SEDUCTION 9: ESCAPE

1358 Words
EPISODE 9 ESCAPE ALESSANDRA’S POINT OF VIEW. Nang matapos akong bilhan ng milk tea ni Alonzo ay muli na kaming bumalik papunta sa aking unit. Hindi ko alam ang gagawin ni Jessie para makatakas ako ngayon, pero may tiwala ako sa kanya kaya naghihintay lang ako ngayon ng tahimik sa kanyang signal. Tahimik lang akong nakasunod kay Alonzo at siya naman ay nakita ko rin na busy sa kanyang phone. Wala naman akong pakialam kung sino ang pinagkakaabalahan niya ngayon sa phone niya. Ang nasa isipan ko ngayon ay kung paano ako makakaalis dito at makakatakas kay Alonzo at sa lahat ng nakabantay dito sa condominium. “Matutulog na ako. ‘Wag na ‘wag mo akong istorbohin at kakatukin dahil gagapangin talaga kita kahit ayaw mo!” sabi ko kay Alonzo nang makabalik na kami sa loob ng condo unit. Para hindi ako mahanap ni Alonzo at hindi niya kaagad malaman na tumakas ako, kailangan kong gumawa ng alibi para hindi niya ako guluhin. “Hindi ka ba kakain muna bago matulog? Magluluto ako,” sabi niya. Hindi ko mapigilan na mapataas sa aking kilay dahil naninibago ako sa kanyang kabaitan. Totoo ba ‘to? Siya pa talaga ang nag volunteer na lutuan ako for dinner! Wow. Isa itong malaking himala. Ngumiti ako kay Alonzo at humakbang ako palapit sa kanya at hinawakan ko ang kanyang balikat, pero mabilis niya itong inalis at umatras siya palayo sa akin. “Bakit parang ang bait mo naman ngayon, My hot bodyguard? Parang mas naaakit ako lalo sayo,” malandi kong sabi sa kanya at kinindatan siya. Matalim niya akong tinignan at muli siyang nagsalita. “Stop that, Alessandra,” malamig niyang sabi. Kumunot ang noo ko at ngumuso habang nakatingin pa rin sa kanya. “Stop what, Alonzo? Pati ba ang pakikipag-usap sayo ay ipinagbabawal na rin? Nakakasad ka na ah!” tampo kong sabi sa kanya. Umiling siya at tumalikod sa akin. “Matulog ka na at ‘wag mo na akong guluhin!” inis nitong sabi at naglakad na siya papunta sa may living room. Lihim akong napangisi at nagmamadali akong pumunta sa aking kwarto at pumasok sa loob. Nilock ko ang pinto ng aking kwarto at naglakad ako papunta sa aking walk in closet. Pumunta ako sa pinakagilid at may pinindot akong button doon at agad na bumukas ang secret door na naka konekta sa secret room ko kung saan nakalagay ang mga collections ko sa iba’t ibang klase ng baril. Kailangan ko pa rin na magdala ng baril incase na may nakakakilala sa akin at may umatake sa akin. Kinuha ko ang aking pistol at nilagyan ko rin ito ng silencer dahil ayokong makagawa ng ingay. Itinago ko na muna ito sa gilid ng aking bewang at muli akong bumalik sa aking kwarto. Hindi pa tumatawag sa akin si Jessie kaya naghanda na lang kaagad ako para kapag tumawag siya at magbigay ng signal sa akin ay hindi ko na kailangan pang mag bihis at maghanda dahil tapos na ako. Naupo ako sa gilid ng aking kama nang matapos akong mag palit ng damit. May mga kinalikot ako ngayon sa phone ko upang hindi ako ma track ni Alonzo, o pati na rin si Dad kung malaman man niya na tumakas ako. Kailangan kong siguraduhin na hindi nila ako mahanap—o hindi nila ako mahanap kaagad. May mga kailangan pa akong gawin ngayon at importante ito. Pagkatapos kong ma check ang phone ko ay pumunta na muna ako sa aking table at binuksan ang aking laptop. Agad akong dumiretso sa mga footage ng aking CCTVs dito sa loob ng aking unit at agad kong nakita sa camera 01, sa may living room, kung saan nakaupo doon si Alonzo habang nakaharap sa kanyang laptop. Hindi pwede na doon lang siya palagi, kailangan niyang umalis sa may living room dahil hindi ako makakalabas! Makalipas ang isang oras na paghihintay, narinig ko na ang pagtunog ng aking phone at nakita ko na si Jessie na ang tumatawag sa akin kaya mabilis kong sinagot ang kanyang tawag at napatayo