EPISODE 14 PROTECTOR ALESSANDRA’S POINT OF VIEW. “Alessandra, this is for your own good. Sa ngayon ay dito ka na muna sa pamamahay ni Alonzo at alam namin na safe ka rito. Hindi man namin sinasabi sa iyo ang progress ng mission, pero may leads na kami. Ayaw ka naming mas madamay pa kaya sana ay hayaan mo ang Daddy mo at si Alonzo na mag handle sa trabaho.” Napahilamos ako sa aking mukha nang sabihin iyon ni Mommy. Sa wakas ay napagpasyahan na rin ng aking mga magulang na dalawin ako rito sa pamamahay ni Alonzo na hindi ko alam kung nasaan, ang alam ko lang ay nasa kagubatan kami at nag-iisang bahay lang ito at walang kapitbahay. “Mommy, bakit kayo nagtitiwala sa taong hindi naman natin kilala. Alonzo is a stranger! Paano kung kalaban siya at spy pala siya? Baka bukas ay hindi niyo na

