SEDUCTION 8: THE REVENGE PLAN

1718 Words
EPISODE 8 THE REVENGE PLAN ALESSANDRA’S POINT OF VIEW. He kissed me back! And his lips… and his lips are so addicted. Pwede bang mag halikan na lang kami palagi? Para akong lumulutang sa ere sa uri ng kanyang paghalik sa akin ngayon. Naramdaman ko ang pagbuhat niya sa akin at mabilis din ako na napakapit sa kanyang batok at patuloy pa rin kami sa aming paghahalikan. Minulat ko ang aking mga mata at nakita ko na papunta kami ngayon sa aking kwarto. Hindi ko mapigilan na mapangisi habang patuloy ako sa pakikipaghalikan ni Alonzo. He likes me, huh? Pabebe pa siya at gusto niya pa na paulit-ulit ko siyang akitin para lang tuluyan siyang bumigay sa akin. Inihiga ako ni Alonzo sa aking kama at napatigil din kami sa aming paghahalikan. Nagkatitigan kaming dalawa at nakita ko ang mapupungay niyang mga mata habang nakatingin sa akin. Nginitian ko siya at bahagya kong hinila ang kwelyo ng kanyang suot na long sleeve polo at inilapit siya sa akin. “You’re attracted to me… you want me,” mapang-akit kong sabi sa kanya at hinaplos ko ang kanyang pisngi. Hindi siya nagsasalita, nakatingin lang siya sa akin. Muli kong hinaplos ang kanyang pisngi at hinalikan ko siya sa kanyang labi. Hindi naman siya nag-inarte at hinalikan niya rin ako pabalik. Napahawak ako sa kanyang dibdib at aakmang bubuksan ko na ang butones ng kanyang suot nang mahawakan niya ang aking kamay at pinatigil niya ako. Kumunot ang aking noo at tinignan siya habang nagtataka. Bakit niya ako pinipigilan? Ayaw niya ba na maghubad siya? Muli akong napangisi at hinaplos ang kanyang pisngi. “Hmm, gusto mo ba na ako lang ang maghubad? Okay, your wish is my command.” Akmang huhubarin ko na rin an suot ko na sando nang muli niya akong pigilan at lumayo siya sa akin. Napaupo na ako galing sa pagkakahiga sa kama at tinignan siya ng masama. Para siyang napapaso sa akin—para siyang nandidiri sa akin. “What the f*ck, Alonzo?! Ano na naman ang ina-arte mo diyan?!” inis kong sabi sa kanya. Malamig niya akong tinignan at hinagod niya ang kanyang buhok gamit ang kanyang kamay at inaayos niya ang kanyang suot na bahagyang nalukot ngayon. “Akala mo makakaisa ka na sa akin ngayon? No, Miss Brat. Pinagbigyan lang kita kanina pero hanggang halik ka lang sa akin, wala nang mas hihigit doon,” malamig niyang sabi at tumalikod na siya sa akin at lumabas sa aking kwarto. Napaawang ako sa aking bibig at nang makalabas na siya sa aking kwarto ay napatili na ako nang malakas at hinagis ko ang mga unan sa aking kama. Magbabayad ka sa akin, Alonzo Altimari! Ang kapal nang mukha mo na muli akong eh reject. Tingnan lang natin kung saan ang kakayanin mo. Sisiguraduhin ko na bibigyan kita ng maraming problema ngayon. Huminga ako ng malalim at ipinikit ko ang aking mga mata at pinakalma ang aking sarili. Nag-iisip ako ngayon kung paano ko bu-bwisitin si Alonzo. Hindi ako makakapayag na hindi ako makakaganti sa kanya. Makalipas ang ilang minuto na pag-iisip nang tahimik habang nakapikit sa aking mga mata, may pumasok na sa aking isipan at sigurado ako na makakaganti sa kanya. Ngumisi ako at mahinang tumawa. Agad kong kinuha ang aking phone at tinawagan ko ang pinagkakatiwalaan ko sa Jaguar team, ang alam ko na hanggang ngayon ay loyal pa rin sa akin at sigurado ako na matutulungan niya ako ngayon. Tinawagan ko na ito at nakailang ring lang ito ay agad na niyang sinagot ang aking tawag kaya napangiti ako. “Hello, Miss Alex? May problema po ba kayo? Kumusta po kayo diyan?” sunod-sunod niyang tanong. Napangiti ako at kinausap siya. “I’m fine, Jessie—thank you for asking. Pero may favor sana ako sayo… kung pwede lang?” Napakagat ako sa aking labi. Kahit na loyal sa akin si Jessie ay si Alonzo pa rin ang kanyang susundin dahil si Alonzo na ang kanyang team leader. “Ano po iyon, Miss Alex? Kahit ano po na favor ay gagawin ko po para sayo.” “Talaga? Paano kung sabihin ko na hihingi ako ng favor sayo para makaalis dito sa unit ko nang hindi nalalaman nila Alonzo?” patanong ko na sabi sa kanya. Narinig ko ang pagsinghap niya sa kabilang linya. “M-Miss Alex! Magagalit po si Sir Alonzo at… at pati rin po si Sir Alec at Ma’am Naime,” nauutal niyang sabi. Napasimangot ako. “Kaya nga tutulungan mo ako para hindi nila malaman na umalis ako, Jessie. Alam mo naman na kaya kong proteksyonan ang sarili ko. Hindi na ako bata, Jessie, kaya kong makipaglaban at makipag barilan kung sino man ang gustong pumatay sa akin. Marami na akong naipagmalaki sa ilang taon kong pagtatrabaho bilang secret agent sa agency, Jessie. Insulto na sa akin ang ginagawa nila ngayon sa akin. Kaya please, maawa ka… tulungan mo ako.” Matagal siyang hindi nakasagot sa kabilang linya. Alam ko na nag-iisip ngayon si Jessie kung ano ang magiging desisyon niya—kung tutulungan niya ba ako na makaalis dito, o pabayaan ako na mabulok dito sa loob ng aking condo unit. Makalipas ang ilang minuto na katahimikan ay muli na siyang nagsalita sa kabilang linya. “Okay, Miss Alex. Pero bago po kita matulungan, gusto ko sanang malaman kung ilan ang nakabantay sa labas ng unit mo at pati na rin sa may lobby ng condominium,” sabi niya sa kabilang linya. Napatango naman ako. “Sure, Jessie. I will call you again mamaya kapag nalaman ko na. Thank you so much, Jessie! You’re a lifesaver,” sabi ko sa kanya. “You’re always welcome, Miss Alex.” Pinatay ko na ang tawag at kumuha muna ako ng jacket at sinuot ko ito bago maisipan na lumabas sa aking kwarto. Agad ko na nakita si Alonzo na hindi kalayuan sa aking kwarto at may kausap siya ngayon sa kanyang phone. Nag angat siya ng tingin sa akin at tinaasan ko lang siya ng kilay habang nakahalukipkip. “I’ll call you later, Belle. May trabaho pa ako dito,” huling sabi ni Alonzo bago niya pinatay ang tawag sa phone niya at binalik niya ito sa kanyang bulsa. Belle? Girlfriend niya ba ang kausap niya kanina? Kaya ba ay agad siyang lumayo sa akin kanina dahil may girlfriend siya? But he kissed me! Kung may girlfriend nga siya… he’s cheating on her because he kissed me back! Kawawa naman si Belle kung nagkataon. “Ano? What do you want?” masungit niyang tanong sa akin. Muli akong sumimangot habang nakatingin pa rin sa kanya. “Kahit sabihin ko naman sayo ngayon na ikaw ang gusto ko ay hindi mo ako pagbibigyan eh. Iba na lang, I want to go out,” sabi ko sa kanya. Bumuntong-hininga siya at napasapo sa kanyang