SEDUCTION 10: SUSPICIOUS

1760 Words
EPISODE 10 SUSPICIOUS ALESSANDRA’S POINT OF VIEW. Dinala ako ni Jessie papunta sa aming hideout. Konti lang sa grupo ang nakakaalam tungkol sa hideout at ang mga pinagkakatiwalaan ko lang ang nakakaalam nito kagaya ni Jessie at dalawa pang miyembro ng Jaguar at hindi ko alam kung pupunta rin ba sa hideout kaya tinanong ko na ngayon si Jessie. “Pupunta rin ba si Paul at Ben?” tanong ko sa kanya. Sumulyap sa akin si Jessie at seryoso na tumango. “Yes, Miss Alex. Sinabi ko na rin sa kanila ang tungkol sa pagtakas ninyo at tumulong din sila kanina. Huwag kayong mag-alala, hindi malalaman ni Sir Alonzo na pupunta tayo ngayon sa hideout at sinigurado namin na hindi tayo masusundan,” seryosong sabi nito. Tumango ako at napasandal sa aking kinauupuan at tumingin na lang sa labas ng bintana. Ang hideout namin ay nakatayo sa gitna ng gubat kaya kailangan pa naming dumaan sa masukal at madilim na kagubatan. Kapag sinabi kasing hideout, nakatayo ito sa tagong lugar at walang nakakaalam—ang nakatira, o miyembro lang ng hideout ang nakakaalam. Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na kami sa isang maliit na kubo, pero hindi lang ito simple na kubo dahil nasa ilalim ng lupa ang aming hideout at kung nasaan nakalagay ang mga kakailanganin namin kagaya ng mga sandata, mga baril, computers, at iba’t-ibang gamit para sa hacking at sa trabaho namin. Pinatay na ni Jessie ang makina ng kanyang sasakyan at lumabas na rin ako. Naglakad na ako papunta sa may bahay at binuksan ito. Halata na kami pa ni Jessie ang nauna rito dahil nakalock pa ang daanan papunta sa underground hideout. Pinindot ko na ang pin code para mabuksan ito at makalipas ang ilang segundo ay bumukas na ang pinto at nakita ko kaagad ang hagdan. Bumaba na ako at nakita ko rin na sumunod sa akin si Jessie. Automatikong umilaw ang ilaw dito sa may underground ng makababa kami dahil na rin sa kakaibang teknolohiya ang nilagay namin dito. Hindi pa kami makapag simula ni Jessie sa pagsisimula sa paghahanap ng mga impormasyon tungkol sa nagpadala sa akin ng death threats dahil wala pa dito si Paul, ang aming hacker sa grupo—the ace. Magaling siya sa computer at mabilis niya lang din nahahanap ang mga impormasyon na kakailanganin namin gamit lang ang kanyang mahiwagang laptop. Si Ben naman ay ang aming manipulator. Magaling siyang makipaglaro sa isipan ng mga taong nakakasalamuha namin at sa lahat ng mga missions namin ay si Ben ang palagi kong nakakasama at malaki ang kanyang tulong. Si Jessie naman ay ang aming sniper, she’s good at using guns kagaya ko. Silang tatlo ang unang miyembro ng Jaguar team nang nagsisimula pa lang ang aming secret missions sa agency ng humingi ng tulong sa amin si Grandpa which is current President of the Philippines. Malaki ang respeto nila sa akin at marami rin akong naitulong sa kanila kaya kahit na iba na ang kanilang leader at hindi na ako, nasa akin pa rin ang kanilang loyalty. Kami ang mga gumagawa ng mga missions na hindi malaman ng ibang tao, kagaya ng pumatay ng mga drug lords at mga taong kalaban ng gobyerno at masama sa ekonomiya ng Pilipinas at iba pang mga private missions kagaya ng pagpatay o paghuli ng mga mafia lords. “Miss Alex! Jessie! I’m sorry if Paul and I are late.” Makalipas ang ilang minuto na paghihintay ay sabay na dumating ang kanina pa namin na hinihintay na si Paul at Ben. Tinaasan ko sila kilay at humalukipkip. “Sinigurado niyo ba na hindi kayo nasundan papunta rito? Baka bigla kayong ipa track ni Alonzo,” malamig kong sabi. Ngumisi si Ben at inakbayan niya si Paul na tahimik lang ngayon. Si Paul ay ang typical nerd na makikita sa mga campus na may suot na makapal na eyeglasses at tahimik lang. Pero kapag nagsalita ito si Paul ay mapapanganga ka na lang dahil sa kanyang katalinuhan at pati na rin sa kagalingan niya tungkol sa teknolohiya. That’s why I choose him to be part of my group at hindi ako nagsisi dahil malaki ang tulong niya sa mga missions. “Miss Alex, baka nakakalimutan mo na meron tayong Paul Rodriguez? The best techie in all time! Hindi tayo masusundan ni Sir Alonzo kaya chill ka lang,” nakangisi na sabi ni Ben at kinindatan niya ako. Umiling na lang ako habang nakatingin sa kanila. May mahaba kaming table ngayon at ako ay nakaupo sa may harapan at sila naman ay nakapwesto sa mga gilid. Naglakad na si Paul at Ben papunta sa kanilang mga pwesto at umupo na rin at dumating na rin si Jessie na may dalang kape para sa akin at kinuha ko naman ito sa kanya at uminom. “Buti naman at nandito na kayo! Hindi pwedeng magtagal dito si Miss Alex dahil sigurado ako na gagawa ng paraan si Sir Alonzo na mahanap si Miss Alex at baka magduda iyon sa ating tatlo,” wika ni Jessie nang nakaupo na siya sa kanyang pwesto. Napatingin naman ako sa kanya at tumango. She’s right. Alam ko na hindi titigil si Alonzo sa paghahanap sa akin kapag nalaman niya na tumakas