Sinundan ng sinundan ni Luis si Angela hanggang sa may sakayan. Todo iwas ang isa pero naabutan pa rin niya ito. "Angela pumayag ka na. Magpapanggap ka lang naman eh saka ang laki ng ibabayad ko sa 'yo. Kulang pa ba yun?" sambit ni Luis. Inirapan siya ni Angela. "Anong akala mo sa akin mukhang pera? Alam kong malaki yun pero hindi ko kayang gawing lokohin ang iba para lang sayo. Lalo na't ang sama ng pagtatrato mo sa akin tapos ngayon parang sinasabi mo pa na mukha akong pera?" "Hindi naman ganun ang ibig kong sabihin. Sige na pumayag ka na." pakiusap niya. "Bakit ba kailangan mo pang kumuha ng magpapanggap para sa 'yo? Saka ano ba yang nakasalalay diyan para kailangan mo ng isang nobya?" usisa ni Angela. "Mahabang storya. Para sa kayamanan namin at sa pagpapakasal sa akin s babaeng

