Chapter 2

1333 Words
Mag-uumaga na ng makarating sila sa terminal ng bus sa Ilocos. Nandun na rin naghihintay ang kanyang tiyo Roman, ang kapatid ng kanyang mama. May dala itong jeep na sasakyan nila papunta sa kanilang bagong bahay. Mahigit dalawang oras ang biyahe papuntang pook San Joaquin. Isang pook na malayo sa kinagisnan nilang lugar. Kung dati ay nasa tabi sila ng mga matatayog na gusali sa Maynila, ngayon ay titira sila sa isang pook kung saan kabukiran, kakahuyan at maalikabok na kalsada ang laging makikita. Agad silang nagmano sa kanilang tito Roman pagkakita nila sa kanya. Mabait ang tito nilang ito, siya na lang ang natitirang buhay na kapatid ng kanilang ina. Minsan ay nagpapadala din siya sa Maynila noon ng mga prutas at kung anu-ano pang makakain galing dito. "Kamusta ang biyahe ninyo?" magiliw niyang tanong sa kanila. "Mabuti naman ho tito. Kamusta po kayo? Hindi po kayo nagbabago ah." wika ni Angela sa kanyang tiyuhin. "Ikaw talagang bata ka nagawa mo pang magbiro, Kamusta ka na Leticia?" baling tiya sa kanyang nakababatang kapatid na ina nila Angela. "Mukhang nangayayat ka ata ah?" dagdag pa niya. "Hindi naman. Ganito talaga ang katawan ko kuya kahit noon pa." mahinang wika naman ni Aling Leticia. "Oh, tara na! Sakay na kayo, doon na lang tayo magkwentuhan sa bahay kapag nakarating na tayo." pagmamadali niya sa kanila. Mabilis namang sumakay sa jeep ang mag-iina. Habang nasa daan ay nagkukwentuhan silang magtiyo habang ang mga kapatid niya ay abala sa paglalaro sa kani-kanilang mga PSP games. "Talagang ganyan ba ang mama mo? Parang laging tulala?" mahinang tanong ni Tiyo Roman kay Angela. Pansin kasi nito na tahimik ang kanilang ina at malayo ang kanyang tingin. "Iyan po ang epekto sa kanya ng mga nangyari. Hindi po niya matanggap hanggang ngayon na ganito na kami." malungkot naman na sagot ni Angela. Nalungkot ang kanyang tiyo Roman at umiling-iling ito dahil sa nangyari sa kanyang nag-iisang kapatid na natitira. Narating nila ang kalsadang papasok sa kanilang titirhan. Medyo maalikabok na ito ngunit hindi masydong pansin dahil hindi ganun katulin magpatakbo ang drayber ng jeep. Habang binabaybay nila ang kalsada ay namangha siya sa ganda ng paligid. Hindi pa siya nakarating sa lugar na ganito. Matatayog ang mga puno ng manga na punong puno ng bunga at may mga tanim pang iba't ibang klase ng kahoy sa gilid ng kalsada. "Ang ganda pala dito tito. Sariwang sariwa ang hangin at ang daming mga puno." masayang wika niya habang nakatanaw sa bintana ng jeep. "Oo maganda talaga dito. Mawiwili ka talaga sa mga tanawin at higit sa lahat mababait ang mga tao dito. Sigurado akong magiging masaya kayo dito." wika naman ng kanyang tito. "Ate, tignan mo ang mga puno oh ang daming bunga!!" bulalas ni Alfred na kapatid niya. Ngayon pa lang ay nasisiyahan na ang mga kapatid kaya naman ay masaya din siya dahil alam niyang hindi siya mahihirapan sa mga ito na mag-adjust sa buhay probinsiya.. May mga bahay din dito ngunit hindi gaanong mga kalakihan. May mga batang nagkalat sa paligid na lalong ikinatuwa ng kanyang nakababatang kapatid. Nasa kalagitnaan na sila ng mapansin niya ang isang malaking gate. Isang matayog at medyo luma nang gate. "Kaninong pagmamay-ari po iyan tito?" tanong niya sa kanyang tito habang itinuturo ang gawi ng gate. "Ah sa pamilya de Silva 'yan. Sila ang may-ari ng mangahan dito at pinakamayaman na angkan sa lugar na ito." paliwanag ni Tiyo Roman. "Aaaaah.. Gate pa nga lang alam mo nang mayaman baka pati ang bahay sobrang laki.." "Oo malaki talaga ang manyon nila." Nang makalayo sila ay nilingon pa ng isang beses ni Angela ang gate ng mga de Silva. Minsan ay naging mayaman din siya kaya alam niya ang pakiramdam ng tinitingala ng ibang tao pero ngayon ay isang ordinaryong tao na lang