"Pero trust me, sa umpisa lang naman masakit ang s*x, kapag nakasanayan mo na 'yan, sigurado kami na hahanap hanapin mo na 'yan," sabi ni Kat.
Linggid sa kaalaman ni Rose, sinundan siya ni Erik sa Pasay. Nakasuot lamang ito ng puting plain na tshirt at pantalon. Malungkot at nagi guilty siya dahil sa binaba ni Rose ang kanyang dangal. Tumambay muna siya sa isang tindahan at hindi niya inaalis ang kanyang panigin kay Rose. 7:30 na ng gabi, dumami ang mga babae sa Pasay at nagsipagdating ang mga maraming kalalakihan na mayroong iba't ibang mga edad.
Pero mas takaw pansin kay Erik ang isang lamborgini sasakyan na pumarada sa tapat ng resto bar kung saan nagtatrabaho si Rose. Lumabas ang isang lalaking may edad na 45 at nakasuot ito ng corporate attire, matangkad ito, malaki ang katawan, at mestizo. Napatayo si Erik dahil bigla siyang kinabahan. Nang lumapit siya sa resto bar, nakita niya ang matandang babae na kinakausap ang matandang lalaki na hinawakan si Rose sa pisngi.
Tiningnan niya ng masama ang matandang lalaki at lumapit siya kay Rose.
"Rose, hindi pa huli ang lahat please!" sambit ni Erik.
Napalingon si Rose, Minda, at ang lalaking matanda na nakasuot ng coat. Gulat na gulat silang tatlo sa biglang pagsulpot ni Erik, lalo na si Rose na nanlaki ang mga mata.
"Teka, diba ikaw ang manlilgaw ni Rose? Bakit nandito ka!" tanong ni Minda.
"Please, wag niyo po sanang itulak sa prostitusyon!" sagot ni Erik.
Tumingin si Rose kay Minda at ipinahiya niya si Erik. "Sorry po Ma'am Minda, matagal ko na po siyang binasted!"
Tinaasan ni Minda ng kilay si Rose. "Eh bakit nandito siya? Ayusin mo ito Rose, sinasabi ko sayong ayaw kong mapahiya sa client ko, putangina ka!"
"Rose, bakit mo naman ako ipinapahiya ng ganito? Hindi ba't manliligaw mo ako? Dinalhan nga kita ng bulaklak kanina pero sinungitan mo ako? Wala ka namang sinabing basted ako eh!" pag aapila ni Erik.
"I am sorry, Minda! I am taking back my money if Rose is already taken!" sambit ng client ni Minda.
Hinila ni Rose si Erik sa kabilang bar at galit siyang kinausap ito. "Bakit ka sumunod sa akin? Alam mo bang yung lalaki na 'yun ang first customer ko at nakapag down na siya ng pera kay tita Minda? Kapag nasira ako sa client ko, paano ko pa maipapagamot si Mama?"
Lumapit naman si Minda at ang matandang lalaki sa kanilang dalawa. Hindi nag atubili ni Minda at sinigawan niya si Rose at wala siyang pakialam kung gumawa man siya ng iskandalo sa lugar.
"Hoy, ano ang ibig sabihin nito Rose? Akala ko ba binasted mo na yang lalaking yan?"
Halos magtinginan lahat ng mga tao sa paligid, pinagtanggol naman ni Erik si Rose sa matandang babae. "Wag niyo naman po siyang sigawan, ako naman ang nagpunta dito kaya ako lang naman po ang may kasalanan!"
Nakatikim din si Erik ng maaanghang na salita mula sa matandang babae na halos mamula sa gait. "Oo Erik kasalanan mo ang lahat ng ito. Isa ka lang namang construction worker at di hamak na mas mayaman ang client ko sayo ka umalis ka na!"
Hinawakan ni Erik sa balikat si Rose. "Sorry, pero siya na lang po ang kukuhain ko. Magbabayad po ako ng 3 thousand para sa kanya."
Napatingin naman si Rose kay Erik at nanlaki ang mga mata nito sa gulat. Pinagtawanan naman siya ng matandang lalaki at tinaasan niya pa ang kanyang offer.
Napangisi naman ang matandang lalaki, "Ipangkain mo na lang ang offer mo iho, kaya kong magbayad ng 50 thousand para sa babaeng ito."
Napahawak sa pisngi si Minda sa taas ng offer ng kanyang client, "Te-teka lang? Kanina 20 thousand tapos ngayon biglang tumaas!"
"Ganun talaga Ms. Minda. As long as masigurado ko na virgin pa ang babaeng nirereto mo sa akin, wiling akong magbayad ng malaki!"
Napatingin si Minda kay Erik. "Sorry ka na lang hampaslupa ka, makakaalis ka na sa lugar ko."
Pumiglas si Rose sa pagkakahawak ni Erik sa kanya. "Narinig mo 'yun sir? So obvious naman siguro sayo kung kaynino ako sasama hind ba?" Hinawakan niya ang kamay ng kanyang client at nilandi niya ito. "Pasensya na, praktikal lang akong tao kaya makakaalis ka na!"
"Hayaan mo na siya, ang importante ay nasa akin ka na," sambit ng matandang lalaki habang nakatitig kay Rose.
"Sige sir, siguradong hindi ka magsisisi sa akin."
Biglang hinalikan ng matandang lalaki ang labi ni Rose at pinakyuhan si Erik. Umalis sila kasama ni Minda at habang sila ay papalayo, napaiyak na lamang si Erik dahil parang wala siyang kwentang tao para kay Rose. Parang hinihiwa ang kanyang puso sa sakit at bigat ng kanyang nararamdaman at gusto na lamang niyang maglaho na parang bula mula sa kanyang kinatatayuan. May mga lumapit na babae sa kanya subalit tinanggihan niya ang mga ito at malungkot na umuwi sa kanyang bahay.