EPISODE 52 RUN AWAY ALESSANDRA’S POINT OF VIEW. NAKAHANDA na ang lahat. Hinintay ko na lang na matapos ang pag-uusap ni Alonzo at Connor bago kami tuluyan ng umalis dito sa isla. “Inday, sigurado ka ba na dito ka lang sa isla? Hindi ka sasama sa amin ni Alonzo?” muli kong tanong sa kanya. Ngumiti siya sa akin at umiling. “Hindi po, Ate Alex. Nautusan po ako ni Sir Alonzo na magbantay rigo sa isla, isa pa po ay ayoko rin po na maka istorbo sa inyong dalawa ni Sir, Ate Alex. ‘Wag kayong mag-alala, magiging maayos lang po ako dito sa isla.” Lumapit ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. “Mag-ingat ka dito, Inday.” “Kayo rin po ni Sir Alonzo, Ate Alex. Mag-ingat kayo.” “Alessandra, let’s go,” rinig ko na sabi ni Alonzo mula sa aking likuran. Kumalas na ako sa pagyayakapan nam