siya. Bumuntong hininga siya saka itinuon ang mata sa daan. Hindi pa masyadong nagtagal ay sa wakas nakaratin na sila sa kanilang bagong tahanan. Pagkababa niya sa jeep ay iginala niya ang kanyang mga mata sa paligid. Makalumang bahay ang kanilang titirhan ngunit maayos pa naman ito. May malaking puno ng manga sa harapan at ibat-ibang klase ng bungangkahoy sa likod at gilid nito. "Ito na ang bagong bahay natin ate?" tanong sa kanya ng kanyang bunsong kapatid. "Oo Arman. Maganda 'di ba? Sigurado ako malamig kapag gabi hindi na natin kailangan ng aircon at electric fan." ngiting wika niya sa kapatid. "Mas maganda pa rin ang bahay natin sa Maynila." bigalng nalungkot na sambit nito. "Arman huwag mo nang isipin ang iniwan natin sa Maynila. Ito na ang bagong bahay natin at gagawa tayo ng bagong buhay dito." Biglang sumimangot ang kapatid. Ramdam niya na hinahanap hanap pa rin nila ang nakagisnan nilang buhay. "Sige na Alfred buhatin mo na ang kaya mong buhatin at ipasok na sa bahay." utos niya sa isa pang kapatid. Agad naman itong bumalik sa loob ng jeep at binuhat ang dala niyang backpack at isang maliit na bag. "Nilinisan mi na ang loob ng bahay kaya hindi mo na kailangang maglinis pa. Bahala na lang kayong mag-ayos sa loob huh, Angela?" wika ng kanyang tiyo. "Opo tito. Maraming salamat po. Saang banda pala ang bahay niyo dito?" "Diyan lang sa may bandang likod. Mamaya sasabihan ko ang tiya Elena at mga punsan niyo na pumunta dito at magdala ng makakain. Alam kong gutom na rin kayo sa biyahe." "Sige po, Maraming salamat ulit." "Oh paano Leticia kayo na ang bahala ng mga anak mo dito huh? Babalik na lang ako maya-maya." baling ni Tito Roman sa mama nila Angela. Tumango lang ang matanda at dahan dahan ng lumapit sa may pintuan ng bahay at unti-unting ipinihit ang seridura para buksan. Tinulungan naman ni Angela ang drayber na magbaba ng kanilang gamit at magpasok sa loob. Pagpasok niya sa may pintuan ng bahay ay namangha siya sa loob nito. Kahit pala kalumaan ang labas ngunit ang loob ay maganda pa rin. May mga gamit na ngayon pa lang niya nakikita at may mga gamit din na angkop na sa kanyang panahon. Malawak ang loob ng bahay kaya taman tama sa kanilang apat. Lumapit siya sa ina na nakadungaw sa may mababang bintana. Tumabi siya dito at tumingin sa direksiyong tinitignan niya. "Ma, maganda naman dito 'di ba?" tanong niya dito. "Oo maganda, pero mas maganda kung nasa dating bahay tayo." malungkot na sagot ng ina. "Huwag po kayo mag-alala ma, masasanay din tayo dito. Ganito pa lang sa simula pero alam ko masasanay din tayo sa bagong buhay natin. Sana lang po huwag kayong bumitaw, kailangan po namin kayo ng mga kapatid ko." Niyakap siya ng kanyang ina. Yakap na nangangahulugang hindi nga siya bibitaw at lalabanan kung anuman ang deppresion mayron siya sa ngayon. Hindi nila alam kung ano ang naghihintay na kapalaran nila ngunit kapag sama-sama sila, alam ni Angela na kaya nilang tumayo at maging masaya ulit gaya ng dati.... Matapos na pirmahan at pag-aralan ni ni Luis ang mga papeles sa kanyang mesa ay binilin niya ang kanyang sekretarya na kapag may naghanap sa kanya sabihin niyang nasa manggahan siya. Mabilis siyang umalis. Una muna siyang dumaan sa kanilang factory para icheck ang kanilang kalagayan doon. Magiliw na binati siya ng mga trabahador nilang, mapalalake at babae. Kinausap niya ang head nila para tanungin kung okay lang ba ang kaayusan ng kanilang pagtatrabaho. Matapos makumpirmang maayos sila ay umalis din siya agad. Tumungo naman siya sa mansyon dahil parating ang kanyang tito Manuel. Kailangan niyang pagilan ang kanyang Papa na bigyan na naman ito ng pera. Tanging hingi lang kasi ang alam ng Tito niyang ito. Hindi man lang niya alam kung paano magbanat ng buto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD