EPISODE 51 EMOTIONAL CALL ALESSANDRA’S POINT OF VIEW. “Are you sure she will never find us?” muli kong tanong kay Alonzo. “We will make sure that she will never find us, Alessandra. Connor finds a place for us where we can live peacefully,” seryosong sagot ni Alonzo at ngumiti siya sa akin. Napasulyap din ako kay Connor na nandito rin ngayon sa loob ng opisina ni Alonzo. Nang sabihin ni Alonzo sa akin ang kanyang plano tungkol sa pag alis namin dito sa isla at sa paglayo namin kung saan hindi kami mahahanap ni Ludovica, agad kaming bumalik dito sa bahay upang mapag-usapan ng maigi sa aming gagawin. Hindi ako makapaniwala na matagal na pala itong pinaplano ni Alonzo pero ngayon niya lang nasabi sa akin. “Hindi niya kayo mahahanap, Miss Alex. Sa isang liblib na baryo kayo titira ni Si

