EPISODE 59 BLOOD ALESSANDRA’S POINT OF VIEW. “Umalis na tayo dito, Alonzo.” Umiling siya habang tahimik na nakaupo sa aking harapan. Nakaalis na si Connor at muli niyang sinabi sa amin na gagawin niya ang lahat para hindi kami mahanap dito. Kanina pa tahimik si Alonzo at alam ko na nag-iisip siya ngayon at gusto ko rin na makatulong sa kanya. “Lumabas tayo ng bansa. Marami akong alam na mapagtataguan natin, Alonzo. I have my money, and also you have yours. Pwedeng-pwede tayong pumunta sa ibang bansa at doon magtago. Tiyak na hindi nila tayo mahahanap doon,” seryoso kong sabi sa kanya. Nag-angat siya ng tingin sa akin at seryoso niya akong tinignan. “Hindi tayo aalis dito, Alessandra.” Napatayo ako at napahawak sa aking beywang habang nakakunot ang aking mga noo na nakatingin sa kan