ako. Gustuhin ko man na dito na lang ako sa hideout, hindi pwede dahil baka malaman nila ang tungkol dito at wala na kaming hideout nitong tatlo. “Grabe! This is the first time na nagsama ulit tayong apat pagkatapos ng pagkaalis ni Miss Alex sa team. The OG four is back!” makulit na sabi ni Ben kaya tinignan ko siya ng masama. Ngumuso naman siya at bahagyang yumuko. “Let’s start. Let’s not waste our time in chitchatting,” malamig at seryoso kong sabi. Tumango silang tatlo at nagsimula na silang maghanap at mangalap ng mga impormasyon. Nakatingin lang ako ngayon sa monitor na nasa aking harapan at nakatingin sa litrato ng letter na pinadala sa akin noong nakaraang linggo. “This person was mentioning the name of Tomaso Brioschi. Sigurado ako na malapit lang siya kay Tomaso, o baka kamag-anak,” mahina kong sabi at napatingin ako sa kanilang tatlo. Nakatingin na rin sila sa akin at tumango. “Miss Alex, I have some information about Tomas Brioschi’s family. I will send it to your computer in a second,” wika ni Paul at makalipas ang ilang segundo ay nakita ko na ito sa aking screen. Naningkit ang aking mga mata nang makita ko ang litrato ni Tomaso Brioschi kasama ang isang babae na parang kaedad lang din namin. Napatingin ako kay Paul at nagtanong sa kanya. “Who’s this? Where did you find this picture?” seryoso kong tanong sa kanya. “That woman beside him is his daughter. I’m still finding information about that woman, but I cannot find files, but I will dig more,” sabi ni Paul at muli siyang tumutok sa kanyang computer. Hindi na lang ulit ako nagtanong sa kanya dahil nakikita ko itong nag fo-focus ngayon. “There is a possibility that this woman is the one who sends you the death threats, Miss Alex,” seryosong sabi ni Jessie at sumang-ayon din si Ben at tumango. Napaisip ako sa sinabi ni Jessie at tumango. May posibilidad nga kung totoo ngang anak ito ni Tomaso ang katabi niya sa litrato na ipinakita ni Paul ngayon sa akin. Muli akong napatingin sa kanilang tatlo at nagtanong. “Sa investigations ba na ginagawa ni Alonzo, ano ang leads?” tanong ko. Umiling si Ben at Jessie habang nakatingin sa akin. “He didn’t let us be part of that mission, Miss Alex. Ang rason ni Sir Alonzo ay kaya niya na raw at kaya ka niyang proteksyunan. Well, he’s good at everything, but yeah… hindi niya kami hinayaan na mapasali sa imbestigasyon kaya ngayon lang din kami nakakuha ng mga impormasyon,” sabi ni Ben habang nakatingin sa akin. Napakunot ang aking noo at napahawak sa aking baba habang nakatitig ngayon sa may monitor. Hindi sinali ni Alonzo sila Ben sa imbestigasyon tungkol sa paghahanap ng nasa likod ng nagpapadala ng death threats sa akin? Alam kaya ito ng aking mga magulang? Dahil sigurado ako na magagalit si Mom kaya malaman niya ang tungkol dito dahil gusto niyang mapadali ang lahat upang malayo na ako sa kapahamakan. Napatigil ako sa aking pag-iisip nang makarinig ako ng tunog ng phone. Napatingin kaming lahat kay Jessie ng nanggaling ang tunog na ito sa kanya. Napakagat siya sa kanyang labi at mabilis na inilabas ang kanyang phone. Nanlaki ang kanyang mga mata sa gulat at hinarap niya sa amin ang screen ng kanyang phone at nakita ko kung sino ang tumatawag ngayon sa kanya… walang iba kundi si Alonzo. “Sir Alonzo is calling me,” wika ni Jessie habang nakatingin sa akin. Seryoso ko siyang tinignan at tumango. “Sagutin mo ang tawag niya at eh loudspeak mo upang marinig din namin ang usapan ninyo,” utos ko. Tumango siya at sinagot ang tawag ni Alonzo. Hindi na namin kailangan na mag-alala kung ma track man kami ni Alonzo gamit ang phones namin dahil may ginawa ng bagay si Paul noon para ma blocked ang locations namin dito kung gagamit kami ng phone. “Hello, Sir Alonzo?” “Jessie, do you have any idea where Alessandra is hiding right now?” seryoso at malamig na tanong ni Alonzo sa kabilang linya. Napataas ang kilay ko at bahagyang ngumuso ng marinig ko na sinabi niya iyon. So, alam na niya na tumakas ako. “No, Sir Alonzo. Bakit po? Tumakas po ba si Ma’am Alex? Do you need help po ba from the team, Sir?” “No thanks, Jessie. We can handle this problem. Thank you for picking up my call. Pumunta kayo bukas sa agency dahil may meeting tayo.” “Copy, Sir Alonzo.” Mabilis din na natapos ang tawag ni Jessie at Alonzo at hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Alonzo is kind of suspicious—a mysterious man. Marami pa akong dapat malaman sa kanya. Ang dami niyang sekreto at bakit niya sinarili ang tungkol sa problema ko? Masyado naman siyang possessive tungkol sa akin. Pero sa likod ng mga katanungan ko ngayon sa aking isipan, hindi ko mapigilan na matuwa at lihim na matawa na isipin na namomroblema na ngayon si Alonzo sa paghahanap sa akin. Hanapin mo pa ako, Alonzo. Kapag nahanap mo ako ay bibigyan kita ng reward—isang pangmatagalan at malalim na halik sa labi! TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD