EPISODE 11
MAKE HIM MAD
ALESSANDRA’S POINT OF VIEW.
“Paul, wala ka pa rin bang nakikita na informations diyan sa computer mo?” inip kong tanong sa kanya.
Alam ko na kanina pa naghahanap sa akin si Alonzo pero hindi niya kami ma track dito sa hideout namin dahil protektado ito sa ginawa ni Paul. Ngayon ay tuloy pa rin ang paghahanap tungkol sa impormasyon sa posibleng nagpadala sa akin ng death threat. Wala pa ring news si Paul hanggang ngayon at nakatutok pa rin siya sa kanyang computer, ganun din ang ginawa ni Ben at ni Jessie. We are all busy at double ang bilis namin dahil kunti lang ang aming oras.
Sumulyap sa akin si Paul at umiling.
“Wala pa rin, Miss Alex,” seryoso nitong sagot.
Napahilamos ako sa aming mukha at bumuntong-hininga.
“Nagpatawag ng emergency meeting si Sir Alonzo ngayon….”
Napatingin ako kay Jessie nang magsalita ito. Hawak niya ngayon ang kanyang phone at nag angat siya ng tingin sa akin.
“Sigurado ako na tungkol ito sa pagkawala mo, Miss Alex,” wika ni Jessie.
Napakagat ako sa aking labi at umiwas ako ng tingin sa kanilang tatlo at nag-isip. Gusto kong ipagpatuloy ang imbestigasyon ngayon at malaman ang katotohanan, pero ayokong madamay itong tatlong miyembro ng Jaguar na buong puso na tumutulong sa akin ngayon. Posibleng mawalan sila ng trabaho kapag nalaman ni Alonzo na tinulungan nila ako na makatakas ngayon at ayokong mangyari iyon.
“Itigil niyo na iyang ginagawa ninyo ngayon,” seryoso kong sabi at muli akong tumingin sa kanilang tatlo.
Napatigil na silang tatlo sa kanilang ginagawa at nakatingin sila sa akin. Pati si Paul na tutok na tutok sa kanyang computer ay napatigil din at nakatingin na sa akin ngayon. Huminga ako ng malalim at tumayo ako habang nakahawak sa aking bewang.
“Alam ko na gustong-gusto niyo akong tulungan ngayon, pero ayokong mag take kayo ng risk para sa akin. Ang hideout na ito ay nag-iisang hideout nating apat at hindi pwedeng malaman ng kampo ni Alonzo ang tungkol dito. Itigil na muna natin pansamantala ang imbestigasyon at mag-usap na lang tayong apat ng sekreto. Maliwanag ba iyon?”
Nagkatinginan silang tatlo at sabay silang tumango habang nakatingin sa akin.
“Noted, Miss Alex. Pero saan ka na pupunta ngayon? Babalik ka ba sa unit mo?” tanong sa akin ni Jessie habang nakakunot ang noo.
Ngumisi ako at umiling.
“Hindi pa ako uuwi, Jessie. Bubwisitin ko pa lalo si Alonzo kaya pupunta ako ngayon sa bar at makiki pagsayaw sa mga lalaking hindi ko naman kilala,” sabi ko.
Nakita kong pumalakpak si Ben at tumawa siya.
“Woah! Idol na idol talaga kita kapag usapang pambu bwisit na, Miss Alex! Ang dami ko talagang natutunan sayo—new learnings na naman!” nakangisi na sabi ni Ben at bahagya siyang napasayaw.
Mahina akong tumawa at ngumisi.
Bago kami umalis dito sa hideout, nagplano na muna kami kung paano kami aalis ng hindi nalalaman at nata-track ng kampo nila Alonzo. Sa sasakyan pa rin ako ni Jessie sumakay at kami ang unang umalis sa hideout at sumunod na lang sila Ben at Paul na magkasabay rin na dumating kanina. Dinala ako ni Jessie sa isang bar kung saan maingay ang paligid at maraming nag-iinuman, nagsasayawan, naghahalikan, at iba pang mga gawain na sigurado akong mas lalong ikagagalit ni Alonzo.
“Thank you for the help, Jessie. Mag-usap na lang tayo sa susunod,” sabi ko nang makalabas ako sa kanyang sasakyan. Sa may likod ako ng bar ibinaba ni Jessie upang hindi mas halata. Ngumiti siya sa akin at kumaway bago tuluyan nang umalis at iwan akong mag-isa.
Huminga ako ng malalim at pumasok na ako sa loob at dumaan ako sa may emergency exit.
Mabilis lang akong nakapasok at nakapunta sa mismong inuman. Agad kong nakita ang mga taong nagsasayawan ngayon sa may dance floor at halatang sabog na silang lahat. Pumunta na muna ako sa may bar counter at nag order ako ng aking maiinom at kinuha ko na ang aking phone at binuksan ko na ang aking GPS para mabilis akong makahanap ni Alonzo. Sinadya ko talaga na dito niya ako mahanap ngayon para hindi siya mag-isip ng kung anu-ano.
Nang dumating ang aking inorder na alak ay agad ko itong tinunga at napapikit ako sa aking mga mata ng nakaramdam ako ng kakaibang epekto sa alak na iniinom ko. Mukhang may hinalo sila na mas lalong nakakalasing sa mga tao ngayon dito sa loob ng bar kaya ang wild nilang lahat.
“Woah! Party! Party!” sigaw ko at bahagyang napaindak nang mas lalong lumakas ang pagpapatugtog ng DJ ngayon sa may unahan.
Bahagya kong itinali ang nakalugay ko na buhok upang mas makita pa ang aking maputing leeg. Nagsimula na akong maglakad papunta sa may dance floor at nakita kong may napapalingon na sa aking mga lalaki na gustong-gusto akong maisayaw. Tinignan ko sila ng nakakaakit at nagsimula na akong umindak at sumayaw ng nakakaakit ngayon.
Sa isang iglap ay naging sentro na ako sa atraksyon dito sa dance floor at nakapalibot na ngayon ang mga tao sa akin habang chini-cheer ako. Hindi ko mapigilan na mapangiti at mas lalo ko pang ginalingan ang aking sayaw at sila naman ay napahiyaw. Dahil gusto ko pang akitin sila lalo, hinubad ko na ang aking suot na damit at itinaas ko ang aking kamay habang hawak ang aking damit at inikot-ikot ito habang tuloy-tuloy ako sa aking mga sayaw at pag-indak.
“Woah! Ang galing!”
“Ang sexy mo!”
“Igiling mo pa!”
Ilan lang iyan sa mga narinig ko galing sa mga nagchi-cheer sa akin ngayon. May ilang mga lalaki ang lumalapit sa akin at nakikipagsayaw sa akin at pinagbigyan ko naman sila at hinalikan ko rin sila sa kanilang mga labi. Iba ang epekto ng alak na nainom ko sa aking sarili ngayon. Double ang lasing na nararamdaman ko pero kaya ko pa rin ang aking sarili at nasa tamang wisyo pa ako.
Nakapikit ang aking mga mata ngayon habang nagse-sexy dance sa harapan ng maraming tao at pinapakiramdaman ko lang ngayon ang musika na ni-request ko pa sa DJ sa itaas ng entablado.
Tuloy pa rin ako sa aking pagsasayaw ngayon at natigil lang ako nang may biglang humila sa aking braso at natigil din ang hiyawan ng mga tao at pati na rin ang tugtog na ni-request ko sa DJ. Namulat ako sa aking mga mata dahil sa pagtataka at tinignan ko kung sino ang humila sa aking braso at umistorbo sa aking pagsasayaw.
Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko si Alonzo ngayon habang nanggagalaiti sa galit na nakatingin sa akin at… at may hawak siyang baril!
Napatingin din ako sa paligid at nanlaki ang aking mga mata ng makita ko ang ibang mga agents sa paligid at may hawak silang mga baril ngayon—kaya tumahimik ang lahat ng tao dito sa loob ng bar!
“A-Anong ginagawa niyo dito? At bakit may hawak kayong mga baril?!” taka kong tanong at humarap ako kay Alonzo.
Naramdaman ko ang mas lalong paghihigpit ng pagkakahawak niya sa aking braso at mas lalo niya pa akong hinila palapit sa kanya kaya ang lapit na ng mga mukha namin ngayon… mas lalo ko lang nakikita ang galit na mukha ni Alonzo habang nakatingin sa akin at alam ko na ang ako dahilan ng galit niya ngayon.
“Tumakas ka, Alessandra Marie Coleman. Nawala ka nang tatlong oras at kung saan-saan kami nag hahanap sayo. Tapos makikita ko na nandito ka sa bar ngayon—nagsasayaw na parang malandi?!”
Tinignan ko siya ng masama at inalis ko ang kanyang kamay sa aking braso at nginisihan siya.
“Ngayon ay alam mo nang hindi mo ako mapapasunod, Alonzo! Hahanap at hahanap ako ng paraan para makuha ang gusto ko!” galit kong sigaw sa kanya.
Mabilis siyang lumapit sa akin at mahigpit niyang hinawakan ang aking pisngi gamit ang kanyang isang buong kamay kaya nanlaki ang mga mata ko at napatingin sa kanya.
“You spoiled brat! Ginagalit mo talaga ako, huh? Pwes ngayon, mas lalo mong mararamdaman ang galit ko sayo!” nanginginig dahil sa galit na sabi niya sa akin.
Hindi ako nakaramdam ng takot ngayon habang sinasabi ni Alonzo iyon sa akin. Mahigpit pa rin ang pagkakahawak niya sa aking pisngi at nakaramdam na ako ng sakit pero hindi ko ito ipinakita sa kanya.
Sinubukan ko pa rin na ngumisi habang nakatingin sa kanya ngayon.
“Hmm, anong klaseng galit ba ‘yan, Alonzo? Sana galit sa kama,” mapang-akit kong sabi sa kanya at napakagat ako sa aking labi habang mapang-akit siyang tinignan.
Umiling siya at ngumisi rin sa akin.
“Hindi ka na makakatakas sa akin, Alessandra.”
Bahagyang kumunot ang noo ko sa kanyang sinabi.
“Anong ibig mong sabihin—”
Hindi ko na natuloy ang aking sasabihin at parang may tumusok bigla sa aking leeg at unti-unti akong nakaramdam ng antok at pagkahilo. Mabilis akong nasalo ni Alonzo at hindi ko na gaanong makita ang kanyang mukha ngayon at hindi na ako makagalaw.
“A-Anong ginawa mo sakin?” mahina kong sabi.
“Shutting you down. Masyado ka ng madaldal.”
Napapikit na ako sa aking mga mata at tuluyan na akong nawalan ng malay at hindi ko na nasagot ang sinabi niya sa akin.
TO BE CONTINUED...