na rin ako habang nakahawak sa aking bewang. “Jessie, how was it? Pwede na ba akong makaalis?” bungad ko na tanong sa kanya nang masagot ko ang kanyang tawag. “Konting oras pa, Miss Alex, pero mabilis na lang ito. Nakahanda ka na ba diyan?” sabi niya sa kabilang linya. “Yes, Jessie. Kanina pa ako nakahanda dito at mino-monitor ko na lang si Alonzo sa CCTV at naiinis ako dahil hindi siya umaalis sa may living room, kailangan niyang lumipat ng lugar.” Muli akong napatingin sa aking laptop at mas lalo pa akong nainis nang makita ko si Alonzo na nanonood na ngayon ng palabas sa aking TV doon. F*ck! Mas lalo akong mahihirapan sa pag-alis nito. “Ano na ba ang ginagawa ngayon ni Sir Alonzo, Miss Alex?” tanong ni Jessie. “He’s watching TV right now! Nakakainis. Mas lalo akong mahihirapan sa pag alis nito,” inis kong sabi at bumuntong-hininga. “Sige, Miss Alex, subukan ko po na mapaalis si Sir Alonzo diyan sa may living room ninyo. Magbigay ako ng signal ngayon kaya maghanda na kayo,” wika ni Jessie at pinatay na niya ang tawag. Napakagat ako sa aking labi at muli akong napatingin sa may laptop habag nakatingin kay Alonzo sa kanyang ginagawa ngayon. Nanonood pa rin siya pero nakita ko na tumunog ang kanyang phone kaya kinuha niya ito at sinagot. Tumayo si Alonzo at nagsimula na siyang maglakad paalis sa may living room. Napatingin ako sa ibang camera at makita ko na pumunta siya ngayon sa may kusina at nagtitimpla siya ng kape. Bingo! Tumunog na ang aking phone at nakita ko ang text message ni Jessie. From: Jessie Lim Miss Alex, lumabas na po kayo. Clear na ang labas ng unit ninyo at doon kayo dumaan sa fire exit. ‘Wag kayong gumamit ng elevator kaya bilisan niyo ang galaw ninyo. Maghihintay ako dito sa labas. Mabilis ang aking naging galaw at maingat ako na lumabas sa aking kwarto. Nasa may kusina pa rin si Alonzo ngayon kaya nagmamadali akong pumunta sa may pintuan at lumabas na sa aking unit. Nakahinga ako ng maluwag nang makita ko na wala na ngang mga bantay sa labas. Alam ko na nasa akin pa rin kung makakaalis ako dito o hindi kaya binilisan ko na ang aking mga galaw. Sinunod ko ang sinabi ni Jessie at sa may hagdan ako ngayon dumaan kahit nakakahingal at nakakapagod. Sa may fire exit ako dumaan at nang tuluyan na akong makalabas sa building ay agad na may isang sasakyan na lumapit sa akin. Aakmang ilalabas ko na ang aking baril nang makita ko kung sino ang nasa driver’s seat at nakita ko na si Jessie ito. Nakahinga ako ng maluwag at mabilis na sumakay sa front seat at mabilis niyang pinaandar ang kanyang sasakyan at umalis na kami. Humarap ako kay Jessie at nagpasalamat. “Thank you for the help, Jessie,” nakangiti kong sabi sa kanya. “You’re welcome, Miss Alex. Alam mo naman na mas loyal ako sayo. So, saan po kayo pupunta ngayon?” Napasandal ako sa aking kinauupuan at sinabi sa kanya kung saan ako pupunta. “Let’s go to the hideout, Jessie. Hindi ako kuntento sa ginawang aksyon ni Alonzo para mahanap ang may kagagawan ng mga death threats na dumating sa akin. Kailangan kong gumawa ng paraan at alam ko na ako lang ang makakalutas ng problemang ito,” seryoso kong sabi sa kanya at sinulyapan si Jessie. Tumango naman siya sa aking sinabi at mas pinabilisan ang pagpapatakbo ng sasakyan. “Copy, Miss Alex.” Lihim akong napangisi ngayon at tumingin sa labas ng bintana. Naisahan din kita, Alonzo. Ngayon, hanapin mo ako at magpakitang gilas ka. Hindi lang ang tungkol sa nagpapadala ng death threats sa akin ang iimbestigahan ko, pati na rin si Alonzo. Napaka misteryoso niyang lalaki at alam ko na may tinatago siyang baho at ilalabas ko ito. At mapapasakin din ulit ang Jaguar team. Makakabalik din ako sa trabaho ko at pagkakatiwalaan ako ni Daddy. TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD