EPISODE 53 SIMPLE LIFE ALESSANDRA’S POINT OF VIEW. ITO ang unang araw namin sa aming bagong pamamahay. Kami lang dalawa ni Alonzo dito at wala kaming mga kasambahay. Umalis na rin si Connor at nalaman ko na babalik ito sa isla upang bantayan ang kilos ni Ludovica at para hindi nito malalaman na tumakas kami ni Alonzo at wala na kami doon. Maaga akong gumising at agad akong pumunta sa may kusina upang magluto sa aming breakfast ni Alonzo. Konti pa lang ang mga supplies namin sa mga pagkain dito at aayain ko mamaya si Alonzo na mamalengke. Nagluluto ako ngayon ng hotdog at itlog para sa breakfast namin ni Alonzo. Nang maluto ko na ito ay agad ko ng inihanda sa may lamesa at muli akong pumasok sa aming kwarto at ginising ko na si Alonzo na hanggang ngayon ay mahimbing pa rin na natutulog

