bc

The Marriage Agreement (Completed)

book_age16+
11.0K
FOLLOW
48.1K
READ
drama
sweet
heavy
like
intro-logo
Blurb

Kasal kapalit ay kayamanan..... Dahil sa ayaw ni Luis de Silva na mapunta sa mga sakim na kamag-anak nila ang kayamanang dapat ay sa kanya lang, mapipilitan siyang mag-asawa. Tanging 'yun lang ang hinihingi ng mga magulang niya. Siya ay gwapo, matalino at higit sa lahat mayaman. Marami ang nagkakandarapa sa kanya ngunit pihikan siya sa babae. Dahil dun kaya naman ay wala siyang nobya kaya kailangan niya tuloy makakita ng babaeng handang magpakasal sa kanya.

Angela Colminares, galing sa isang prominenteng pamilya ngunit nalugi sila at nagkabaun-baon sa utang ang kanilang pamilya. Dahil sa matinding pangangailangan kaya tinanggap niya ang kasal na alok sa kanya ng isang estranghero. Magpapakasal siya dito at magpapanggap na asawa niya ngunit hindi ito madali dahil kailangan nilang sundin ang kasunduang ginawa nilang dalawa..

Una: Bawal mainlove.

Pangalawa: Open makipagdate sa iba ngunit kailangang makilala ng isa.

Pangatlo: Walang p********k.

Pang-apat at pinaka-importante sa lahat, dapat hindi mabuko hanggat hindi naisasalin sa pangalan ni Luis ang yaman.

Anong mangyayari kapag nagsama ang dalawang estranghero bilang mag-asawa para lang sa kani-kanilang adhikain. Paano nila kukumbinsihin ang mga tao sa paligid nila na tunay ang kanilang pagmamahalan? Paano kung sa kanilang pagpapanggap ay isa ang ma-inlove? Makakaya kaya nilang sundin ang kasunduan nila sa kanilang kasal-kasalan?

Abangan!!

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
Kasalukuyang kumakain ng agahan ang pamilya de Silva sa kanilang mansyon. Gaya ng dati ay salu-salo lahat sila, yun n kasi ang kanilang nakaugalian, bilang tatatlo lamang sila. Nagmamay-ari sila ng isang malaking farm ng mangga at kabi-kabila ang negosyo nila. Napapalibutan sila ng maraming kasambahay para tumulong sa kanila, iba pa ang mga maraming tauhan nila sa manggahan. May anak ang mag asawang Senyor Lucio at Senyora Esmeralda si Luis. Ang kanilang unico iho at nag-iisa nilang tagapagmana. Tatlumpo't anim na taong gulang na ito at namamahala sa isa sa pinakamalaking Mango Processing Factory sa Pilipinas. Tutok na tutok siya sa negosyong ito at malaki ang pagpapahalaga niya dito.. "Luis iho, tumatanda na kami ng mama mo, kailan mo ba balak mag-asawa ha? Bago naman sana kami mamatay ay makita pa rin sana namin ang aming mga apo sa 'yo." wika ng kanyang ama. Nasa edad sisenta na ang matanda ngunit malakas pa rin. Siya ang tagapamahala ng kanilang farm. Nirerespeto ito ng mga taga roon lalong lalo na ang kanyang mga tauhan. Kahit na mayaman ang mga ito ay hindi sila mapangmata at matapobre. Ang tanging ayaw lang ng mag-asawa ay yung inaabuso ang kanilang kabaitan. "Pa, darating din tayo diyan huwag kayong mag-alala. Saka busy ako sa ating negosyo wala akong time para makipagdate." mahinahong sgot naman niya ngunit naiirita siya dahil halos araw araw nila itong ipaalala sa kanya. "Hindi naman problema 'yan iho. May anak ang kumpanyero ko na dalaga, kung gusto mo ay dun na lang kita ipagkasundo." mungkahi ng ama na nakapagpangiwi sa kanya. "Oo nga naman iho. Ayaw naman namin na maiwan ka namin na nag-iisa and besides hindi ka na bumabata pa." segunda naman ni Donya Esmeralda. Magaling manamit at mapustura ang ina niya kaya naman ay hindi halata ang katandaan nito. Kasundong kasundo niya ang mga ito kahit na minsan ay na pepeste siya sa mga pangungulit nila. "Pa, Ma just wait okay? Saka ayaw ko 'yang reto-reto na ganyan, ako ang hahanap ng babaeng papakasalan ko." maanghang niyang wika. "For now kailangan ko nang pumasok sa opisina." iwas niya at nagpunas na ng bibig at tumayo mula sa kanyang kinauupuan. Kahit na maliit pa ang nakakain niya ay pilit na nagtapos para aalis na lang siya at matigil ang dalawa. "Hindi ka ba bibisita sa manggahan mamaya? Darating ang tito Manuel mo." pahabol sa kanya ng ama. "Titignan ko kung makakapunta ako. Medyo marami kasi ang kailangang gawin sa opisina." sagot niya at tuluyan na siyang lumabas ng bahay. Tinungo niya agad ang kinalalagyan ng kanyang mamahaling sasakyan. Mahilig ito sa mga vintage car. 'Yun lang ang tanging luho na mayroon siya, ang mangolekta nito kahit na hindi niya ginagamit. mabilis niyang pinaharurot ang sasakyan niya mula sa mahabang driveway ng kanilang bakuran. Habang palabas siya mula sa kanilang mansyon papunta sa main highway ay madadaanan pa niya ang mahaba at malawak nilang manggahan. Malapit siya sa mga tauhan nila. Bawat makakasalubong niya ay binubusinahan niya o kaya ay nagmemenor siya at lahat ng mga manggagawa doon ay kilalang-kilala siya. Lahat kumakaway o di kaya ay ngumingiti sa kanya. Nagbibigay din siya ng oras sa mga kalalakihang trabahador nila para makipagkwentuhan sa mga ito. Lahat na ata ng kababaihan doon lalo na ang mga dalaga ay malaki ang paghanga sa kanya. Marahan lang ang pagmamaneho niya sa parte ng daan na 'yun ngunit ng makalampas siya doon ay pinaharurot uli niya ang kanyang kotse. Wala pang tatlumpong minuto ay nakarating na siya sa kanyang opisina. Agad niyang ipinahatid sa kanyang sekretarya ang mga papeles na kailangan niyang tapusin. Samantala.. Abalang abala naman si Angela sa pag-eempake sa mga gamit nilang magkakapatid. Kailangan na nilang lisanin ang kanilang bahay dahil rinemata na ito ng banko. Nagkabaon-baon kasi sila sa utang dahil sa pagiging sugarol ng kanilang ama. Kahit ang kabuhayang meron sila ay naibenta na rin pambayad sa mga utang nila. Panganay si Angela sa tatlong magkakapatid. Sanay sila sa magandang buhay at lahat ng kanilang gustuhin ay nakukuha nila. Ngunit lahat ng iyon ay mawawala na dahil sa bisyo ng kanyang ama. Swerte lang dahil nakapagtapos na ito ng kolehiyo ngunit wala siyang trabaho dahil siya ang isa na namamahala dati sa kanilang negosyo. "Bilisan niyo na diyan Arman at Alfred ng makaalis na tayo." wika niya sa mga kapatid niya. Abala kasi ang mga ito sa pagpili sa mga laruang dadalhin nila. Malayo ang kanilang magiging biyahe dahil uuwi sila ng probinsiya kaya naman hindi nila madadala lahat ng mga gamit nila. Kailangan tuloy nilang ipamigay sa mga bahay ampunan. May maliit na bahay na naiwan ang mga lolo at lola niya sa probinsiya. Dahil sa wala nang ibang pupuntahan at aasahan sa Maynila kaya naman mas pinili niyang lumuwas sila at magsimula doon.. Doon niya napagpasyahang ilipat ang pamilya, kahit na alam niyang mahihirapan sila dahil hindi sila sanay sa ibang mundo.. Ibinaba niya agad ang mga maleta nila sa may sala. Dati ay tatlo-tatlo ang katulong nila, ngayon ay sila-sila na lang ang gagawa sa mga dapat nilang gawin. Ang kanyang ina naman ay hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyayari sa kanila. Nasa stage pa rin siya ng depression at shock niya kaya naman ay lagi itong tulala. Ang kanilang ama ay nagtatago ngayon sa mga pinagkakautangan nila at pati sila ay hindi nila alam kung nasaan ito. "Alfred, tumawag ka na ng sasakyan para makaalis na tayo." utos niya sa kanyang nakababatang kapatid habang hirap na hirap siyang nagbababa ng gamit.. Edad beinte na ang kapatid nitong pangalawa ngunit may pagkaisip bata pa rin. Binigyan lang kasi sila ng bangko hanggang bukas na maglipat ng kanilang mga gamit. Agad namang tumakbo pababa si Alfred at lumabas sa gate ng bahay para pumara ng taxi na maghahatid sa kanila sa terminal ng bus papuntang probinsiya. Pagkababa ni Angela lahat ng gamit ay tinawag na ang ina na nasa kaning kwarto. Umiiyak ito. "Ma, alis na po tayo." mahinang wika niya sa ina. Hagulgol ang sinagot nito. "Ma...." lumapit siya dito at niyakap ang umiiyak na ina. "Hindi ko inakala na mawawala sa atin ang bahay na ito. Dito namin binuo ng papa niyo ang mga pangarap namin. Dito sa bahay na ito kayo lumaki at nagkaisip." hikbing sambit ng ina. "Kailangan na p nating harapin ang ngayon, ma. Kailangan magsimula ulit tayo nang sa ganun kapag nagkapera tayo, babalik ulit tayo dito at bibilhin ulit natin ang bahay na ito." pag-aalo niya sa kanyang malungkot na ina. Pagkatapos ng eksenang iyun ay bumaba na sila. Taman-tama namang dating ang taxi na sasakyan nila. Bago siya sumakay sa taxi ay humarap muna siya sa bahay na animo'y nagpapaalam dito. Tama ang mama niya, dito na sila lumaki ngunit nagyon ay kailangan na nilang lisanin.. Ano kaya ang naghihintay na kapalaran nilang mag-iina sa lilipatang lugar?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Billionaire's Twins

read
263.4K
bc

One Night With A bewitching Stranger (Filipino)

read
163.3K
bc

Mhorric Soliven: The Billionaire's Maid

read
441.9K
bc

My Secret Agent's Mate

read
114.9K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.7K
bc

Married to a Hot Magnate

read
356.8K
bc

Married By Mistake

read
170.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook