EPISODE 41 PLAYTIME PART 1. ALESSANDRA’S POINT OF VIEW. Simula nang tumawag kay Alonzo si Ludovica ay palagi ko na lang siyang nakikita na nakatulala at minsan naman ay paulit-ulit na bumubuntong-hininga na halatang maraming iniisip na problema. I want to ask him more about the details, about the problem… about Belle and Ludovica. Pero alam ko rin naman ang lumugar kaya binibigyan ko muna ng panahon si Alonzo na mapag-isa at hindi ko siya iistobohin. Lumayo muna ako sa kanya ng pansamantala. “Ate Alex, nag away na naman po ba kayo ni Sir Alonzo?” Napatingin ako kay Inday nang itanong niya iyon sa akin. Umiling naman ako at ngumiti sa kanya. “No, Inday. Hindi kami nag-away ni Alonzo kung iyan man ang inaalala mo ngayon,” sagot ko. Bahagya siyang ngumuso. “Eh bakit ang tahimik ni Sir