noo bago muling tumingin sa akin. “Kailan mo ba maintindihan na bawal kang lumabas, Miss Brat? B.A.W.A.L, kung hindi mo alam kung ano ang spelling nun.” Pigilan mo ang sarili mo, Alessandra. Hindi ka pwedeng magalit ngayon… kailangan mong magpakabait para makalabas ka kaagad. “I know, my Hot bodyguard!” Napataas siya sa kanyang kilay na para bang nagulat siya sa pagtawag ko sa kanya ng My Hot bodyguard. Echosera! Ang dali naman palang bolahin ang isang ‘to. “I mean sa lobby… kahit sa looby na lang? Bawal pa rin ba? Nasa loob pa rin naman ako ng building eh! Sige na, please?” Bahagya akong ngumuso at kahit na nandidiri ako sa aking ginagawa ngayon, ipinagpatuloy ko pa rin ang pagpapa-cute sa kanya. Muli siyang napahawak sa kanyang noo at tumingin sa akin at tumango. Napatalon naman ako sa tuwa at kumapit ako sa kanyang braso at hinalikan siya sa kanyang pisngi at sumandal sa kanyang balikat. “Thank you so much, My Hot Bodyguard! Hindi mo talaga ako matiis eh,” nakangiti kong sabi sa kanya. Umiwas siya ng tingin sa akin at muling bumalik sa pagiging malamig ang ekspresyon sa kanyang mukha. “Let’s go. Hindi ka pa rin pwedeng magtagal sa labas kaya dalian natin.” Tumango ako at sumunod na kay Alonzo habang nakakapit pa rin sa kanyang braso. Nang makalabas kami sa aking unit ay bahagya akong nagulat nang makita ko ang napakaraming bantay sa labas. Wait… ilan ba silang lahat? One… Two… three… four… five—seven?! Seven ang bantay sa labas ng unit ko ngayon! Umiwas na lang ako ng tingin sa mga ito dahil nakita ko na napasulyap sa akin si Alonzo at baka magtaka siya kung bakit ako nakatitig sa mga bantay. Tahimik lang kami sa loob ng elevator at nang makalabas na kami at makapunta sa may lobby, muli kong binilang ang mga bantay sa paligid habang nakaupo ako ngayon sa may couch. Ten ang bantay na nakita ko dito sa may lobby, hindi kasama sa labas. Grabe, hindi ko akalain na ganito pala karami ang kinuhang securities ni Daddy para bantayan ako. Pero ngayon ay nagbabasakali pa rin ako na makakaalis ako dito dahil may tiwala ako kay Jessie. Bago ko tawagan si Jessie, kailangan ko munang mapalayas si Alonzo sa aking tabi ngayon. Nag angat ako ng tingin sa kanya at tinawag siya. “Alonzo, pwede mo ba akong mabilhan ng milk tea?” tanong ko sa kanya. Napataas siya sa kanyang kilay. Akala ko ay hindi siya papayag pero nagtanong ito kung ano ang flavor na gusto ko kaya napangiti ako sa kanya. “Cookies and cream na lang. Thank you!” Tumayo siya at tumango. “Dito ka lang,” sabi niya bago umalis upang mabilhan ako ng milk tea. Nang makita kong nakalayo na si Alonzo ay agad kong tinawagan si Jessie at agad niya naman itong sinagot. “Seventeen lahat, Jessie,” mahina kong sabi dahil baka may mga hidden cameras sa paligid at may audio itong kasama. “Copy, Miss Alex. Maghintay kayo ng 15 minutes at tatawag ako sayo at magbibigay ng signal.” Napangiti ako sa kanyang sinabi. “Okay, Jessie. Thank you.” Pinatay ko na ang tawag at napasandal ako sa aking kinauupuan habang hinihintay ko si Alonzo. Hmm, akala mo maiisahan mo ako? Bibigyan kita ng problema, Alonzo Altimari. Magtaguan tayo ngayon. TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD