EPISODE 58 DON’T LEAVE ME ALESSANDRA’S POINT OF VIEW. “Pagpasensyahan mo na ang mga kapitbahay natin dito, Ate Alex. Ganyan lang talaga sila kapag may mga bagong lipat eh, pinag-uusapan talaga nila. Bihira lang kasi na may lumipat dito na taga syudad at mga katulad niyo pa ng asawa mo, pogi at maganda.” Sa wakas ay may nakilala na rin ako na isang taga dito sa baryo namin na hindi katulad ng ibang mga kapitbahay namin na chismosa. Ang pangalan niya ay Brielle at anak pala siya ng Mayor dito sa bayan ng Andalucia. Mukhang iwas din sa kanya ang mga tao kaya nagtaka ako at nilapitan siya hanggang sa naging magkaibigan na kaming dalawa. Mas bata itong si Brielle sa akin dahil nag-aaral pa ito sa kolehiyo. “Buti nga at nakilala kita. At buti na lang din hindi ka chismosa at hindi mo pinagn

