EPISODE 13 SPEECHLESS ALESSANDRA’S POINT OF VIEW. Akala ko ay hindi na ako pakakawalan ni Alonzo at tuluyan na niya akong gagawing bilanggo dito sa loob ng kwarto. Buti na lang at may pumasok na isang kasambahay makalipas ang ilang oras ng lumabas si Alonzo sa kwarto at iwan niya akong nagugutom. Ngayon ay nakakalakad na ako at nakakalabas na rin sa kwarto—pero hindi sa bahay niya. Nang mapatingin ako sa labas ay nakita ko ang maraming mga bantay at mukhang nasa isang masukal na kagubatan nakalagay itong pamamahay niya dahil puro kahoy ang nakikita ko sa paligid sa labas. “Kailan ba uuwi ang amo mo, inday? Inip na inip na ako. Kahapon ko pa siya hindi nakikita at hanggang ngayon ay hindi pa rin umuuwi si Alonzo,” sabi ko sa kasambahay na tumulong sa akin na si Inday. Mas bata ito sa ak

